"Killian ikaw yung asawa ni Ma'am? Akala ko ba si Cassy ang asawa mo" I said in a casual tone.
"No hindi ko asawa si Trinity just listen first wala na yung tungkol sam-"
Ngumiti naman ako at pinutol siya.
"Wag ka na magpaliwanag masaya naman ako dahil masaya ka na tsaka trabaho din ang pinunta ko dito saka na natin pag usapan yung nak-".
"No makinig ka muna okay i will ex-".
Pero di ko na siya pinapatapos at pinilit na tapusin ang usapan namin.
"Please Killian tapos na yun, ano ba? trabaho nga ang pinunta ko dito ayoko na makinig muna sa tungkol satin pl-" napatigil ako ng bigla niya akong icorner sa table at tinitigan ng matiim.
Pero huli na ang lahat para magdasal dahil nakapasok na si Ma'am.
"Ma'am di po ak-" agad ko naitulak si Killian at tumayo ng maayos.
Naweirduhan naman ako sa kanya dahil ngumiti siya.
"Reese makinig ka sa sasabihin ko hindi ko asawa si Killian pinsan ko siya palabas lang lahat ng ito kaya wag ka mag-alala and sana magka-ayos na kayo ni Killian" gulat na gulat ako at palipat-lipat ang tingin sa kanilang magpinsan.
"Pero Ma'am ano po nangyari" takang tanong ako at pilit na pinagtatagpi tagpi ang mga sinabi niya.
Naiwan naman kami ni Killian kaya agad na ako umayos at napaisip pa din ng malalim.
"Kaya please Reese bigyan mo ako ng chance para makapagpaliwanag sayo at maibalik ang dati n-" hinarap ko naman siya at umiling.
"Killian siguro wag muna ngayon madami pa akong problema at mga dapat gawin sa ngayon kailangan ko muna ng trabaho". Putol ko sa kanya dahil hindi naman ito ang pinunta ko dito.
Wala na siyang nagawa at sinabing pwede na ako magsimula bukas.
Agad naman na ako nagpaalam at naglakad na pababa.
Di pa din nagsisink in sakin ang lahat pero paano si Cassy kinasal pa ba sila o hindi diba may anak sila ang gulo. Nagitla naman ako ng biglang bumusina si Tob at lumabas.
Di ko namalayan nasa likod ko lang pala si Killian at ang sama ng tingin kay Tob.
"Killian nice meeting you again, is she hired? girlfriend ko" saad niya sabay akbay sa akin. Nailang naman ako dahil sa kalokohan ni Tob.
"Sabi mo Ms. Mendoza na di ka in a relationship then bakit naka akbay sayo si Miller". Nakataas na kilay na saad niya at masama ang tingin sa aking balikat.
"Ganon ba pare pasensya na makulit kasi gf ko gusto magtrabaho k- awch!" tumalim naman ang titig ko kay Tob at kinurot siya.
"Papalagpasin ko ito Ms. Mendoza, Let's talk tomorrow" saad niya at umalis na tumingin pa siya samin ulit bago sumakay ng kotse.
"Baliw ka talaga imbis na may trabaho na ako!, sakalin mo nga ito Charlotte" sinuntok naman ni Charlotte si Tob at pinagmaneho na.
Pagkadating sa bahay agad naman kami inaya nila mama na kakain na. Kaya naupo na kami at nagsimula magdasal. Dito na din madalas kumain sila Tob dahil bumalik ng france sila tita dahil sa business.
"Kamusta anak yung interview, nahire ka na ba?". Nagitla naman ako at nagdadalawang isip kung sasabihin kung sino ang boss ko.
"Opo naman mama" agad na ako sumubo ng madami para di na muli matanong.
Tumigil na din naman sila mama at tinanong nalang sila Tob tungkol sa pinapatakbo niya ngayong negosyo.
Pagkatapos naghugas na muna ako saka napagpasyahan na matulog. Agad na din nagpaalam ang dalawa na uuwi na. Pagka akyat ko ginawa ko na muna ang mga routine ko bago matulog. Agad naman ako nagitla ng tumunog ang cellphone ko at tumambad ang isang text ng unknown number.
0976*******
Goodnight sweetdreams....Babe.
Agad ko naman naisip ang taong nagtext nito at isinawalang bahala nalang.
Kinabukasan agad na ako bumangon at nagluto ng almusal. Ito na din ang unang araw ng pagtratrabaho ko.
Kakausapin ko din si Killian o mas dapat ko ng tawagin bilang boss na ayaw ko na muna may personal na usapin at trabaho lang ang lahat. Gusto ko na din kasi matahimik ang pagbabagong buhay ko.
Kung ano man ang nangyari sa kanila sa kanya ay wala na akong pakialam doon dahil matagal ko ng pinutol ang koneksyon namin.
"Mag-iingat ka anak, tsaka kumain sa tamang oras" paalala ni mama saka halik sa pisngi ko ganon din naman si papa at iniwan na ako.
Agad na ako sumakay sa taxi dahil di ko na inabala sila Tob tsaka alam ko na din naman ang daan kaya nagkanya nalang ako. Makalipas ang ilang minuto nakarating na din ako sa building nila.
Nagbayad na muna ako kay manong saka na pumasok sa loob.
"Magandang umaga po ma'am Reese" bati ng mga ibang empleyado.
Binati ko naman sila at nagtungo na sa office ng CEO.
"Good morning po Ma'am and Sir" saad ko kila Trinity sabay ngiti ng tipid.
Ngumiti naman si Trinity samantala nakakunot naman ang noo ni Killian kaya di ko nalang siya pinansin.
"So Reese gusto ko sana pumili ka samin ng mas magfofocus ka as secretary para naman di ka mastress".
"Kayo nalang po ma'am mas sanay po ako sa babae" agad ko naman nakita ang paglungkot ng expression ni Killian.
"Ganon ba ako na talaga pinipili mo" tumango naman ako ng maraming beses kaya napabuntong hininga nalang si Trinity at inutusan akong sumunod na sa kanya.
Napalingon naman ako kay Killian na malungkot na nakatitig sakin saka umiwas ng tingin.
"So dito ang office ko talaga and please lang Reese wag ka magdadaldal kahit kanino na magpinsan kami ni Killian may kailangan kasi kami ayusin kaya ganito ang sitwasyon wag ka mag-alala pag natapos na ito magiging kayo na ulit ng pinsan ko".
"Nako ma'am di naman po yun ang punta ko dito tsaka po ayoko na po mabalikan pa ang nakaraan".
"Pero matagal ka ng inaantay ng pinsan ko para makausap at maayos ang nakaraan niyo" malungkot niyang saad saka hawak ng balikat ko.
"Di pa po kasi ako handa di ko naman po expect na kayo ang magiging boss ko siguro po kailangan ko muna ng oras".
"Ikaw bahala basta pakinggan mo naman sana ang side ng pinsan ko" tumango naman ako ng dahan-dahan kaya niyakap niya ako.
Nag alinlangan pa ako pero yumakap nalang din ako pabalik......
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
