Chapter 6: Scared

68 9 0
                                    

Sloane POV:

Isang linggo na ang dumaan matapos ang Archery lessons namin. Laging busy dahil sa pagiging officers at sa academics.

Minsan si Jennie sa dorm na natutulog at walang gabi na dumaan pag naroon siya na hindi nag-iingay at kumakanta ng kahit ano ano.

Lagi kaming late matulog dahil sa kanya. Hindi siya nauubosan ng kwento at chismis sa amin. Ang hindi nalalaman naming kwento sa loob ng campos nato ay alam niya. Nagrereklamo rin siya na wala siya boyfriend o kahit nagkakagusto lang naman sa kanya, wag na siya dapat magtaka dahil sobrang maldita niya.

Minsan iniinis niya parin ako pero hindi ko na pinapatulan. Hindi ko nga alam bakit natitiis kong makasama to sa ilang gabi na pangungulit at pag-iingay niya sa dorm namin.

Hindi na kami masyadong nagpapansin ni Raive simula ng mangyari yun kay Elissa. Alam ko masyado ako naging harsh sa kanila pero hindi ko masisisi ang sarili ko dahil sobrang nag-alala ako kay Elissa.

Nung weekend rin na yun ay lumabas kaming apat at pumunta sa bar, si Jennie at Blair ang nangyaya dahil daw hanggang ngayon 'searching babe' parin sila.

"Jennie!" Sigaw ko sa kanya  ng tumalon talon ito sa kama ko.

Dito daw sila matutulog ngayon sa kwarto ko, ang gulo na ng kwarto ko ngayon. May nakakalat na chichirya, bra, underwear at coke bottles.

"Bilis na kasi" pangungulit niya sa akin

Kanina pa nila ako tinatanong ko sino ang gusto ko dito sa loob ng Academy. Wala rin akong maisasagot sa kanila dahil wala naman akong ibang gusto.

"Siya parin ba?" Tanong ni Blair at tumango ako kaya tumili si Jennie.

"You're so martyer talaga" sabi niya habang tinatali ang buhok into two ears.

Tumawa lang ako dahil sa sinabi niya. Alam kong matagal na yun pero siya parin talaga.

Lumabas ako ng kwarto ko ng makatulog na ang dalawa. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig pero napatingin ako sa orasan at alas onse na pala ng gabi, pumasok ako sa kwarto ni Flair pero wala parin siya. Kanina nag paalam siya na aalis daw ito pero hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwe. Lights off na kanina pa.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Flair nang nakajacket. Nagulat pa siya ng makita ako kaya umiwas agad ito ng tingin.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Ahh wala. Tulog na ako"  tumalikod na siya at pumasok sa kwarto niya, sa dumaang linggo minsan ay umaalis ito sa dorm at may gabi rin na hindi siya umuuwe.

Pumasok ako sa kwarto ko at tumawa ng makita ko ang posisyon ni Jennie at Blair. Ang paa ni Jennie ay nasa sahig at si Blair naman ay nakayakap kay Jennie. Inayos ko ang pagkakahiga nila at kinumotan silang dalawa, tumabi ako at natulog narin.

"Bakit may sumisigaw sa dorm niyo kagabi Sloane?" Tanong ni Axelle sa akin. Nasa SSG office kami ngayon ay may ginagawang papeles na inutos ni Headmistress.

"Ahh si Jennie yun" at tumingin ako kay Jennie na tumatawa ngayon habang katabi si Blair.

"Paano ba naman kasi, sinabi niya samin kong sino ang gusto niya" then she giggled.

"Sino?" Sabay na tanong ni Raive, Blade at Sid.

Tumawa lang si Blair at Jennie at nagsenyasan pa silang dalawa na tahimik habang nilalagay ang gitnang daliri nila sa bibig nila.

"Ten minutes na pero wala parin si Flair, first time niyang malate ah. Siya naba ang papalapit sa pwesto mo Slo?" Tanong ni Sid at tumawa lang ako.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now