Chapter 29: Our Man

41 4 1
                                    

Warning: Medyo SPG, Hehehe

Sloane POV:

Nang nagising ako kanina ay naligo at nagbihis agad ako dahil late na naman ako, alas dyes na ako ng gabi naka-uwe galing sa dorm ni Raive dahil doon na daw ako kumain at nanood pa kami ng dalawang movie na napili niya. Hindi ko akalain na ganoon siya kakulit pag my gusto siya tapos ayaw kong sundin, napangiti ako ng maalala rin kagabi na ayaw niyang bitawan ang kamay ko dahil nakalimutan ko daw suotin ang singsing ko. Aniya pag ayaw ko daw malaman ng buong Academy na kami ay dapat suotin ko palagi ang singsing dahil kong hindi hahawakan niya ang kamay ko buong araw, kaya ang resulta suot ko ngayon ang singsing nq ibinigay niya.

Naglalakad ako ngayon papuntang office dahil bumili pa ako ng kape, minsan naiisip ko rin na wag na masydong uminom ng kape. Kinagatan ko ang binili kong donut at inilapag iyon sa bench bago talian ang buhok at uniform ko dahil alam ko mamaya papagalitan na naman dahil hindi ko tnack-in iyon at magulo pa ang buhok ko. Nag lakad na ulit pa papuntang office at pumasok, nakita ko silang nag-uusap kaya ngumiti lang ako bago umupo sa swivel chair ko.

"Oh good morning dear" bati sa akin ni Headmistress na narito pala ngayon sa office.

"Oh narito ka pala ngayon." Walang reaksyon saad ko at binuksan ang laptop ko bago kinuha ang mga papeles. Nasira na naman ang mood ko.

"Is it bawal ba?" Tanong ni Aella

"Heyy so much gaya-gaya ha!" Singhal ni Jennie.

Napatawa ako dahil sa sinabi ni Jennie at inirapan niya pa ito. Bukod kay Miss Amethyst  ay wala na akong kilala ibang babae na kasing taray nila ni Jennie. Ngumingisi rin ang kambal nang tumingin ako sa kanila. They know I know na ayaw ni Jennie na ginagaya siya sa mga pananamit, pananalita at pagkilos niya.

"So why are you here?" Raive asked.

"I'm here to say na may gaganaping prom"

"Sino nagsabi?" I asked

"Me" aniya habang nakangiti. "Ipapa-announce ko ito mamaya"

Napasinghap ako nang sinabi niya iyon. Hindi ko alam kong ano na naman ang plano nila, tapos dagdag gastosin na naman eh hindi naman sila ang namomroblema kong kulang ang pera kong ipopost ko ito sa bulletin board ng Academy. Itinoon ang paningin ko sa singsing habang nakangiti.

"Are you engaged now, Sloane?" Tanong ni Miss Amethyst at bakas sa mukha niya ang gulat.

"Oo, bakit?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"To whom?" Headmistress asked

"To the man I love" I said at pasimpleng sinulyapan si Raive habang nakasandal sa swivel chair niya at nakangisi.

"You're to young" angil ni Miss Amethyst

"Don't worry, hindi ikaw ang magpapakain sa akin at hindi karin imbetado sa kasal ko." I said

"I guess your soon to be husband is handsome" hindi iyon tanong na saad ni Raive

"Yup, handsome like coffee" I said at umismid siya.

"I hope lahat." Saad ni Jennie at kambal.

Tumingin ako sa kanila at tumawa ako bago sumulyap kay Headmistress at Miss. Amethyst na seryuso na ang mukha ngayon. Tumikhim silang dalawa at nagtinginan na parang nag-uusap sa pamamagitan ng mga tinginan.

"So Miss Sloane, when is the wedding?" Headmistress asked

"Right after we graduate in college" I said.

"Too young" sagot ni Miss Amethyst

"Wala na tayong paki-alam doon" Raive said habang seryuso na ang mukha.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now