Chapter 26: Slow

44 5 0
                                    

Raive POV:

"Where's Sloane?" Her friend asked when I arrived at the restaurant for our breakfast.

"She's on her way here" I said

"On the way, huh? Baka natutulog pa kasi pinagod mo kagabi?" Pilyong ngiti ni Sid pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Shut up kung ayaw mong lunorin kita mamaya"

"Ito naman hindi na mabiro."

I can't believe they are thinking  that me and Sloane is doing the sex thing already. We're too young for that, I mean hindi pa kami kasal. Maybe I temp sometimes pero hindi iyon rason para may mangyari sa amin at sirain ko ang tiwala niya, nirerespeto ko siya.

Kagabi nung pumasok kami sa villa namin ay natulog agad kami dahil nagrereklamo siya na pagod siya at mahapdi ang balat niya dahil sa init. Nakita ko pa ang post niya kagabi kaya niyaya ko siyang magpakasal at kita ko ang gulat sa mukha niya kaya alam kong hindi pa siya handa, I'm just joking that time. Gusto ko kung ikakasal kami ay paghahandaan namin iyon dahil ibibigay ko sa kanya ang kasal na hindi niya makakalimutan.

Dumating ang order namin at wala parin siya. Sobrang tagal niya talagang kumilos, usad pagong at palagi siyang may problema pagdating sa isinusuot niya.

"You're late" rinig kong saad ni Sid habang nakatutok ang paningin ko sa hawak kong cellphone.

"Hindi ako na inform na bawal palang ma late" pabalang na sagot ni Sloane, inangat ko kaagad ang paningin ko at halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang ganda niya.

She's wearing balck smocked tube top, white high-waist trousers for beach, sunglasses, hoops and flappy sun hat. Naglakad siya papunta sa akin at hinalikan ako sa noo bago umupo sa tabi ng upoan ko.

"Morning" bati niya. Kanina nung nagising siya ay dumeretso agad ito sa banyo para maligo kaya hindi niya na ako napansin.

"Good morning" bati ko habang nakatingin  parin sa kanya.

Sobrang ganda talaga ng girlfriend ko.

"Hindi ka maliligo Sloane? Bakit ganyan suot mo?" Tanong ni Blair.

"Hindi, mahapdi na ang balat ko." Aniya habang pinapakita ang braso niya na namumula na.

"Sayang naman, ang ganda pa naman ng isla na pupuntahan natin."

Tumawa lang si Sloane at kumain na. Hindi naman siya gaano ka puti pero masasabi kong ang balat niya ay makinis at kutis talaga ng lahing Korean at Japanese. Nang mapansin niyang naka tingin ako sa  kanya ay tumingin rin ito sa akin at ngumiti, kung seryuso ang mukha niya ay maganda siya pero kong ngingiti siya kulang ang salitang ganda para masabi ko kong gaano siya kaganda.

Kaya minsan napapaaway siya dahil sa lagi itong seryuso at masama ang tingin, kong hindi nga kami ay iisipin kong galit parin ito sa akin dahil kahit nakangiti ito ang mata niya ay parang papatayin ka dahil sa sama nitong tumingin, para bang siya ang nanay at ako ang anak niyang pasaway ma may ginagawang mali tapos nasa public place kami, nakangiti lang ito habang masama ang tingin na parang sinasabi ng mga mata niya na tumigil kana humanda ka sa akin mamaya sa bahay.

Napatikhim agad ako dahil sa naisip ko, nagugutom na siguro ako dahil kong ano ano na lang ang naiisip ko.

Minsan nagugulohan pa ako sa pagkatao niya, sobrang galing niya sa lahat ng bagay. Pagdating sa gamit pandigma o armas ay magaling siyang humawak o gumamit nito,  ayaw kong magtanong o mahimasok dahil alam kong pribado iyon. Kaya hindi ko siya pinapakialaman ang gusto niya at ang sariling gulo o away niya dahil alam kong ayaw niyang gawin ko iyon at nung nangliligaw pa lang ako sa kanya iyon agad ang unang paki-usap niya sa akin.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now