Simula

16.2K 305 9
                                    


Naalimpungatan ako sa sinag ng araw sakto namang tumunog ang aking alarm, araw ng lunes ngayon at ngayon din ang araw ng interview ko bilang aplikante ng sekretarya

Bumangon na ako at ginawa ang aking ritwal sa umaga, pagkatapos nagbihis na ako ng fitted black dress, coat at black stilletos hinanda ko na din ang aking mga kakailanganing papeles para mamaya

Pagkababa ko palang amoy na amoy ko na agad ang sinangag na niluluto ni mama, nasa hapag na din si papa at si tita naman ang naghahain ng pagkakainan

"Good morning po sa inyo mama papa at tita" nakangiting bati ko sa kanila at isa isa silang hinalikan sa pisngi, 6:30 palang ng umaga kaya naman mahaba haba pa ang oras bago ang interview

"Ready na ready ka na anak ha, galingan mo tiwala lang anak makakapasok ka agad ikaw pa ba" saad ni mama habang nilalapag ang mga niluto niya, egg, cornbeef at sinangag, nagdasal na muna kami saka sinimulan ng kumain nagitla naman kami ng biglang may dumating na bisita

"Good morning family pwede po makikain tita?" saad ni Tob kila mama agad din naman tumango si mama kasi nakaupo na agad siya sa tapat ko, inirapan ko nalang siya at kumain na muli

"Aga aga mataray ka nanaman ready ka na ba sa interview mabait naman yun wag ka mag alala" saad niya habang lamon ng lamon ng pagkain namin natawa nalang sila mama at bumalik na ulit sa pagkain

Pagkatapos nagpaalam na kami para pumanhik na sabi kasi ni Tob traffic na daw kahit maaga pa, napatingin din naman ako sa aking relos at 7:05 na pala

"Ingatan mo yang anak namin nako Tobias Casteriel Miller kundi uubusin namin lahi niyo" panakot sa kanya ni Papa kaya naman napakamot nalang siya ng ulo at inalalayan na ako sa kanyang sasakyan

Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan papunta sa company na tinutukoy niya, sa kanya din ako madalas humingi ng tulong kapag di ko na talaga alam ang gagawin

Doble doble na ang tahip ng dibdib ko dahil sa halo halong emosyon na pilit kong pinapahupa kanina pa, prinaktis ko na din kagabi ang mga posibleng mga katanungan ng magiging bago kong boss pero di ko pa din maiwasang kabahan dahil di ko alam kung nagsasabi ba ng totoo tong si Tob.

"Wag ka kabahan Reese di ka naman kakainin nun tsaka pasensya ka na kung di na kita masasamahan sa loob kasi biglang pinatawag ako nila dad" ngumiti naman ako sa kanya at sinabing ayos lang sa akin at magtatanong nalang ako sa lobby

Makalipas ang ilang minuto huminto na din ang sasakyan niya sa tapat ng napakataas ng building na may nakalagay

Montereal corps.

Teka bakit di sinabi sakin ng mokong na toh na kompanya toh ni K-aish madami naman ganon ang apelyido baka di naman siya may ari nito

Pumunta na ako sa lobby para magtanong ng mapansin ko ang asawa ng may ari ng company

Ang ganda niya pala sa personal kasi sa pic ko palang siya nakikita eh kaya siya lang yung nakilala ko di naman pinakita saken ni Tob yung asawa niya na mag iinterview sa akin mamaya

"Good day po ma'am nabasa ko po ikaw ang asawa ng ceo ng company niyo ako po yung aplikanteng secretary" saad ko sabay bow pero agad din naman niya pina angat ang aking tingin

"Don't bow at me it's quite uncomfortable tara hatid na kita sa office niya" natatawang saad niya.

Sumama naman agad ako, sumakay na kami ng elevator at pinindot niya ang 40th floor, napansin niya na nanginginig ako kaya naman tinanong niya ako

"Okay ka lang ba?" hinawakan naman niya ang kamay ko para kumalma

"Medyo po ma'am kasi baka suplado asawa niyo nakakatakot" saad ko at sakto naman bumukas na ang pinto ng elevator naramdaman niya nanaman ang nginig ng kamay ko kaya naman lalo niyang hinigpitan ang hawak dito at dinala sa mismong pinto ng opisina ng asawa niya

"Wag ka mag alala di siya ganon be yourself lang" ngumiti at tumango naman ako at nag sign ng fighting!

Pero pagkabukas ko palang ng pinto parang gusto ko na ulit bumalik at magquit dahil sa nakita ko

Makalipas ang ilang taon na di namin pagkikita nandito nanaman akong muli sa harapan niya tulala at gulo gulo ang isipan, makalipas ang ilang taon nandito nanaman muli kaming dalawa sa isang sitwasyon na parang eto palang ang una naming pagkikita

Di manlang siya nagbago ganon pa din ang kanyang mala anghel na mukha perpektong katawan, mapupungay na mata at higit sa lahat ang kanyang mga mapupulang labi na minsan na din nagbigay tamis at pait sa aking nakaraan

Si Killian...

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now