Chapter 56: Last Day With Him

27 1 1
                                    

●}Sloane POV:

Parang tanga ako ngayon habang naglalakad papunta sa office para kunin ang mga gamit ko at umuwi na dahil sa pagod na nararamdaman ko. Pag bukas ko ng pinto ay naroon na ang mga kaibigan ko at ang iba pang officers at nakatingin silang lahat sa akin. Ngumiti ako sa kanila  at umupo sa swivel chair ko, napatingin ako sa katabi ko nang marinig ko ang buntong hininga niya.

"What happened to you?" I asked.

"I fell sad and I don't know why. Parang nararamdaman kong may mawawala." She said.

"Tsshhh 'yang utak mo ang daming iniisip." Natatawang saad ko.

"Emilia let's go." Yaya ni Kind sa kanya.

"Emilia." Natatawang saad ni Sid at sinamaan naman siya ng tingin ni Kind.

"Tsss shut up. That's my favorite name." Kind said.

"Edi kayo na ang sweet, basta ako may yelo." Biro niya at tumingin kay Blair.

Tumayo si Jennie at kinuha  ang bag niya at lumingon sa akin bago kumindat at nagflying kiss ito sa kambal na ikinatawa naman nila. Tumingin ako sa kambal na nag-uusap ngayon, napatingin ako sa gawi ni  Raive ng tumayo ito at inayos ang mga gamit niya at inilagay sa loob ng bag niya bago tumingin sa akin. Ang gwapo, kahit hapon na umaalingasaw parin ang pabango niya.

"Baby let's go." Yaya ni Raive sa akin at tumango naman ako.

"Ano to? Araw ng may mga jowa?" Blade said and then everyone laughed.

"Shut up. Wag kang painosente dahil lima ang girlfriend mo." Raive said at hinawakan ang kamay ko at tuloyan na kaming lumabas ng office.

Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagdala at inakbayan niya kaagad ako. Tumingin ako sa kanya at tumingala pa ng bahagya dahil ang taas niya, hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako. Pumasok kami sa isang restaurant para bumili ng makakain namin at umuwi narin agad kami sa dorm niya.

"Maliligo lang ako!" Sigaw ko sa kanya dahil nasa kusina ito.

"Sure hon." Rinig kong saad niya.

Pumasok ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis at lumabas ng kwarto at sumunod naman siya kaagad. Nang lumabas ito sa kwarto ay niyakap ko kaagad ito mula sa likod.

"Heyy okay ka lang?" He asked.

"Yeah, I just miss you." I said kaya tumawa ito.

Pumasan ako sa kanya at hinawakan niya ang mga binti ko at dinala sa kusina at pinaupo sa upoan para kumain na kami. I will miss this, I will miss doing this, I will miss him. Him.

Looking at him right now is like I'm looking at the man who I want to spend my whole life with. I can't lose him. I am willing to fight just to have him forever.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya ng halikan niya na naman ulit ang leeg ko habang tumatawa. "Time freeze, saglit lang!" Natatawang saad ko.

Tumigil ito at tumawa ng malakas kaya sinipa ko ito dahilan ng pagkalaglag niya sa kama kaya ako naman ang tumatawa ngayon. Nang tumayo ito ay nakahawak na ito sa balakang niya. Nakapikit ito ngayon habang kagat ang labi niya at nang iminulat niya ang mata niya ay sinamaan niya ako ng tingin pero mas lalo ako nagulat ng bigla siyang humiga ulit sa kama at kinilita na naman ako.

This guy is a big jerk! He knows kong ano ang kahinaan ko. Tumigil lamang ito sa pangungulit sa akin ng niyaya ko siyang manood ng movies. Pag kami lang talaga dalawa ay sobrang kulit niya na animoy parang si Jennie.

"Sino sa tingin mo ang unang mabubuntis sa aming mag-kakaibigan?" Walang animoy tanong ko kaya napatingin ito sa akin habang ngumunguya ng kinakain niya.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now