Chapter 10: Weakness

63 10 0
                                    

Raive POV:

Araw ng biyernes ngayon at narito kaming mga officers sa office dahil may ginagawa kaming papeles na inuutos ni Headmistress. Si axelle ay wala dahil bumili siya ng kape namin dahil nagrereklamo na ang iba na gutom na. Si Jennie ay ganoon rin, umalis siya dahil bibili daw siya ng bagong cellphone niya, hindi niya rin naman iyon magagamit dahil walang signal o wifi dito.

Ang pag-kakaalam ko ay bukas pa ang balik ni Sloane dito. Pagbalik niya dito ay tambak ang trabaho niya. Si Axelle ay nahihirapan dahil hindi niya masyadong alam ang gagawin kaya natatagal siya sa ginagawa niya.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko dahil tahimik sila ang nakatutok ang atensyon sa laptop nila. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jennie na abot tainga ang ngiti at hawak niya ang box ng bagong cellphone niya.

"Yieee! Kyaaa!" Tili niya bigla kaya napatingin ang iba sa kanya.

Lumapit siya sa kambal na kaibigan niya at may ibinulong na nakapagpatili rin sa kanila. Tumayo sila at lumapit sa mga bag nila at inilabas ang lipstick at powder at ipinahid ito sa labi at mukha nila.

"Do I look good?" Tanong nila sa isa't isa habang magkaharap at nagtanguan rin na parang sila lang ang nag-uusap sa silid na ito.

"Anong nangyayari? Anong ginagawa niyo?" Sa wakas ay nagtanong rin si Kind kaya tumingin sa kanila ang tatlo at lumapit para bulongan sila.

Napatayo rin si Sid at Kind ng matapos ang ibinulong sa kanila ng tatlo at nagpabango rin sila.

Hindi na ako nagtanong pa dahil baka pribado kaya ayaw nilang sabihin. Bumango ang office dahil panay ang pabango nila lima.

Pagkatapos ng sampong minuto ay umupo na ito sa kani kanilang swivel chair at hindi parin naaalis ang ngiti sa mga labi nila. Tumingin ako sa laptop ko at tinapos ang papeles na hindi ko parin nasisimulan. Bumukas ulit ang pinto at hindi ko na iyon sinulyapan dahil baka si Axelle lang iyon.

"Sloane!!!" Sabay nilang sigaw na lima kaya agad akong tumingin sa pinto at naroon si Sloane nakatayo at nakalahad ang mga bisig para yakapin ang mga kaibigan niya. Nagpunas ng mata ang mga babae pagkatapos nilang yakapin si Sloane, niyakap rin ni Sid at Kind si Sloane at panay sabi na pasalubong daw nila. Hindi ko pa siya masyadong nakikita dahil tinatakpan siya ng lima.

"Mas lalo kang pumuti at gumanda" puri ni Flair sa kanya.

"You're so bango like ever. Amoy Japan" sabi ni Jennie at niyakap siya ulit.

Umupo na sila ulit at doon ko nasilayan si Sloane. Nakasuot pa ito ng black long sleeve turtleneck, ripped jeans at black high heel boots. Mas lalo siyang gumanda dahil panakulayan niya ang buhok niya ng kulay brown na may halong blonde sa baba.

"Ang ganda talaga. Putchang pormahan" puri ni Sid.

"You are so beautiful. Bagay sayo ang buhok mo" ani ni Kind at niyakap siya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa at nahagip ng tingin ko si Blair na nakatingin sa akin at nakangisi at nginuso ang pwesto ni Sloane.

Tumingin ulit ako sa kanya ng umupo ito sa swivel chair niya at sinandal ang likod.

"Welcome back, Sloane" saad ni Blade habang nakangiti.

"Yeah. Ipapadala ko na lang sa dorm niyo ang mga pasalobong niyo. Nahihilo pa ako" reklamo niya.

"Yes! Pasalubong!" Sabay na sigaw nila.

"Kamusta ang mga itlog ko?" At hinarap si Sid at Kind.

"Ok naman sila. Ang iingay nilang tatlo tuwing gabi." Reklamo nilang dalawa.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now