Chapter 13: Dance with me

60 8 0
                                    

Sloane POV:

Tulala lang ako ngayon habang umiinom ng kape. Narito ako ngayon sa tambayan ko minsan na parte ng Academy. Maganda dito dahil tahimik at maraming halaman,wala pa masyadong estudyante na pumupunta dito.

Apat na araw na simula ng mag-usap kami ni Blade. Wala kaming kiboan sa isat isa ng apat na araw, minsan na lang rin akong sumama sa tatlo dahil pumupunta ako dito palagi sa Grandidierite garden. Napangiti ako ng kuminang ang paligid ng garden, alagang aga ni Sid.

Tumayo na ako at umalis sa lugar na iyon para pumunta sa Music room, pangalawang paborito kong lugar sa Academy. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Lyric Fitz na naroon sa loob, siya ang namamahala sa room na ito dahil siya ang may hawak ng gem patungkol sa music o sound. Gwapo, matalino, mayaman, mabait at sobrang ganda ng boses niya.

"Hi Sloane" bati niya ng makapasok ako

"Hi Lyric. Pahiram ako ng violen uh" I said at tumango naman siya. Nagpaalam itong aalis dahil may pupuntahan pa siya.

Kinuha ko ang violen sa lalagyan nito and I put some rosin on the string.

I place the violen on my shoulder, I'm holding it with my chin and shoulder. I hold the bow and place my thumb on the fingerboard. I drag the bow across the strings to create a sound.

Napapikit ako dahil sa sobrang gandang ritmong ang lumalabas sa violen, nakakakalama at nakakangiti pakinggan ang ritmo. Ito ang alam kong tugtogin na instrumento dahil paborito ito ng Mommy ko, nagsikap ako dati na matutunan ang instrument nato kahit nahihirapan ako dahil sa ganoong paraan napapangiti ko si Mommy.

Sunod kong tinugtog ay ang paboritong kanta ni Mommy. Muling nanumbalik sa akin ang alaala niya sa akin.

I miss her so much.

Napakasarili ko noon dahil hiniling kong mawala na hindi man lang inaalala ang mararamdaman ni Mommy tapos siya pala ang kukunin sa akin. Alam kong masaya siya ngayon pero hindi ko mapagkakaila na  sana bigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makasama ang Mommy ko.

Totoo nga ang sinabi ng iba na hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay o ng tao kong hindi pa nawawala sayo ito.

Binaba ko ang violen at pinahiran ang luha na dumaloy sa pisnge ko. Nasasaktan parin ako hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nakalipas.

Napatingin ako sa pinto ng makita si Raive doon na nakatayo, puno ang mata niya ng awa habang nakatingin sa akin. Binalik ko ang violen sa lalagyan nito at lumapit sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Uhh narinig ko kasing may tumutugtog ng violen kaya pumunta ako rito at hinihintay ko si--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng lumabas si Elissa sa isang silid, pagkakaalam ko ay arts ang silid na iyon at magaling si Elissa pagdating sa painting.

"Lets go babe" aniya at tinaponan lang ako ng tingin.

"Una na kami" saad niya at tumalikod na silang dalawa.

Napahawak ako sa puso ko dahil may naramdaman akong kirot doon. Napahawak ako sa pinto ng maramdaman kong nanghihina ang tuhod ko. Tumulo agad ang luha ko, ewan ko bakit nasasaktan ako ng makita silang dalawang magkasama at umalis na inaakbayan siya ni Raive.

Sila na ba ulit?

Pumasok ako sa office at naroon ang mga kaibigan ko pati si Raive.

"Saan ka galing Sloane aber?" Tanong ni Jennie habang nakahawak ang kamay niya sa balakang niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ginagaya niya ang tanong king iyon tuwing lumalabas sila ng dorm at gabi ng umuuwi.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now