Chapter 27: New Year

45 4 1
                                    

Sloane POV:

Alas diyes na nang gabi ng maka-uwe kami dahil nagpa-order pa sila ulit ng inomin, naiisip ko pa lang na baka pagtanda ko ay sira na ang atay ko o hindi kaya maapektohan ang magiging anak ko. Tanong sino ang tatay?

Lumabas si Raive sa banyo at ako agad ang sunod na pumasok, nagbihis ako ng pangtulog ko at nadatnan ko si Raive na nakahiga na sa kama habang nakadapa, sobrang dami niya niyang na inom kanina at kaming babae na lang ang umalalay sa kanila pauwi dahil lasing lahat ng kasamahan naming lalaki. Ngayon lang uminom ng ganitong karami si Raive dahil sa pamimilit ni Sid at Blade.

Humiga ako sa tabi niya at binuksan ang cellphone ko at nakita kong pinost niya na nanaman ang picture namin sa villa ng kambal kanina. I love that villa, sobrang peaceful at sobrang ganda. Bibilhin kona sana iyon kaso naunahan ako ni Raive, bit gladly bibilhin niya iyon para sa amin dalawa.

Napatingin ako sa kanya na wala ng malay ngayon at sobrang pula ng mukha at balat niya dahil sa init at nainom niya. Inayos ko ang kumot niya at humiga na rin para matulog, ang plano nila bukas ay mag s-stay lang daw kami dito bukas.

"Good morning" nagising ako ng may humalik sa pisngi ko at pagmulat ng mata ko ay nakita ko kaagad si Raive na nakangiti habang kakatapos lang maligo dahil basa ang buhok niya at nakabihis na siya.

Bumangon agad ako para maghilamos at mag mumog at lumabas ulit ako. Nakita ko siya na masama ang tingin sa akin.

"Morning" bati ko sa kanya pero nakatingin parin ito sa akin ng masama. "Wag mo nga ako titigan ng masama kong ayaw mong lumayas dito!"

"Tsss"

"Ano?!" Bulyaw ko.

"Ganda mo!" Sigaw niya at lumabas na ng villa.

Pumasok ako sa banyo para maligo na rin. I'm wearing floral cami pleated maxi dress, sunnies, flappy sun hat and summer strappy flat sandals. Lumabas agad ako ng kwarto namin at dumeritso na sa restaurant para kumain ng umagahan. Nakita ko silang na naka-upo sa mahabang mesa pero wala pa rin si Jennie at Kind.

"Himala hindi ako ang nalate" parinig ko kay Sid dahil alam kong magsasalita na naman ito.

"Buti nga" aniya at uminom ng kape.

Umupo ako sa tabi ni Raive na kumakain ngayon at hindi lang naman ako sinulyapan. Siya pa ang may ganang magalit ngayon eh parang timang nga siya kagabi, pabigat pa ng pauwi kami dahil ayaw talaga magpatulong sa iba kundi sa akin lang siya magpapabuhat.

"So kakainis talaga. You're so papansin!" Napatingin kami sa dalawang magkasintahan na kadadating lang. Si Kind ay nakasunod kay Jennie habang nakasimangot.

"So papansin talaga." Panggagaya niya.

"I hate you" kalma na salita ni Jennie. "Bahala ka sa buhay mo!"

"Huy anong bahala ako sa buhay ko?!"

"Wala!"

Umupo si Jennie sa tabi ko at uminom ng kape, napatingin ako sa kanya at nakita kong nakasimangot ito.

"I hate him, imagine may nagtanong lang sa akin na foreigner tapos aawayin niya." Bulong niya sa akin.

"So possessive" bulong ko sa kanya at tumawa kaming dalawa.

"Anong chismis yan?" Tanong na pabulong ni Sid.

"Chismoso!" Sigaw namin ni Jennie

"Kind at Raive rinig ko ang usapan ng mga girlfriend niyo!" Sigaw niya kaya humarap ang dalawa, tumayo kami ni Jennie at tinakpan ang bibig niya. Pumalag ito kaya nabitawan siya namin. "Sabi nila maghahanap daw sila ng gwapong foreigner!" Aniya kaya tumingin sa amin ang dalawa habang nakakunot ang noo.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now