Chapter 28: Basic

32 4 0
                                    

Sloane POV:

"Let's go honey" yaya ni Raive sa akin na sumakay na sa loob ng limousine na sumundo sa amin sa airport.

Parang ayaw kong pumasok sa loob dahil balik na naman kami sa dati at babalik na naman kami sa eskwelahan, sa impyernong paaralan at sa mga demonyong tao.

Gusto kong umuwi sa Japan o bumalik sa isla nila Blair at Flair dahil kulang sa akin ang bakasyon namin pero alam kong hahanapin ako ng rango at paparusahan dahil sa gagawin ko.

Tumingin ako ngayon sa mga kaibigan namin na papasok na sa loob ng sasakyan habang nakasimangot, alam kong ayaw parin nilang bumalik dahil masyado nag-enjoy kaming lahat. Alas kwatro na ng hapon ng makarating kami rito sa airport ng manila, at halos lahat kami ay pagod pa galing sa biyahe tapos bibiyahe na naman ulit kami ng tatlong oras papuntang Academy.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob at sumunod si Raive habang nakatingin sa akin na, alam niya rin na ayaw ko pang umuwi pero dahil mas mataas siya na rango sa amin at isang command niya lang ay dapat sumunod kami. Hinawakan niya ang kamay ko kung saan niya isinuot ang singsing na ibinigay niya kanina sa akin ng nagbagong taon.

"Are you both engaged now?" Tanong ni Jennie.

"Yes" sagot namin dalawa at nagkatinginan sabay ngisi.

"So kilan ang wedding?" The twins asked.

"After five years" sagot ni Raive.

Napatingin ulit ako sa kanya ng pisilin niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin at ganoon rin ako. Tinignan ko ang singsing sa kamay ko at kuminang ang maliit na diamond sa gitna. Hindi kona hinuhubad ang singsing simula pa kanina dahil ang gandang titiganan nito.

Inakbayan ako ni Raive kaya napasandal ako sa nalikat niya at pumikit. Parang ngayon lang yata ako napagod ng ganito dahil sa biyahe.

"What is your plan after college graduation?" Rinig kong tanong ni Kind habang nakapikit ako kaya hindi ko alam kong sino ang tinatanong niya.

"Marrying her" sagot ni Raive at hinalikan ang ulo ko.

"Anong course ulit ang kukunin mo?" Tanong ni Sid.

"Medicine. Since tungkol naman doon ang ipinamana sa akin na business ni Mom." Raive said.

"Ano ba ang business mo?" Sid asked. Matagal na silang magkaibigan pero hindi pa pala alam kung ano ang mga business ng kaibigan nila at ano ang plano sa future. Siguro nga mailap at tahimik si Raive pag dating sa kanila, ganoon rin siya minsan sa akin. Minsan nga naiiisip kong galit ito sa akin dahil walang kibo minsan.

"Hospitals, pharmacy and other stuff." Aniya na parang tamad magsalita.

Wala na ulit akong narinig na nagsalita dahil dahan dahan na akong nilamon ng antok at nakatulog sa balikat ni Raive.

"Baby" mapamulat ako ng may maramdaman akong may yumuyugyog sa balikat ko. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nakitang nakadating na kami sa Academy.

Bumaba kami sa sasakyan at kinuha ang mga maleta namin sa likod at bumuntong hininga ako bago sinulyapan ulit ang dorm building namin, tumingin ako sa paligid at kaunting estudyante pa lang ang nakikita ko. Siguro bukas pa ng umaga o gabi ang balik ng iba.

Hinatak ko ang maleta  papasok ng building at sumakay kami sa elevator.  Lumabas agad kami at naglakad papunta sa kanya kanyang dorm.

"Sleep well. I'll see you tomorrow." Saad ni Raive sa akin.

"You too" I said at humikab.

"I love you." Aniya at tumango ako bago pumasok sa dorm namin at dumeretso sa kwarto ko.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now