Chapter 25: Instagram

43 4 0
                                    

WARNING: R-18

Sloane POV:

Nagising ako ng wala na sa tabi ko ko si Raive at ng tawagan ko ito ay naghihintay na daw sila sa restaurant. Alas syete pa lang ng umaga pero ang aga nila magising, hindi lang naman ako ginising ng lalaking yun.

Naligo at nagbihis na agad ako ng tie shoulder one-piece swimsuit at short. Isinuot ko rin ang sunnies sunglasses ko at flappy sun hat wide bim.

Lumabas ako ng villa at isinuot ang flip flop sandals ko, dalawang minuto pa ang lalakarin ko bago makarating sa restaurant.

Nang pumasok ako ay nakita ko silang lahat na nagkakape at nakasuot na ng kanilang swimsuit. Tumingin ako kay Raive na nakangisi habang nakatingin sa akin, humanda ka siya sa akin akala niya papansinin ko siya.

"Akala ko kong sinong turista na napadpad dito." Biro ni Blair

"Tirurista kamo." Sabat ni Sid

"Late ka na naman" sermon ni Kind at umupo ako sa tabi nila Jennie.

"Typical Sloane" sabat ni Jennie

"Bakit dyan ka umupo?" Tanong ni Kind.

"Wala!" Bulyaw ko sa kanya.

"Oh my are you pregnant ba? Like mood swing?" Jennie asked kaya tumawa si Raive. "Oh my, you are pregnant?"

Hindi ko na siya sinagot at kumain na. Mga walang hiya, late na nga tapos tutuksoin pa nila ako. Ang isa patawa tawa lang kahit siya naman ang may kasalanan dahil hindi niya ako ginising.

Pagkatapos naming kumain ay nagsnorkeling agad kami, kasama ko si Jennie at ang kambal na magsnorkeling at ang mga boys ay may kanilang mundo din, magkasama sila dahil ayaw daw nila kaming kasama.

"I saw nemo" agad na pabida ni Jennie ng makaakyat na kaming lahat sa yate.

"Who's nemo?" Tanong ni Kind.

"You don't know him?" Tanong niya

"Uh one of your fling?"

"No! He's a clown fish and kasama niya ang daddy niya."

"What the heck" bulong ni Kind at tumalikod na dahil sa mga pinagsasabibi ng girlfriend niya.

Yeah, girlfriend niya. As far as I remember one week and two days na sila pero hindi parin masyadong nagkakasundo.

Umupo ako at uminom ng wine, pabalik na kami ngayon sa isla dahil halos ilang minuto rin kaming nagsnorkeling at my pinuntahan pa kami isang isla na malapit sa resort nila.

Sobrang hapdi na ngayon ng balat ko at namumula na ito dahil sa babad namin sa initan, kinuha ko ang short ko at isinuot iyon.

Nang makarating kami sa hotel ay naglakad na kami papuntang restaurant para kumain.

"I'm so nagutom talaga dahil sa ginawa natin." Jennie said while eating

"Isira mo nga yang bunganga mo. May laman pa na pag-kain pero nagsasalita kana." Saway sa kanya ni Kind.

Kumuha ako ng kanin at ulam para kumain narin. Totoo nagutom na kami dahil kaunting pag-kain lang rin ang baon namin at ilang oras kami doon.

Ala sais na ng gabi kaya na isip namin na kumain na lang dahil may plano silang mag  night swimming. Alas syete na ng gabi ng bumalik kami sa villa dahil naroon ang swimming pool. Gusto sana ng boys nasa dagat maligo pero medyo malakas ang alon at gabi na kaya delikado.

"Cheers!" Sabay naming sigaw at ininom ang wine na inorder ng kambal.

"I'm so happy talaga, ang saya ng vacation nato."  Jennie said.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now