Chapter 42: Dark Forest

30 2 0
                                    

A/N: Short update lang po ito. Babawi ako sa Chapter-43. Enjoy reading and THANK YOU.
                         

} SLOANE POV:

It was saturday of the morning and I woke up early to jog around the academy for some reason. Lumabas agad ako ng dorm building at tumungo sa oval at  nagstretching bago tumakbo, apat na besis ako umikot bago napagdesisyonan na tumungo sa lugar na gusto kong puntahan.

I walked faster para makarating ako ng mabilis, alas sais y media na ng umaga at baka mamaya gising na si Raive at hanapin pa ako.

Napalinga-linga ako sa paligid ng dumating ako sa garden na paborito ko. Naglakad ako papasok at huminto sa pinakamalaking puno na nasa garden na iyon. Hinawakan ko ang kahoy ng puno at puno iyon ng sugat. Isinandal ko ang noo ko sa punong iyon at niyakap siya ng bahagya at ipinikit ang mga mata ko.

"Are you okay?" Mahinang tanong ko sa puno at guminhawa ang pakiramdam ko ng umihip ang malakas na hangin.

"I will take good care of you." Bulong ko bago binitawan iyon at pumasok pa sa pinakaloob ng garden.

Tumingin ako sa Dark forest dahil sobrang dilim talaga nito, kulang ang salitang dark para maidescribe ko ang forest na nasa harap ko ngayon. Kong ano ang ikinaganda ng Grandidierite garden ay siya naman ang ikinapanget ng dark forest.

Kong baga katulad siya ni Headmistress. Natatakpan ng panglabas na anyo pero sa loob ang kulo. Natatakpan ng garden ang forest kaya mahuhumaling ka sa unang tingin. Nung first year high school pa lang ako ay manghang mangha ako sa garden at sinubukan ko pa itong pasokin at na discovered ko nasa pinakadulo pala nito ay dark forest.

Dati sabi nila ay maliwanag pa ang forest na nasa harap ko ngayon. They use to called it Crystal of Light forest dahil sobrang ganda nito at wala kang masasabi pag nakapasok ka sa loob. Malulusog ang puno,halaman at hayop pero nagsimula daw itong dumilim ng trinaydor ng dating namumuno dito sa Academy ang forest at pinapasok niya pa ang ibang estudyante ng Imperio Academy para sirain ito.

Tumingin ulit ako sa loob ng forest at hinakbang ang paa ko para makapasok doon pero bago ko pa ulit ihakbang ang paa ko ay napaatras na ako dahil may narinig akong sigaw mula sa loob at umihip ang napakalakas na hangin.

Inangat ko ang kamay at hinawi ang isang sanga ng kahoy na humaharang sa harap ko at wala akong ibang makita kundi kadiliman at may naaamoy rin akong masangsang na baho. Dali-dali akong umatras ng marinig ko ulit ang sigaw ng isang babae at lalaki.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa kilabot na nararamdaman ko. Umihip ulit ang malakas na hangin kaya isinira ko ang mata ko.

"Raive"  tawag ng isang babae at  bakas ang takot sa mga boses niya.

"Sopphora where are you?"  Sigaw ng lalaki at bakas ang galit sa mga boses nito.

"I'm here honey." Mahinang saad ng babae.

"Stay still, Im coming."

"I'm scared."

"Please baby  don't give up." Rinig kong saad ng lalaki.

"I'm tired. May tama ako ng baril."

"Hahanapin kita."

"Baby I'm scared and tired. I can't fight."

"Baby!!!" Sigaw ng lalaki ng may narinig siyang putok ng baril.

'Sopphora??'

It can't be!!! Hindi pwedeng ikaw 'yon.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now