K-25

4.4K 103 0
                                        

Napabangon naman ako sa lakas ng alarm clock ko kaya agad na ako nagkusot ng mata at nagtungo na ng banyo.

Makalipas ang ilang minuto bumaba na din ako para sa almusal, as usual nandun ang magkasintahan dahil wala daw silang ibang kasalo sa mansion.

"Good morning anak almusal ka na, anong oras ka na din natapos sa trabaho kailangan mo ng lakas".

"Good morning din po salamat mama" humalik naman ako sa pisngi niya at kumain na din.

Nag usap naman sila Tob tungkol sa negosyo niya.

Nabalitaan ko kasing bumagsak ang sales nila dahil sa isang company na kalaban daw nila.

Makalipas ang ilang minuto pumara naman na ako ng taxi papuntang trabaho, nahihiya na kasi ako lagi nalang nakikisabay kila Tob.

"Ma'am nandito na po tayo" nagitla naman ako at nagpaumanhin kay manong.

Agad na akong bumaba at naglakad na parang lutang.

Di ko napansin napatulala na pala sa lalim ng aking iniisip.

Di ko na din nabati ang mga katrabaho ko pero agad ako nabalik sa ulirat ko ng bigla akong tilian ni Mary.

"Late ka na, hinahanap ka na ni Sir!" saad niya kaya natauhan ako.

Agad na akong umakyat dahil maaga nga pala ang unang meeting niya.

Pagkadating ko ay saktong papalabas na siya sa opisina niya kaya naman agad na akong pumasok para kumuha ng kakailanganin ko.

"You're late" nanghingi naman ako ng paumanhin at tinanong kung magaling na ba siya.

"I'm fine now thanks to your help Babe" I got stiffed for a while when he said that.

Lutang lang ako buong meeting dahil sa sinabi niyang iyon tuwing magtatama ang mga mata namin lagi ko siyang iniirapan na ikinatutuwa niya naman.

Makalipas ang ilang oras natapos na din ang meeting gusto ko na sana magpahinga pero
naalala ko sabay nga pala kami ni ma'am aakyat kaya naman agad ko na siyang kinontact at sakto nagdidrive na daw siya ilang minuto nalang din at magsisimula na.

Nagprisinta naman si Mary na siya na daw bahala basta akin si Ma'am.
Kabado na din ako dahil bigatin daw ang huling bisita at balak makipag partner sa amin baka madisappoint kapag late si ma'am.

Nasa isang meeting pa kasi si Killian at private daw iyon kaya naman nakababa na ako dito para masundo si ma'am

"Late na ba tayo tara na" hingal na saad ni ma'am at tumakbo na papuntang elevator kaya naman sumunod na ako sa kanya at tumakbo na din.

"Sorry I'm late" saad niya sabay upo sa tabi ni Killian.

Nakatayo naman ako sa gilid at nakinig nalang.

Makalipas ang dalawang minuto biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang gwapong lalaki na matagal ko ng hinahangaan dahil sa galing nito sa negosyo.

Si Sir Ashton Ruiz ang isa sa pinaka kilalang business man sa generation namin ngayon.

Namangha naman ako sa kagisigan at autoridad ng awra niya. Nagitla naman ako sa pagtitig kay Sir ng biglang umubo si Killian at masama akong tiningnan.

Mas namangha naman ako ng bigla siyang nagsalita at naupo na din.

Tumabi naman ang secretary niya sakin na sa tingin ko ay may asawa na. Matapos ang meeting nag usap naman sila kaya naman kinalabit ko si ate na secretary niya para magtanong.

"Ate pwede po magtanong" lumingon naman siya sakin at ngumiti.

"Ano yun?" nagpakilala din siya kaya ganon din ang ginawa ko.

"May asawa na po ba si Ashton?" natawa naman siya ng tipid at pinalapit pa ako ng unti.

"Wala, matagal nang single si Sir tsaka nasa paligid mo lang ang ex-wife niya" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya pero kinalma ko ang sarili ko.

"Ibig sabihin nagtratrabaho siya dito?" tumango naman siya kaya lalo akong kinabahan.

"Ano po bang tipo ni Ashton baka qualified po ako" natawa naman siya ulit at nag isip.

"Mab-" naputol naman ang sasabihin niya ng tawagin ako ni Killian ng may masamang tingin sa akin.

Napabusangot naman ako at sinabing mamaya nalang kami magkwentuhan tumango naman si ate at tinulungan na din si Ashton.

"Hey, are you listening to me?" napabalik naman ako sa ulirat at nginitian si Killian.

Mas lalo naman sumama ang tingin niya at hinilot ang kanyang sentido.
Makalipas ang ilang minuto natapos na din ang meeting kaya naman naglabasan na din ang mga nakimeeting.

Todo ngiti naman ako at pasalamat, kinakabahan naman ako dahil malapit ng dumaan si Ashton, inayos ko muna ang takas na buhok ko saka humarap na muli.
Pagkatapos ni Killian sabihin na ieescort ko na si Ashton agad naman ako kumilos pero di nakatakas sa akin ang masama niyang tingin.

Babalik din mamaya si Ashton at ako daw muli ang maghahatid sa kanya kaya naman di na ako makapag antay

Makalipas ang pananghalian agad na akong nag-ayos para mahatid si Sir sa office nila ma'am. Kinilig naman ako ng magpasalamat siya pagtapos ko siyang ihatid.

Nag-antay naman ako sa labas at kung ano ano na ang pinag iisip.

Nagitla naman ako ng lumabas si Killian sa office at may kausap sa telepono, nagkunwari naman akong nagcecellphone para di niya ako kausapin.

"Let's talk" saad niya sabay hila sa akin sa isang kwarto.....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now