Chapter 50: Prom 0.1

33 3 1
                                    

●} Sloane POV:

"Faster!" Sigaw ni Jennie ng  makapasok sila sa kwarto ko.

Pagkatapos naming mag-usap namin kanina ni Kuya ay siya ang pinauna kong umalis dahil mahirap na baka may makakita sa amin at mabisto pa kami.

Nang pauwi na ako ay nakita ko si Aiko at Jaed na magkausap sa ilalim ng puno at nang tignan ko si Aiko ay umiwas agad ito ng tingin na parang nahihiya sa akin. Hindi ko naman siya papakialaman eh basta wag mona maging sila.

Dumeretso agad ako nun sa grocery store para mamila ng pagkain, chichirya at drinks namin para sa slumber party na plinaplano ni Jennie at Blair ngayong gabi. Bumili rin ako ng cake at frappuccino sa isang cafe at ako lang lahat ang nagdala non kaya parang nangangalay pa ang braso ko ngayon.

Pagdating ko sa dorm ay naligo agad ako at nagbihis ng pantulog dahil alas sais na rin ng gabi. Paglabas ko ng kwarto ko ay nasa kusina silang lahat dahil at priniprepare ang mga pag-kain at nakabihis na rin sila ng pantulog. Kumuha agad ako ng isang frappuccino at ininum iyon.

"Bakit ba dito na naman tayo?" I asked

Nagulat ako ng pumasok silang lahat sa kwarto ko habang dala-dala ang mga pag-kain at inomin na pinamili ko. Ayaw kong nadudumihan ang kwarto ko at ayaw ko itobg makalat at amoy alak dahil naaasiwas ako.

Tumingin sila sa akin at inirapan lang ako bago tuloyan na sila nakapasok sa kwarto ko. Inilapag nila ang mga pag-kain at inomin sa sahig bago binuksan ang t.v ko at kinuha ang mic na naroon sa gilid.

Eh? Karaoke?

"Hey fans!" Sigaw agad ni Jennie ng makapili na ito ng kakantahin niya.

"Oh giliw ko miss na miss kitaaa!"  Sinabayan naman siya ng kambal.

Okay lang naman sakin na kumanta sila dahil magaganda naman ang boses nila pero hindi ko talaga maisip na mamaya malalasing na naman ang mga ito at tigok na naman ako dahil ako ang mag-aalaga sa kanila.

"Ayaw ko ng tumingin, ayaw ko ng manalamin. Nasasaktan ang damdamin, gulo ng buhay patuloy-tuloy sa pag-ikot."  Pagkanta ni Blair.

Kong si Blair naman ay sobrang taas ng boses pero magandang pakinggan kay Flair naman ay sakto lang at sobrang cute pakinggan ng boses niya.

Si Jennie naman ay medyo mataas rin ang boses pero buo ito na magandang pakinggan pag kumakanta man ito nang pangmataasan at pangbabaan na kanta.

Sabay-sabay kaming pumalakpak ng matapos kumanta si Blair dahil kuha niya talaga ang mataas na part ng kanta. Sana all.

"Hands up, baby, hands up. Gimme your heart, gimme, gimme your heart gimme. Gimme gimme." Kanta ulit ni Jennie.

Feel na feel niya talaga ang pagkanta habang sumasayaw pa ito habang sinasabayan namin. Napatawa kami ng mag chicken dance ito habang nakapikit ang mata.

Nagkatinginan kaming lahat ng may narinig kaming kumakatok. Ako na ang tumayo at inayos ko mona ang suot kong damit.

"Ako na." I said habang dala-dala ang beer in can na iniinom ko.

Pang dalawang beer ko pa lang 'to pero silang tatlo naka-anim na at ang sobrang bilis nilang uminom. Hindi na ako masyadong umiinom ngayon dahil pinagalitan ako ni Kuya nakaraan nang malaman niya. Naisip ko rin na mas malakas pa pala akong uminom kesa sa boyfriend ko, eh ang isang yon halos masunog na ang pwet non kakaupo sa bar. Ginagawa lang non palagi nagmamasid at tahimik na naglalaro ng games sa phone niya.

Nang buksan ko ang pintoan ay tumambad sa akin ang seryusong mukha ni Raive at ng mga kaibigan niya, halatang kakagising lang nito dahil gulo-gulo ang buhok at mapupungay ang kanilang mga mata.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now