Chapter 39: Rude

32 3 0
                                    

A/N: This is a short chapter. Thank you;)

Sloane POV:

Dalawang araw na ang nakalipas simula ang gulo sa academy. Hindi ako pinarusahan kaya laking pasalamat ko,kailang ko ang pwesto na ito dahil kong hindi mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi ko akalain na magsasagutan kami ng ganon ni  Headmistress, alam kong bastos ako at walang galang pero ginagawa ko lang iyon sa taong masama ang trato sa kapwa niya.

Nung araw na mangyari ang aksidente na iyon ay may nakita akong nagmamasid sa amin, kong hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka napatay ko siya. Pumikit ako ng mariin ng maalala ko ang mga taong napatay ko. Hindi ko maintindihan minsan bakit kailangan pang pumatay, kong pwede naman ikulong na lang.

'Vengeance is yours, make them all repay!' ---Naalala ko ang dumadagungdong na boses ng Hari at ng mga rango.

"Bakit kailangan pa mangyari to?" I asked at hinilamos ang mga kamay sa mukha ko.

'Don't disappoint us. We will for wait you.'--- Makapangyarihan na saad ng Reyna.

Nilisan ko ang lugar na iyon habang dala dala ang sama ng loob. Tanggap ko ng wala na siya pero bakit sila hindi parin. Parang tinakwil ako ng sarili kong bansa nung sinabi nila iyon, gusto kong umiyak ng mga oras na iyon pero wala akong magawa. Palihim akong bumabalik minsan sa lugar namin para makita ang Ojīchan at ang kompanya.

Lumabas ako ng kwarto ko matapos magbihis, isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at lumabas ng dorm habang inaayos ang buhok ko. Naglakad ako papuntang office kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pagpasok ko ay wala ng tao kaya inilista ko lang ang pangalan ko at  lumabas na sa office at dumeritso sa room para sa unang klase ko. Umupo ako sa tabi ni Kind at Sid, hindi ko ngayon kaklase ang kambal at si Jennie kaya medyo tahimik ang buhay ko dahil wala sila. Tuwing kaklase ko sila ay panay kwentohan at tawanan na pero kahit ganon ay matalino at may isasagot parin sila.

Sumunod ang dalawa pang subject kaya medyo pagod at gutom ako. Tumayo agad ako iniligpit ang mga gamit ko bago lumabas ng classroom.

"Let's go." Yaya ni Kind at sumundo kami ni Sid sa kanya.

Pumasok kami sa  cafeteria at nakita na naroon na ang iba pa naming kaibigan. Ngumiti sila sa amin at kinawayin kami. Dumapo ang tingin ko kay Raive at seryuso itong nakatingin sa akin ngayon na para bang inaalam kong okay lang ako o hindi.

Umupo ako sa harap niya at ngumiti ng pilit, tumayo sila at sila na ang nag-order para sa amin. Humarap ako sa mga kaibigan ko ng tanongin nila ako.

"Heyy are you okay?" Jennie asked

"U-uh yeah."

"You sure?" Paninigurado ng kambal at tumango ako.

"Dalawang gabi kana hindi natutulog sa dorm ni Raive at sobrang tahimik mo ngayon." Puna ni Flair

"I'm fine."

Dumating ang mga lalaki at sinimulan na namin ang pag-kain. Hindi ako makakain ng maayos dahil panay ang sulyap ni Raive sa akin kaya naiilang ako.

●RAIVE POV:

Panay ang sulyap ko kay Sloane dahil nakaraan pa itong tahimik at nakikita kong lumalaki na naman ang eyebags niya. Napabuntong hininga ako ng sulyapan ko siya muli, namamayat kana naman.

Nung tinanong ko siya ng gabing umuwi kami kong kapatid niya ba yung sumigaw ng ate sa kanya pero hindi niya ako sinagot, nagulat na lang ako ng nagpaalam siya na sa dorm siya nila matutulog. Hindi niya lang naman ako hinintay matapos tinalikuran niya na agad ako. Kagabi ay sa dorm niya parin siya natulog at hindi na siya masyadong kumikibo.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now