Chapter 38: Traitor

34 4 0
                                    

Sloane POV:

The strongest power on earth is love, respect and kindness. Kung wala ka nun at hindi mo alam kong ano ang ibig sabihin ng mga salitang yan ay walang saysay o kabulohan ang buhay mo. Matatagpuan mo ito sa mga taong nasa paligid mo katulad na lamang ng mga kaibigan at pamilya mo. Everything and everyone has a reason, dumating silang lahat sa buhay ko para pagaanin at bigyan ng kulay ang mundo ko. They deserve my love and trust kahit minsan may hindi kami pagkakaunawaan.

Ngayon lang ako naging masaya ng ganito, simula pagkabata ko ng mamatay si mama at lola ay itinuon ko ang atensyon ko sa pagsasanay. Nasaktan, nasugatan, napilay, umiyak, nabalian at nahospital lahat ng yan ay naranasan ko. Siguro ng hindi nangyari yun noon ay tahimik lang ang buhay ko ngayon. Walang prinoprotektahan, walang tinatago, walang nasasaktan at walang paghihiganti ang nangyayari ngayon.

"Sloane pasok na tayo." Saad ni Jennie at pumasok na agad kami sa office.

Pagpasok namin ay nakita namin silang lahat na tahimik lang at nagpapalitan ng masasamang tingin sa isat-isa. Tumingin silang lahat sa amin ni Jennie at nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Headmistress. Umupo ako sa swivel chair ko at umupo din si Jennie sa tabi ko.

"Mabuti naman at narito na kayong lahat." Headmistress said

"What do you need from us?" Raive asked habang seryuso ang mukha.

"Oh come on Mr.President, you all know kaya narito tayo dahil sa babaeng yan." Turo niya sa akin.

"Ah my girlfriend." Tango ni Raive at halata ang gulat sa mukha ng ibang officers, Ms.Amethyt, Professor Kalil at Headmistress

"What? Girlfriend?!" Utal na tanong ni Prof.Kalil at Ms.Amethyt

"Yes my girlfriend, Sloane." Sabay sulyap niya sa akin.

"So you have a girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Headmistress

"Raive you know that its against the rules. Bawal kang makipagrelasyon sa kapwa mong officers. Mabuti sana kung hindi ka President." Professor Kalil said

"I know." Walang emosyon saad ni Raive

"Then why did you still do it?!" Sigaw ni Headmistress

"I'm sure hindi niya ikakabagsak ito." Ms.Sunstone said "He's serving us and this school for how many years. Hindi niya tayo binigo."

"Ms. Sunstone is right." Blade said

"And you all know about this?!" Sigaw  ni Headmistress

Sa tono niya ngayon ay alam kong galit talaga siya. Plano ko narin sana sabihin na kami ni Raive kaso naunahan niya lang ako. Ayaw ko ng itago pa ang relasyon namin. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay seryuso parin ang mukha, we all know na walang laban sa kanya si Headmistress.

"Not us." Sabay na saad ni Aella, Axelle at ng iba pang officers.

"Maayos naman ang trabaho ng dalawa dito sa office. Walang palya." Saad ni Ms. Sunstone

"Don't defend your kids! Kaya namimihasa sila kasi kinakampihan niyo!" Sigaw ni Ms. Amethyst kay Ms. Sunstone, ang tinutukoy niyang iba pa ay si Ms. Fox at Professor Ken

"Tone down your voice bitch! Kanina pa ako napupuno sayo. She's one of our advisor kaya respect her!" Napatayo na si Jennie ng isigaw niya iyon kay Ms. Amethyst

"Babe." Saway sa kanya ni Kind

"Oh at kayo rin pala." Saad ni Ms. Amethyst "Masyado pa kayong bata para magrelasyon."

"You are such a habber glabber a kinda bitchy slabber. Just continue doin your hebetate bad intentions to satisfy your filthy ass!" Jennie said kaya napamaang kami sa kanyang lahat.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now