Chapter 20: I Promise

46 4 0
                                    

Raive POV:

Niligpit ko muna ang kalat sa living room at hinugasan ang plato na naroon sa sink. Ang sabi ni Sid at Kind noon ay malinis ang kwarto ni Sloane, ganoon din ang sinabi ng mga kaibigan niya na malinis at maingat siya sa gamit niya bakit ngayon dito sa dorm ko kong makapagkalat ay akala mo bata. Minsan iiwan pa ang pinagkainan niya at ako ang pahuhugasin.

Nang pumasok ako sa kwarto ay nakahiga na ito at natutulog. Tumawa ako ng bahagyan ng makita kong sinakop niya ang lahat ng kama habang nakadapa siyang humihiga. Kinumotan ko siya at inayos ang pagkakahiga, kinuha ko ang tali ng buhok niya inilagay ito sa pulsuhan niya.

Binuksan ko ang laptop ko para icheck ang document tungkol sa company namin. Si daddy na ang namamahala sa dalawang kompanya na iniwan sa amin ni Mommy. May pinama din sa akin si mommy na sariling business ko, tinutulong ko parin si daddy na imanage ang kompanya dahil humihingi ito ng tulong sa akin. Sinira ko ang laptop ko ng makita kong alas onse na pala ng gabi. Hinalikan ko ang  noo ni Sloane bago natulog.

"Honey" may tumutusok sa pisngi ko. Tumalikod ako at hindi ko siya pinansin, alam kong magpapatimpla na naman siya ng kape niya.

"Huyy!" Sigaw niya. "Kakain na!"

Bumangon ako at tumingin sa kanya,habang siya ay nakangiti na ngayon sa akin.

"Anong nakain mo bat nagluto ka?" Tanong ko sa kanya.

"Basta. Bumangon kana" aniya at lumabas na ng kwarto. Pumasok ako ng banyo para mag mouthwash.

Nang lumabas ako ng kwarto ay dumeritso ako sa kusina at nakita kong tulala siya habang hinihilot ang ulo niya, nakasuot siya ngayon ng salamin ngayon.

"Bakit may suot ka ng ganyan?" Turo ko sa salamin.

"Vertigo" aniya kaya agad akong lumapit agad ako sa kanya.

"Dapat nagpahinga ka, pagkatapos nating kumain,maligo at matulog kana" at inabot ko sa kanya ang baso ng tubig

Tumango lang ito at kinuha ang baso at kumain na.

"Naeexcite ako isipin na kapag tumanda na tayong dalawa makikita kita palagi sa bahay na nakasuot ng salamin habang inaalagaan ang mga anak natin" saad ko at tumawa naman siya.

"Mahilig ka masyadong mag-imagine. Masama sa ekonomiya iyan." Aniya at tinapos ang pag-kain niya. "Nahihilo talaga ako"

Tumayo ako at inalalayan siya papuntang kwarto. Pinikit niya ang mata para makatulog ulit. Hinubad ko mona ang salamin niya bago lumabas ng kwarto.

Pinagpatuloy ko ang pag-kain ko at hinugasan ang plato namin. Naglinis ako ng buong dorm ko maliban lang sa kwarto dahil baka maabala ko ang pagtulog niya.

Nang matapos akong maglinis ay pumasok ako sa kwarto para maligo na, nakita ko siyang mahimbing na ang tulog niya.

Matapos kong maligo ay nanood na ako ng movies sa netflix kasi wala akong magawa dahil tulog naman si Sloane. Noong wala pa siya dito sa dorm ko ay ganito lang palagi ang ginagawa ko. Walang kausap at palaging naglilinis ng dorm. Pero ng dumating siya minsan lang rin mag-ingay pero sermon pa lahat, lagi niyang tinatapon sa akin ang damit ko pag nagagalit siya at mabilis maubos ang pag-kain namin dahil wala siyang tigil kakain.

Alas kwatro na ng hapon pero tulog parin siya. Nauna siyang matulog kagabi sa akin pero kong matulog siya ngayon akala mo hindi natulog ng isang buwan. Hindi pa siya nakakain.

"I need a coffee" aniya na kakalabas lang ng kwarto at nakaligo na siya.

"Do you want me to buy you a coffee in your favorite cafè?" I asked

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now