Chapter 8: Good Bye

70 10 1
                                    

Sloane POV:

"Ikaw lang ang nagluto ng lahat ng to?" Turo niya sa pag-kain na nasa lamesa

"Mukha bang may kasama pa akong iba?" Tanong ko sa kanya at umismid naman siya.

Sumunod narin ang iba pagkatapos nang ilang minuto na lumabas si Raive, umupo kami sa mesa at kumain na. Gusto ko ng maligo dahil amoy alak na ako.

"Did I do or said something wrong ba kagabi?" Tanong ni Jennie habang kumakain kami.

Nagtinginan lang kaming lahat at pinipigilan ang tawa.

"Oo"

"Omg,what?!" Agad na tanong niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko na iniingatan niya ang image niya na wag masira.

"Where is your phone?"tanong ko.

"H-ha? I can't remember where  I put it eh" aniya.

"Malamang hindi mo talaga maaalala. Dahil binato mo yun sa bintana"

"What?" Gulat na tanong niya.

Tatlong palapag ito ang building namin at sa third floor kaming mga officers.

"Oo. You turned on the  Airplane mode and you threw it to the window, sabi mo lilipad iyon pero limang minuto na wala kaming nakitang cellphone na lumilipad" saad ko at nagtawanan kaming lahat, namula siya dahil sa sinabi ko alam kong sobrang hiya na ang nararamdaman niya.

Nilabas ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya.

"See this?" Turo ko sa phone ko na may gasgas. Tumango naman ang loko.

"You put my phone on the blender,for god sake!" Bulyaw ko " Sabi mo ng makita mo ang phone ko gagawin mong shake dahil apple ito!"

"Omg, ginawa ko yun?" Tanong niya at sinapo ang noo.

"Umiyak kapa dahil gusto mong maka-usap ang Director ng movie na pinanood natin" reklamo ni Kind.

Tumawa kaming lahat nang makita ang mukha niya na parang namomroblema sa ginawa ni Jennie.

Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko ang plato namin. Umuwe agad kami para magpahinga dahil may pasok pa kami bukas.

"I can't still believe it na ginawa ko iyon. Oh my, if mommy knew about this I'm so lagot talaga to the max" padabog na sabi ni Jennie habang kumakain ng chichirya.

Ala una nang hapon at heto kami nanonood lang ng movie sa dorm. Limang  oras na simula ng maka-umuwe kami sa dorm namin galing sa party ni Kind. Si Jennie panay dabog at iyak dahil hindi daw siya makapaniwala na nagawa niya iyon.

Alas onse na ng matulog kami dahil may pasok pa kami bukas. Nauna akong pumasok sa kanila dahil may gagawin pa akong assignment.

Nagising ako ala syete ng umaga. Naligo at nagbihis agad ako dahil baka malate na naman ako mamaya. Ang tatlo ay kakaalis lang dorm dahil daw sobrang tagal kong kumilos.

Pumasok ako sa office para makalog-in at dumeritso na agad sa klase ko. Katabi ko silang tatlo ngayon at panay ang kwentohan nila,ito na nga ba ang sinasabi kong hindi maganda makasama mo ang mga kaibigan mo sa loob ng klase.

"Electronic Wave have different wavelength and frequency longer the wavelength, the frequency is leser." Saad ni Miss Fox.

"What is the meaning of AM and FM, Sloane?" Tanong ni Miss Fox

"AM stands for Amplitude Modulation and FM is Frequency Modulation" sagot ko

"Good" sagot niya at nagturo na ulit.

Open Skies Academy (Done✅)Where stories live. Discover now