Chapter 34: Intruder

38 2 0
                                    


Raive POV:

Bumangon agad ako ng tumama ang sinag ng araw sa mata ko, tinignan ko ang katabi ko at hanggang ngayon ay tulog parin siya. Hinalikan ko ang noo niya at inayos ang kumot bago lumabas sa kwarto at nagluto ng agahan namin. Hinanda ko rin ang kape niya at pumasok ulit sa kwarto pero tulog parin ito. Lumapit ako sa kanya para gisingin siya pero natawa ako sa mukha niya dahil kahit tulog nakasimangot parin ito.

"Honey." Sigaw ko sa kanya

"Hmmm?" Aniya habang lumiliyad pa kaya napalunok ako.

"Wake-up. Six forty five na." I said at bumango na ito, nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad ito papuntang banyo ay hinuhubad niya ang mga damit niya.

"Let's go." Yaya niya sa akin at sumunod na ako sa kanya.

Kagabi ay hindi pa kami natulog dahil nagkwento pa siya tungkol sa nangyari sa kanya sa dumaang araw na nawala ako. Hindi ko alam sa dumaang araw ay naging miserable pala siya at mga kaibigin niya.

Ikwento ko rin sa kanya ang nangyari sa amin, sinabi niya sa akin na muntikan ng mahimatay si Jennie at Blair ng malaman na nasugatan at napahamak kami. Habang tumitingin ako sa kanya kagabi ay doon ko lang nahalata na lumalaki na ang maliit niyang eyebags dati at namayat rin siya.

Lumabas agad kami ng banyo ng matapos kaming maligo, siya ang unang natapos magbihis at pagkatapos niyang magsuklay,maglagay ng lotion at perfume ay lumabas na agad ito sa kwarto. Tahimik siya ngayon dati kong nagigising ito ay nangungulit at nag-iingay pa ito sa kwarto namin.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas rin ako ng kwarto at nakita ko siya kakatapos niya lang magsuklay at sinusuot niya ngayon ang relo at white skechers niya.

Tumayo ito sabay kaming kumain dalawa, nakayuko at tahimik lang ito habang kumain. Dati ay pinapagalitan kopa ito dahil habang kumakain ay nagsasalita at tumatawa ng malakas pero ngayon parang nahawaan yata ni Jennie sa salitang table manners.

Isinuot ko ang sapatos at relo ko bago isinukbit ang bag sa braso ko. Nauna akong lumabas at sumunod siya. Inakbayan ko kaagad siya ng papasok na kami sa elevator.

"Are you okay honey?" I asked

"Yes."

"Do you need something or want eat pancakes?"

"Yes." Natatawang sagot niya.

"Do you want me to buy you a pancakes and coffee?"

"Maybe later." Aniya at hinalikan ako.

Binitawan kona siya at sabay kaming naglakad papuntang office. Pag bukas ko ng pinto ay naroon na ang lahat na officers.

"Good morning." Tumayo silang lahat at bumati sa amin. Umupo ako sa upoan ko at sinulyapan si Sloane na seryusong nag-uusap sila ni Jennie.

Umupo siya sa swivel chair niya at binuksan ang laptop niya.

"What are your plans for this saturday Ms. Salvatori?" I asked kaya tumingin ito sa akin.

"I have no plans. Why?"

"Ano ba sa sabado?" Axelle asked

"Her birthday." I said.

"Let's go to the bar." I said "Let's invite the officers,closest student and teachers in your life."

"Yes." Sabay na sagot ng mga kaibigan namin at ng ibang officers at tumango lang si Sloane.

Nagpaalam na sila na magkakaibigan na bibisitahin nila si Kalix at papasok na sa  klase. Nagpaaalam narin ang ibang officers na papasok na sa klase at kaming apat lang na magkakaibigan ang naiwan dito sa office.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now