Chapter 4: Treasurer

75 10 0
                                    

Raive POV:

Tulala parin siya dahil sa sinabi ko kaya pinitik ko ang noo niya at bumalik ito sa ulirat niya.

"Biro lang yun Sloane"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at kanuha ang unan sa tabi niya at hinampas ito sa akin ng ilang ulit.

"Aray ano ba!"

"Bagay lang sayo yan!" Hampas niya parin sakin. Tumigil lang ito sa pag palo ng mapagod ito.

Tumayo siya at inayos ang suot niyang sweatshirt at umalis sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin at pumasok ito sa kusina. Namimihasa ata ang babaeng ito, kanina pumasok siya sa dorm ko nang walang paalam at ngayon kukuha ng pag-kain sa ref ko ng walang paalam.

Bumalik siya at umupo sa tabi ko, may dala na siyang dalawang slice ng cake, juice at piattos. Tinignan ko siya ng masama at napatigil siya sa pagsubo ng cake ng  tumingin rin siya sakin.

"Pahingi ha" paalam niya

"Ano pa magagawa ko eh kumakain kana ngayon."

"Babayaran naman kita bukas eh." Saad niya at sumubo na ng cake.

Binuksan ko ang dala niyang piattos at kinain iyon. Ala syete na ng gabi at mamaya ay off na ang ilaw, ang gamit na bukas lang sa oras na iyon ay aircon.

"Hindi ko maintindihan ang pinapanood mo" reklamo niya habang lumalamon.

"Its a french movie"

"Ahh half french ka" saad niya habang tumatango pa.

Susubo na sana siya ng cake ng malaglag ang maliit na cake sa carpet kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Je  suis désolé" saad niya kaya nagulat ako.

Translation:  I'm sorry

"You speak french?" Tanong ko at tumango siya. "Paano? May lahi ka bang french?" I asked out of curiosity.

"Hindi" iling niya "half fries ako" sagot niya at tumawa agad siya.

"I'm serious"  I said with a poker face.

"No. I'm a half Japanese, Korean and syempre a Pilipina" she said at uminom ng juice. "Ayy half thai rin pala."

"Eh paano ka natutuo magsalita ng ganun?" Tanong ko

"Natuto lang. Sampung lenggwahe ang alam kong salitain. Lahat ng nun ay sa aklat ko lang natutunan, boring eh kaya naisipan kong mag-aral ng ibang lenggwahe." She said ang my jaw dropped.

"Ganon ka katalino?" Tanong ko at tumawa ulit siya.

"Hindi. Sikap at tiyaga lang" she said at niligpit ang pinagkainan.

"Eh bakit sinabi mo kanina na hindi mo maintindihan ang pinapanood ko?" Singhal ko sa kanya

"Wala lang. Ang tahimik mo eh, at gusto kong magyabang kaya sinabi ko yun para malaman mo"

"Ang yabang mo!" Sigaw ko sa kanya habang siya ay naghuhugas ng plato at baso sa kusina.

"Alam ko. Bilib kana ba?"  Saad niya pero hindi ko na siya sinagot at nanood na lang ng palabas.

Tamang alas dyes ay namatay lahat ng ilaw at pumasok na ako sa kwarto ko para ayosin ang higain.

"Sloane!" Sigaw ko sa kanya dahil naroon ito sa living room. Pumasok siya sa kwarto ko habang nakanguso.

"Ano?!" Singhal niya.

"Dito ma matulog. Diyan ako sa sofa" turo ko sa white sofa dito sa kwarto ko.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now