K-11

3.8K 112 5
                                    

"Nandito na pala sila Reese, Pancio pinapakilala ko sayo ang future daughter in law ko si Reese at eto ang family niya" naglahad naman ako ng kamay at agad naman itong tinanggap nung Pancio

"Hi I also like you to meet my daughter Cassy" nakita ko naman ang pekeng ngiti ni Cassy kaya naman ginaya ko nalang siya at di na nakisali sa kanila

Nilapitan naman ako ni Killian na kanina nakatabi kay tita at umaakap sa akin nakita ko naman ang munting pag irap ni Cassy at nakisali nalang kila tita

"Kailan daw ako pwede makabalik sa trabaho?" tanong ni tita kaya naman napatahimik ang lahat saglit

"Wag mo na muna alalahanin ang kompanya Anastasia ang mahalaga iyang kalusugan mo, naasikaso ko na ang gusot na nangyari kaya ipahinga mo nalang muna iyang sarili mo" sambit ni sir Pancio na sinang ayunan naman nila Killian

"Kaya mommy please makinig ka samin nag insist naman si tito na siya muna bahala sa company, wag mo na pilitin ang gusto mo mommy" napabuntong hininga nalang si tita at sa huli sumang ayon nalang

"Gusto nga sanang tumulong ng anak mo kaso bata pa siya para dito kailangan niya pa pag aralan ang lahat" seryoso namang nakikinig si tita kay sir Pancio

"Kaya naisipan ni daddy tita na turuan na si Killian ng basic things about sa company para habang bata pa siya alam na niya mag manage" sabat naman ni Cassy saka tumingin sakin at ngumisi

Napaisip naman si tita at tumingin kay Killian

"Gusto mo ba anak? Di ba maaapektuhan pag aaral niya?" nagkatinginan naman kami ni killian at parang nakikiusap gamit ang mga mata

"Try ko po mommy, gusto ko din po na makapahinga na muna kayo baka mas lalong sumama ang kalagayan niyo kapag nagtrabaho na kayo agad" napangiti naman si Sir Pancio at Cassy sa sinabi ni Killian, nakita ko naman ang pag aalala ni tita pero sa huli ay sumang ayon na lamang siya

"So bukas start na tayo Killian sakto bakasyon pa naman kaya mas madali kang matututo"

"Salamat po tito pero di po ba kami makakaabala ni mommy sa inyo?"

"Nako ayos lang sakin iyon tsaka okay lang naman yung company namin kaya madami akong oras para turuan ka" ngumiti naman si Killian at lumapit kay sir Pancio, agad naman nagitla si sir ng yakapin niya ito pero sa huli ay yumakap na din ito

"Are you sure iho diba may balak kayo na magbakasyon ni Reese paano na iyon?" napangiti naman ako kay tita at lumapit dito

"Ayos lang yun tita ang mahalaga ang kalusugan at kalagayan ng company niyo madami pa naman po kami panahon ni Killian para dun" di naman satisfied si tita kaya naman ngumiti nalang ako dito

"Pag uusapan nalang po namin ni reese yun mommy maiintindihan naman po niya eh tsaka mahalaga din po kayo kay Reese kaya hayaan niyo nalang po muna kami unahin niyo nalang po kalagayan niyo" wala ng nagawa si tita kaya naman nahiga nalang muli siya at kinausap sila mama

Nasa may sofa naman si Killian pati si tito Pancio niya kaya naman tumabi ako dito agad din naman niya akong inakbayan

Nakita ko naman ang munting pag irap ni Cassy at nagbukas nalang ng kanyang cellphone

"Bukas iho magsisimula na tayo sa basic na ginagawa ng isang ceo" tango lang ng tango si Killian hanggang sa natapos na sila sa pag uusap, dumating naman si Doc at sinabing pwede na i-discharge si tita

Laking tuwa naman naming lahat at ihinanda na si tita

Todo din ang ngiti ni tita dahil sa wakas daw makakabalik na siya sa bahay nila

Nag paalam na din sila cassy na mauuna dahil may urgent daw na meeting na pupuntahan si sir Pancio

Agad na naming isinakay si tita sa van at pumanhik na sa bahay nila, kwentuhan lang sila ng kwentuhan ni mama samantalang kami naman ni Killian ay nag uusap tungkol sa gagawin niya bukas

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now