Chapter 24: Don't do that

49 4 0
                                    

Sloane POV:

Tinabi ko ang maleta ko ng matapos kong isira ang zipper. Kakatapos ko lang ilagay ang ibang damit ko, kaunting damit lang ang dinala ko dahil sa Japan at Korea na ako bibili ng mga damit na kakailangin ko para sa pagpunta namin sa Palawan.

Hinihintay namin ngayon ang susundo sa aming sasakyan para ihatid kami sa airport. Naligo at nagbihis agad ako.

I'm wearing navy blue midi-lenght turtleneck dress with sleeves, black heeled boots, silver hoops and shoulder bag with chain strap at tinali ko rin ang buhok ko at binitbit ko ang trench coat ko dahil winter ngayon sa Korea, I put some light make-up. Hinatak ko na palabas ang maliit na maleta ko palabas ng dorm at sumakay sa elevator , nakita ko silang naghihintay lahat sa labas ng building ng dorm namin.

"Ai wow, malamig ba ngayon?" Tanong ni Sid ng makita ako kaya napatingin lahat sila sa gawi ko.

"Hindi. Pero winter ngayon sa Korea kaya ito na isinuot ko." I said

Tumingin ako kay Raive na nakatingin sa akin ngayon, ilang araw na kaming hindi nag-uusap dahil sa nangyari na sagotan namin.

Hindi kami magkikita ng isang linggo pero nag-away pa kami. Dumating ang limousine na sasakyan naming magkakaibigan, halos maglilimang oras rin ang biniyahe namin papuntang airport.

Bumili na kami ng kanya kanyang ticket nang makarating kami sa airport at nagkita ulit kami sa entrance. Nagcheck-in kaming lahat ng makapasok kami sa loob. Si Sid ay hindi namin nakasama dahil dito siya magpapasko sa Pilipinas.

Nang umupo kami ay nagkwentohan pa kami dahil isang oras pa ang hihintayin namin bago dumating ang eroplano.

"I'm gonna miss you guys kahit one week lang tayo hindi magkikita" nakangusong saad ni Jennie.

"Ano ka ba mabilis lang yan" Flair said and hugged her.

"Hi Raive" napaangat kami lahat ng tingin ng magsalita ang pamilyar na boses. Napataas ang kilay ko ng makita si Elissa. "Wow magkakasama kayong lahat this vacation?"

"No" Raive said.

"Saan ka magbabakasyon?" Tanong ulit niya

"England." sagot ulit ni Raive habang naglalaro sa cellphone niya.

"Sayang naman. America kasi ako ngayon eh."

"Walang nagtanong" sabi ni Kind.

Tumingin ako kay Raive na ngayon nakatingin na sa akin, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at humarap sa mga kaibigan ko na nag-uusap ulit. Umalis na si Elissa ng sinaway siya ni Kind.

I'm going to miss him.

"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcements for flight 8702 to Korea. Please have your boarding past and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes." Rinig kong announcement.

Tumayo agad ako at niyakap ang tatlong babae. Umiyak pa sila dahil daw mamimiss nila ako. Lumapit ako kay Kind at Blade at niyakap rin sila ng mahigpit.

"Take care" bulong nilang dalawa at tumango ako. Kinuha ko ang trench coat ko na nakapatong sa upoan at hinatak na ang maleta ko.

Tumingin ako kay Raive na nakatayo narin ngayon habang nakatingin sa akin, lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako at ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

"I'm going to miss you hon." Bulong niya at sekretong hinalikan ako sa pisngi at leeg ko.

"Me too. Take care"

"I love you. See you after one week" bulong niya at hinalikan ulit ang pisngi ko

"See you." sagot ko at bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now