"Buti di ka naligaw feel at home crush" umirap naman ako at kunwari walang narinig.
Nilibot ko muna ang tingin sa kanilang bahay.
"Saan nga pala tayo gagawa ng rep-" nagitla naman ako ng biglang lumabas ang isang napakagandang babae mula sa kusina.
"Ikaw pala si Reese nice to meet you by the way wag ka na mahiya halika naghanda ako ng meryenda kain muna kayo bago gumawa ng project niyo" di naman ako nakatanggi dahil mapilit ang mama ni Killian, agad naman ako sumunod sa kanya.
"Ang gandang dalaga mo naman hija, taga saan ka sa pilipinas?" tumingin naman ako at sumagot.
"Taga manila po kami dun na din po kasi ako pinalaki nila mama gawa ng yung sa kompanya po"napatango naman siya at nagtanong pa muli tungkol sa pamilya ko.
Magaan ko namang sinasagot ang bawat tanong, di namin namalayan inabot na pala kami ng isang oras kaya naman siya na mismo nagsabi na magsimula na kami saka na ang kwentuhan.
"Boto agad sayo si mommy paimpress ka crush ano?" binatukan ko naman siya at sumunod na muli.
Sa may library nalang daw nila kami gagawa para may mga libro ding pwedeng gawing reference.
Pagkadating namin agad naman ako namangha dahil sa dami ng mga libro, nakaayos din eto base sa genre ng mga nilalaman, agad naman ako napalapit sa mga novels at nakita ko doon ang pinaka paborito ko sa lahat ang romeo and juliet hinawakan ko naman ito at tiningnan ang mga pahina.
"Mahilig ka pala magbasa crush" napalingon naman ako kay Killian na nasa gilid ko na pala, umirap naman ako at binalik na ang libro.
"Tantanan mo na nga yang crush crush na yan okay, di kapani-paniwala" napangiti naman siya at kinuha yung romeo and juliet na libro.
"Ang sakit ng kwento nila ano pero ang dami pa din nagbabasa at humahanga sa kanila dahil sa wagas nilang pagmamahalan" nagitla naman ako dahil sa pagiging seryoso niya.
"Sana din mangyari sa atin ang pag iibigan nila magpapakamatay talaga ako" umirap naman ako at hinarap siyang muli.
"As if naman magiging tayo tara na pagabi na takot pa naman ako gabihin sa daan" tumango naman siya at naglakad na sa table kung saan nakaset up na ang gagamitin namin.
Napansin ko naman na di na bumalik ang kaninang masiglang mukha niya kaya naman napakunot ako bakit siya ganyan.
Ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa tanging pagtango lang ang kanyang sagot at bumabalik na muli sa pagtitipa.
"Ayos ka lang ba? bakit di ka na nagsasalita?"humarap naman siya pero malungkot pa din ang mukha niya.
"Siguro di naman talaga tayo magiging kagaya ni romeo and juliet dahil sa umpisa palang ako lang naman may gusto sayo" napanganga naman ako sa kadramahan niya.
"Ano ba nangyayari sayo? di lang naman ako babae sa mundo tsaka highschool palang tayo" napailing iling naman siya at natulala muli sa kawalan.
"Siguro tama ka nga halika ka na para matapos na natin ito" tumango naman ako at tumulong na muli pero di pa din ako kontento dahil di pa din siya bumabalik sa kanina.
Pagkatapos namin gumawa ng presentation para bukas niyaya na kami ng mommy niya na kumain na, tatanggi na sana ako pero mapilit sila kaya kumain nalang ako, nag insist na din si Killian na siya na maghahatid sa akin.
Tahimik lang kami buong byahe kaya naman di ako komportable dahil sa pagkakakilala ko sa kanya mahangin siya at lagi niya ako inaaway.
"I'm sorry" pagbasag ko ng katahimikan namin nandito na din kami sa tapat ng gate.
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
