Chapter 63: Vengeance 1.0

22 4 0
                                    

Sloane POV:


"Hinatid sayo ang breakfast mo. Pinabibigay iyan ng kaibigan ko." Saad ni Elissa at ibinigay kay Raive ang pag-kain.

Nakatago lang ako sa madilim ba parte ng dorm, napangisi naman ako ng si Elissa na mismo ang nagbigay sa kanya ng pag-kain, mukhang nagdadalawang isip pa siya. Nang makapasok na si Elissa sa elevator at isinira na ni Raive ang pinto ng dorm niya ay patalon akong lumabas sa bintana, alam kung mukhang unggoy na ako dito na panay  lambitin sa bintana, ilang araw ko na itong ginagawa. Sinisigurado ko minsan na ok lang ito o nakauwi naba ito, panay sermon sa akin ni Sopphora pero wala din naman itong magagawa.

"May kapalit to, bitch." Saad ni Elissa sa akin at ibinalik ang card ko.

Nakapasok ito sa third floor ng dorm building namin dahil pinahiram ko sa kanya ang i.d ko. Bakas ang pagtutol niya dahil baka mahuli ako pero kalaunan ay pumayag din ito. Muntikan niya pa akong awayin kanina dahil ginising ko ito mula sa pagkakatulog niya. Siya pa lang ang nakakaalam na nakabalik na ako nung una, si Jennie ay wala pa akong planong ipaalam sana sa kanya pero damn....

Ang mata ng babaeng iyon ay parang agila, nahuli niya ako! Si Kian ay ganon din. Siguro nga tama si Sopphora, hindi na ako nagiging maingat sa pinanggagawa ko.

Napatingin ako sa lalaking tumakbo pagkatapos niyang suntokin si Raive. I will chase you, magtago kana sa lungga mo dahil sinisigurado kong hindi kana masisikatan ng araw dahil sa ginawa mo.

Dinilaan lang ni Raive ang labi niyang dumudugo ngayon. How he can be so innocent? He can fight pero ayaw niya lang gumawa ng gulo. I know he's just protecting his position, and I'm so proud of him.

Alam kong gumagawa na ngayon ng paraan si Headmistress para mapaalis sa pwesto si Raive, she can't do what she wants dahil alam niyang makakalaban niya si Raive, ang SSG officers at ang lahat ng estudyante sa Academy na sumusuporta sa aming mga officers. Halos lahat ng estudyante ay gustong gusto si Raive sa posisyon President, and I don't know why, basta ang alam ko lang ay magaling siya.

Ganon na lang ang paglingon ko isang araw habang nag-uuspa kami ni Sopphora sa loob ng dark forest ng may marinig kaming putok ng baril. May nag-aaway na naman, pero hindi ko alam bakit sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

My friends.

Napatingin ako sa isang lalaki na pumasok sa dark forest, isa sa mga kasamahan namin na nagbibihis nang uniform ng academy nato. Bakas ang pagod sa mukha niya dahil hinahabol niya ang hininga niya mula sa pagtatakbo. Medyo malayo ang distansya ng dark forest sa mga building ng academy nato. Kaya dito ko nakaugaliang tumambay dati, sa garden, dahil sobrang payapa, tahimik at maganda ang simoy ng hangin.

Ganon na lang ulit ang gulat naming dalawa ni Sopphora ng may marinig kaming isa pang putok ng baril! Damn.

"Your friends are in danger, Miss Nakano Reo. Nagtatalo sila ngayon ni Headmistress at kasamahan nito." Saad ng lalaki.

"What?!" Pasigaw na tanong ko at tinanaw ang labas ng forest na medyo hindi na makita dahil nasa pinakaloob kami.

"Your friend Flair saw  a man, I think its one of our enemy, Miss. They want your friend para hindi ito makapagsalita o magsumbong, but its to late she said it infront of the officers, nagkakagulo sila."

"Send our men to help them." Saad ko at tinutolan naman kaagad ito ni Sopphora.

"No. I will not let you do that." Anito at sasagot na sana ulit ako ng magsalita ito. "Sino ang nagpaputok ng baril?"

"Miss Jennie Weiss, Miss Sopphora. Pilit niyang prinoprotektahan si Miss Flair. May tama po siya ng baril, pero sa balikat lang."

"Ano? I need to go." Saad ko.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now