Chapter 44: Hairen

30 4 0
                                    

}Sloane POV:

Tanghali na ng lunes at narito ako ngayon sa coffee shop para bumili ng kape dahil wala akong gana kumain ng kanin. Umupo ako sa upoan at hinihintay ang order ko.

Tumingin ako sa labas at madaming estudyante ngayon na tumatambay sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng aklat at kumakain.

Inikot-ikot ko ang singsing sa kamay ko dahil sa pagkaburyo. Naagaw ang atensyon ko ng gumalaw ang upoan na nasa harap ko. Tumingin ako doon at nakita si Kalix na nakangiti at umupo sa harap ko.

Dati ay umalis na ito sa Academy pero hindi ko inaakala na babalik siya. Hindi parin siya nadala sa nangyari sa kanya, gusto niya pa yatang maulit ulit ang nayari sa kanya bago siya mataohan na umalis na dito sa Academy at protektahan na lang ang parents niya.

"Heyyy dear." Bati niya sa akin habang nakangisi.

"Arabu ka?" Tanong ko na ikinatawa niya naman.

"Malapit na ang prom, may date kana ba?"

"Oo."

"Oh I see." Tango niya.

Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya dahil naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa naiisip ko.

Dati hindi naman kami ganito,kulang na nga lang amponin siya ni Mommy dahil halos maubos na ang oras namin kakalaro dati.

"Caramel frappuccino for Kalix." Rinig kong sigaw ng babae na nasa casher kaya napatingin ulit ako kay Kalix ng tumayo ito.

"Una na ako." Paalam niya at tumango lang ako bago siya umalis sa harap ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya ng cafè at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko maipaliwanig bakit ang awkward ng nararamdaman ko tuwing nandyaan siya.

Dahil siguro may iringan na nangyari sa amin nung nakaraan kaya nakakaramdam ako ng ganitong bagay. Tapos matagal pa kaming hindi nagkita dalawa. Nag-iiba talaga ang ugali mo pag nagdadalaga ka.

"Strawberry frappuccino for Sloane." Nang marinig ko ang pangalan ko ay tumayo na kaagad ako at pumunta sa casher at kinuha ang order ko bago binayarin ito.

Nang makalabas ako sa cafè ay dumeretso agad ako sa office. Pagkapasok ko ay nakita ko silang nagmamadaling tumayo na para bang aalis silang lahat sa office. Nakita ko ang isang estudyanteng babae na parang kinakabahan.

Lumapit ako sa kanya at bakas ang gulat sa mukha niya ng makita ako. Yumuko pa ito ng bahagya at inayos ang salamin na suot niya. Inilapag ko ang inomin ko at pinagkrus ang dalawang kamay habang seryusong tumingin sa kanya.

"Tell me. What happened?" I asked with a serious tone.

"Si Blair po Ms.Sloane sinugod ni Hairen sa cafeteria." Utal na sagot niya at naramdaman ko kaagad na kumunot ang noo ko.

Napatingin ako kay Sid na inaayos ang gamit niya at siya ang unang lumabas. Sumunod agad ako at huling lumabas ang iba pang officers.

Mas binilisan ko ang paglakad ko pero mas nauna parin si Sid. Ramdam ko ang galit niya ngayon dahil nakakuyom ang mga kamao at masama ang tingin sa niya sa nilalakaran namin.

Pagkapasok namin  ay sobrang kalat ng cafeteria dahil may may basag-basag na baso at plato sa sahig. Hindi narin maayos ang pagkakaarrange ng mga upoan at mesa.

Nakita ko si Hairen habang hawak-hawak si Blair sa leeg at patapon itong binato sa mesa kaya napasigaw si Blair sa sakit. Nang lalapitan niya sana ulit si Blair ay patakbong lumapit si Sid sa kanya at sinipa ito sa likod kaya natumba ito. Susuntokin siya sana ni Sid pero may lumapit na apat lalaki na kaibigan ni Hairen at hinawakan sa magkabilaang kamay si Sid at sinuntok ito.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now