K-15

4.3K 111 0
                                        

"Di ka ba masaya sa result Killian?" tanong ko sa kanya, nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa dagat at nagmumuni-muni.

Isang linggo na ang nakalipas ng magkasakit ako at ngayon ang araw na nalaman namin ang resulta ng finals.

Napansin ko din after ng paparty ni Cassy lagi na siya natutulala at madalas malalim lagi ang iniisip.

"Babe tawag mo ba ako?" tanong niya at nabalik na sa ulirat.

"Oo di ka ba masaya? may problema ba?" umiling naman siya at niyaya na ako umuwi dahil pagabi na.

Bukas na din ang recognition namin kaya naman dapat maaga ay magpahinga na kami.

Makalipas ang ilang minuto sa byahe nakauwi na din ako nag goodnight na siya at umalis na.

Nakita ko naman si tita na nagkakape sa salas at may nirereview.

Medyo okay na din ang negosyo niya at bumabawi na ng sales kaya di na ganon kaistress si tita katulad nung nakaraang buwan.

Kinabukasan nagcelebrate naman kami sa isang sosyal na hotel na pina-organize ni tita dahil graduate na daw kami at malapit na magtapos sa pag aaral.

Tatlong linggo nalang din at anniversary nanaman namin ni Killian kaya naman nahihirapan na ako umisip ng bagong pakulo.

Pagkatapos ng celebration umuwi din agad sa pinas sila mama dahil may biglaang nangyari sa company.

Sa dalawang linggo bago ang anniversary namin puro lang kami gala at date kaya naman sulit na sulit iyon sa akin.

Ngunit lahat ng iyon ay masisira lang sa araw ng anniversary namin.

"Anak si Papa mo naaksidente daw kailangan mo umuwi ng pinas" napahawak naman ako sa aking dibdib at nabitawan ang ireregalo ko kay Killian bukas.

"A-ano po? agjojoke lang kayo tita" tumawa pa ako pero tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha ko kakaisip na sana di totoo.

Kinagabihan nakausap ko na si mama sa phone at nasa ospital daw sila ngayon.

Nag iimpake na ako ngayon at hawak na ang ticket para sa flight ko bukas.

Inayos ko naman ang nabitawan kong regalo para kay Killian

Nag aalala din ako dahil di siya macontact kaninang umaga pa huli naming pagkakausap at nasa office pa siya.

"Mag-iingat ka Reese sa byahe susunod din ako doon, aayusin ko lang yung negosyo ko" tumango nalang ako at niyakap si tita.

Kinabukasan agad naman ako binisita ni Ria kasama si Matt at kinausap.

"Bes gusto ko sana sumama kaso di pwede lagi mo ako tawagan, ilang buwan ka ba doon?" napaiyak na din siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Babalik ako dito bago magpasukan wag ka mag-alala".

"Mag ingat ka Reese sa byahe, nga pala yung boyfriend mo nagtext na sakin nasa opisina daw siya".

"Ganon ba sige ako nalang pupunta mamaya, paki bantayan nalang si Killian para sakin pati si tita" tumango naman sila at niyakap ako muli ng mahigpit.

Nagpalipas naman sila ng tanghalian at sinabay na ako sa kotse papuntang company nila Killian.

Kabado naman ako at tila may di magandang pakiramdam pero pilit ko nalang isinasalawang bahala.

Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na din kami, iniwan ko na muna sila Azaria sa lobby at sumakay na sa elevator.

Nagitla naman ako sa paglalakad ng makita si Cassy na may dalang envelope at pumasok sa tinuro ng babae kanina na office daw ni Killian.

Dahan-dahan naman ako lumapit sa pinto at bubuksan na sana pero nagitla ako sa sinabi ni Cassy.

"Buntis ako Killian at ikaw ang ama kaya hiwalayan mo na si Reese at tanggapin mo na ang proposal ni Daddy na pakasalan ako" pinigilan ko naman ang sarili ko makalikha ng ingay.

"But it's just an accident okay papanagutan kita pero di ko hihiwalayan si Reese an-" di ko na kinaya ang mga nalalaman ko kaya naman dahan-dahan na ako umalis at bumaba na sa lobby dala ang lukot ng regalo ko para kay Killian.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon at di na nagtubili na pansinin sila Ria na tumatawag sakin.

Agad na ako pumara ng taxi at hinagis ang regalo.

Sinabi ko naman address ni tita kaya agad na kami nakaalis.

Pagkadating ko agad na ako umakyat kasama ang mga bagahe ko at sinakay na sa taxi.

Naguguluhan naman si tita at nagtatanong bakit ako umiiyak. Sinabi ko nalang saka ko na ipapaliwanag at nagpaalam na.

"Are you alright Miss?" ngumiti naman ako ng bahagya at pinunasan na ang luha.

Pagdating sa airport sakto naman paalis na ang eroplano kaya naman agad na ako sumakay ng walang pag-aalinlangan.

Binuksan ko naman ang cellphone ko at nakita ang 100 missed calls 245 missed messages nila Killian, wala na akong gana basahin pa at nagtipa ng reply.

Killian:
I'm Breaking Up with you.

Pagkatapos agad ko na inoff ang cellphone ko at napapikit nalang sa upuan.

Di ko na namalayan naiiyak na pala ako dahil muli ko nanaman
naaalala ang mga nalaman ko kanina.

Nagitla naman ako ng biglang may nagbigay ng panyo sa akin unti-unti naman ako napalingon sa nagbigay at nagulat dahil si Tob ito.

"Bakit ka umiiyak, ang ganda mo pa naman sana di ka ba makapaniwala nakasakay ka na ng eroplano" napangiti naman ako at tinanggap ang panyo.

"Ayan ngumiti ka na ulit mas maganda ka pag nakangiti".

"Bolero, ano ginagawa mo dito?".

"Uuwi din ng pinas may tinataguan ako" nanlaki naman ang mata ko at naging curious sa kanya.

"Sino naman iyon?" napalinga linga naman siya sa paligid at lumapit ng konti sakin.

"May nambanta kasi kay Mommy sa France sakto nandito ako para sana mag invest ng bagong company kaso biglaan ako pinalipat ni Mommy sa pinas dahil dun sa nambanta" agad naman niya binuksan ang bag niya at pinakita sakin ang isang birth certificate.

"Pinabago na din ni Mommy yung pangalan ko para di nila ako makilala bilang anak nila"

"Pero bakit naman kailangan kang itago".

"Kasi sabi nung nambanta wag na wag daw namin susubukan tulungan kayo".

"Kami? ano naman meron samin tsaka dinamay pa kayo".

"Di ko din alam basta tawagin mo nalang ako sa pangalan na nakasulat dito".

Calix Wilhelm Grey

"Calix, okay so saan ka titira at paano yung expenses mo?".

"Easy, may naipon na kami dito nila Mommy at may mansion kami kaya don't worry dapat mag-alala ka ngayon sa parents mo at sa negosyo niyo feel ko kasi may gustong magpabagsak sa inyo".

Napabuntong hininga nalang ako at nanahimik na.

Nag announce na din ang cabin na aalis na kami kaya naman nagdasal nalang ako at hinintay ang pag uwi sa pilipinas.....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now