Chapter 48: Program

31 3 1
                                    

A/N: Happy 1k reads treasures. Thank you so much who support/read my 'Open Skies Academy' story. Mwahhhh:*
09-05-20

●} Sloane POV:

Ilang araw na ang nakalipas simula ng hindi na kami nag-uusap ni Raive. Minsan na lang rin kami magkitang dalawa dahil sinasadya ko talaga magpalate at iwasan siya kong sakaling magkita rin kami. Pag nararamdaman kong gusto niya akong kausapin o lapitan ay umiiwas na kaagad ako at umaalis dahil hanggang ngayon ay hindi pa akong handa na harapin at kausapin siya. Sa dorm narin ako natutulog ng ilang araw dahil ayaw ng kambal at ni Jennie na umalis ako doon at kay Raive matulog, nakaraang araw pa ako gumaling kqya pumasok na ulit ako. Wala narin masyadong klase at hindi na kami pumapasok ng mga officers dahil sobrang busy na namin ngayon.

Ready na ang lahat para sa gaganaping activities at halos lahat ng estudyante na natanggap para sa concert ay nagsimula naring mag-insayo. Okay na ang lahat ng booths, stage at rides sa oval at field dahil iyon talaga ang tinutukan ng mga officers at kami ni Jennie naman ay kahapon lang natapos ang pagpprepare ng hall para sa prom.

Ngayong araw na nagsisimula ang program namin at hapon na ng sabado ngayon kaya mas lalo pang dumadami ang tao. Napatingalaako sa langit dahil medyo pagabi na dahil alas singko y media na ng hapon kaya medyo pagod at mahapdi narin ang balat ko dahil sa kakabilab sa araw kanina, good thing namula lang ito at hindi nangitim.

Napalingon ako ng magsalita si Aella sa microphone. Noroon siya ngayon sa oval at nakangiti habang nagsasalita ng kong ano-ano tungkol para sa program bukas.

"So bukas ng umaga ay may palaro tayo at pagkahapon naman ay may concert tayo and foam party!!!" Sigaw ni Aella at naghiyawan naman ang lahat ng tao.

"Gusto niyo ba ng isang kanta ngayon para sa officers?" Tanong ni Aella habang tumatawa

"Oo!" Sigaw ng mga tao na naroon.

"Okay, then. Wait for five minutes." Aniya at tumalikod na papunta sa backstage.

"What the hell are you talking about Aella? Wala sa plano natin to? Hindi tayo nakahanda." Tanong ni Blade na may halong iritasyon sa mukha.

"Isa lang naman eh."

"So sino ang tutugtog at kakanta?" Blair asked.

"Ako sa electric guitar." Blade said

"Ako sa keyboard." Jennie said

"Sa guitara ako." Sid said

"Sino ang vocalist natin?"

"Ako na lang at may extra pa namang electric guitar diyan diba?" Kind asked at tumango si Aella

"Sino sa drums?" Axelle said

"Ako na lang." Sagot ko na parang nabubuoryo at napatingin silang lahat sakin.

"Marunong ka?"

"Sanka natuto?"

"Wag na kayong madaming tanong uwing uwi na ako." I said

Tumango naman sila at lumabas na sa stage kaya napahiyaw na ang ibang estudyante ng makita sila. Ako ang huling lumabas at dumeretso na kaagad ako sa drums at umupo doon.

"Ano ang kakantahin natin?" Sid asked

"Nandito lang ako by shamrock." Sagot ni Kind. "Ikaw ang mauuna Sloane at susundan ni Blade ng electric guitar at lahat na kaagad tayo."

"Ready?" Kind asked at sabay sabay kaming tumango.

●}Raive POV:

"Ready?" Rinig kong tanong ni Kind at nagsipagtangoan naman silang lahat.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now