Chapter 9: Misses Her

65 8 0
                                    

Raive POV:

Apat na  araw  na simula ng umalis si Sloane,  yung mga kaibigan niya naging tahimik na at parang ayaw kaming makasama. Minsan silang tatlo lang ang nag-uusap.

Si Axelle ngayon ang gumagawa ng gawain ni Sloane na naiwan, sumandal ako sa swivel chair ko ng maalala ang araw na sinapak niya si Elissa, sinangga niya ang sarili niya para lang hindi masampal ang kaibigan niya.

Napapikit ako sa inis ng kampihan ko si Elissa ng araw na iyon. Nang makita kong nilapitan siya ni Kind ay parang tinusok ang puso ko kay bigla akong nainis.

Nang araw na umalis siya ay hindi ko mapigilan na yakapin siya, natatakot ako na baka hindi na siya babalik pa.

"I miss Sloane." Nakangusong saad ni Jennie.

"Me too." Sabay na ani ng kambal.

"Grabe bilib ako sa friendship niyo. Idol ko na talaga si Sloane" Sid said at tinignan ko siya ng masama.

"Why?" Blade asked

"Nang araw na sinabi ni Miss Amethyst na suspended siya ay niyaya niya kaming mag mall. Akalain mo yun dalawang cart at puno pa ng groceries ang pinamili niya para lang sa tatlong itlog niya na maiiwan sa dorm nila. Sabi niya daw ayaw niyang lumabas ang girls tuwing gabi dahil delikado" Ngumiti agad si Kind pagkatapos niya iyong sabihin.

"Actually dun sa dorm namin si Sid at Kind natutulog. Sa kwarto ni Sloane" nakangiting ani ni Blair at tumingin sa akin na nakangisi.

"Sa kwarto ni Sloane?" Tanong ko

"Yeah. She said bantayan namin ang mga itlog niya habang wala siya sabi niya pa 'Pag umuwe ako at may makita akong galos sa mga itlog ko handa kayo sakin' " panggagaya pa ni Sid sa boses ni Sloane. Nagtunog siyang parang manok na pinupugutan ng ulo.

"Her bedroom smells so nice" nakangiting sabi ni Kind.

Umigting ang panga ko at hinawakan ng mahigpit ang ballpen ko kaya nabali ito. Napatingin ako kay Blair ng narinig ko siya tumawa habang nakatingin sa akin.

"Oo nga noh. Ang linis at ang bango" dagdag ni  Sid

"Huyy wag niyong galawin ang mga gamit ni Sloane dahil lagot talaga kayo. Kahit alikabok nga ay hindi nakakalapit sa gamit niya" tumawa agad si Flair at Jennie ng sabihin iyon ni Blair.

Dati pa naman ay halata ko na kay Sloane na maingat at malinis siya sa gamit niya. Walong taon na kaming magkakilala at magkakasama. Si Jennie ay hindi niya pa ito dati makasundo dahil palagi silang nag-aasaran pero ngayon magkasama na sila sa iisnag dorm. Si Kind at Sid lang talaga dati ang pinapansin niya sa amin hanggang sa maging kaclose niya si Flair at Blair. Isang babae lang dati ang kaibigan niya pero trinaydor siya, alam kong kahit may pagkatomboy  ay mahina siya pagdating sa pag-ibig.

Nawala siya ng dalawang buwan dati, lumabas pala siya ng campos at nanatili sa America. Tinulongan siya ni Headmistress makalabas sa Academy  kahit sobrang pinagbabawal ito.

Matagal ko na siyang gusto. Walong taon ko nang  pinipigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ako sigurado kong mahal ko na siya pero sigurado akong matagal ko na siyang gusto. Sa ngayon ay hinihintay
ko ang pagbabalik niya dahil doon ko masisigurado kong mahal kona nga ba siya. Pinipigilan ko ang sarili ko ngayon na lumabas sa Academy nato at sundan siya.

Siya talaga ang babae gusto ko. Maalaga, hindi maarte, matapang at pinapahalagahan ang taong malapit sa kanya.

Sa walong taon na naging gusto ko siya ay halos saulo ko na ang ugali niya.

Ayaw niya ng masyadong makulit at maingay, pero ngayon tanggap niya na na may mga kasama siya sa dorm niya na maiingay at makukulit. Ayaw niyang ginagalaw ang gamit niya dahil gusto niya palaging malinis at maayos ito.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now