Chapter 37: Explosion

37 3 0
                                    

Sloane POV:

Nang nagising ako ay dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Nagbihis agad ako ng uniporme at isinuot ang white chunky sneakers ko. Naglagay din ako ng lotion,perfume  at nagsuklay. Isinukbit ko ang bag  sa balikat ko at lumabas ng dorm. Tinignan ko ang oras sa wrists watch ko at alas syete y media na ng umaga na.

Kahapon ng linggo ay nag-inoman kaming apat magkakaibigan sa dorm dahil matagal na daw kaming hindi nagbobonding apat. Napadami ang inom ko kaya tinanghali ako ngayon ng gising at late na ako.

Sobrang saya ng birthday party ko ng sabado kong wala lang sanang sumira,pero kahit ganoon ay masaya parin ako dahil buo ang mga kaibigan ko na pumunta roon. Kahapon rin ay binuksan namin ang mga regalo na ibinigay sa akin.

Binilisan ko pa ang lakad ako at pagpasok ko sa office ay nakita ko ang mga officers na nagliligpit na ng mga gamit nila para pumasok sa first subject nila ngayong araw. Tumingin silang lahat sa akin at napangisi.

"Tinanghali ako ng gising." I said at inilista ang pangalan ko sa log book.

"Oo, alangan naman maaga kang nagising eh mag-aalas otse na ng umaga." Sid said.

"Papansin." I murmured kaya inirapan niya ako.

Kinuha ko ang laptop ko na naiwan dito sa office nakaraan at inilagay iyon sa bag ko. Tumingin ako kay Raive ng tinawag niya ako pangalan ko.

"Bakit ka late?"

"Nag-inoman kami kahapon kaya ayon." I said.

"Bakit sila maaga nagising?" Turo niya sa tatlong kaibigan ko na tumatawa na ngayon.

"Malay ko." Then I shrugged

"Let's go dear." Flair said

"Una na kami." We said at tumango lang sila.

Lumabas kami ng office at pumasok sa unang klase namin. Sumunod ang dalawa pang subject namin for this morning kaya halos ang mga kaklase namin ay parang lantang gulay nasa pakikinig. Ipinasa namin ang thesis at assignment namin sa mga teacher na nagpagawa nun.

"That's all for today. You may take your lunch." Professor Kalil said at lumabas sa room kaya nagsipagtayoan kaming lahat at iniligpit ako mga gamit namin. Lumabas kami ng room at dumeritso sa cafeteria para doon kumain, trip daw nila na dito na kumain since malapit ng matapos ang school year at mamimiss nila ang cafeteria.

Umupo kami sa table at ang kambal na ang nagpresinta para pumili ng pag-kain namin. Kung dito ka kakain sa school cafeteria ay libre lang kaya less gastos,pero kong sosyal at maarte ka talaga mas pipiliin mo ang restaurant.

Bumalik ang kambal na may dala ng kanin, ulam, juice at dessert. Binigay nila sa amin ang aming pag-kain at nagsimula na kaming kumain para hindi kami malate sa susunod naming klase, masyadong busy at focus kami ngayon sa acads dahil medyo late kaming mga officers dahil hindi na minsan pumapasok sa klase dahil sa office na lang kami nananatili para gawin ang inuutos sa amin ni Headmistress. Malapit narin ang last grading kaya mas lalo pang naging mahirap para sa amin.

"This dessert is so masarap." Ani ni Jennie habang kumakain.

"Ngayon ka lang ba nakakain niyan?" Blair asked at tumango lang siya.

"Pinagbabawalan ako ni Mommy kumain ng mga matatamis na foods."

"Ano ang business ng dad at mom mo?" Flair asked

"We own a law firm and cosmetic products in america. Si dad attorney habang si mom naman ay dating model na ngayon ay dermatologist na." Aniya.

"Wow." Sabay na ani ng kambal.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now