2nd week na ngayon ng 1st yr namin ng highschool kaya medyo abala na din kami paminsan minsan, patuloy pa din ang irapan at taasan namin ng kilay ni Killian.
"So class for today I will make you in pairs because I will give you all a report about our lessons let's see if you can do it by pair" naexcite naman ako dahil alam ko na agad sino kapartner, edi si Ria.
"Ma'am are we gonna choose our partners or your decision?" sabat naman ni Delancy, ang president namin.
"My decision dear. Now when I call your names please sit beside your partner" kabado naman ako dahil di ko alam kung sino sa kanila,
"Montereal and Mendoza" nagkatinginan naman kami at nag-irapan.
Di na kami lumipat dahil magkatabi naman kami.
Si Azaria naman ayun katabi yung crush niya sa unahan kaya naman napabuntong hininga nalang ako dahil wala na ako makakausap.
"So we're all done, now tomorrow we will start at the back, class dismiss" binati na namin si Ma'am at nagsitayo na para sa lunch break.
Papalapit na si Azaria ng biglang nagsalita sa aking gilid si Killian.
"Doon na tayo sa bahay gumawa ng presentation pag umangal ka sasabihin ko nalang kay Ma'am na individual na tayo" boring na saad niya habang nakatitig sakin ng matiim.
"Oo na oo na sige na bukas nalang natin pag usapan iyan malayo pa naman tayo" tumango na siya at nakapamulsang naglakad.
"Bes napaka naman talaga diba isipin mo yung kaaway mo pa the more you hate the mo-" tinakpan ko naman ang bibig niya at hinila na siya papuntang cafeteria.
"Anong the more more nako nakakainis gusto niya sa bahay niya pa wala naman ako choice baka magalit pa si Ma'am" tumango tango naman siya at pumila na kami.
"Ang saya ko isipin mo nakapartner ko si crush" nakangiti pa siya ng abot langit dahil sa kilig.
"Wag ka na malungkot, kanina nga narinig ko yung mga inggrata sabi di ka daw bagay kay Killian kaya pag narinig ka daw nila nag inarte sasabunutan ka daw".
"Kala naman nila mabait yang pinagkakaabalahan nila hayaan mo na isang presentation lang naman".
Tumango naman siya at umorder na.
Dun kami kumain ulit sa may fountain.
Napagitla ako ulit ng makita ko si Killian na naka headset habang nakain ng sandwich.
Mas maigi nga kung ganyan lang siya di mo napagkakamalang masama ugali tapos ang po-
"Damn kaurat naman" napatingin naman sakin si Azaria ng nagtataka.
"Ano nangyayari sayo baliw ka na talaga kung si Killian nanaman nasa isip mo tanggapin mo nalang na crush mo siya" umirap naman ako at umiling sa kanya.
never ko talaga magiging crush yan.
Pagkatapos bumalik na din kami at naupo na sa aming mga silya, di ko napansin na nandyan na pala siya.
"I saw you a while ago staring at me, do you have a crush on me?" sabay lapit niya sakin.
"A-anong crush feeling mo naman dun ka na nga" sabi ko sabay tulak sa kanya.
Ngumisi naman siya at napahalukipkip.
"Bakit ka nauutal kung hindi mo ko gusto" umirap naman ako bago siya sinagot.
"Bakit ka lumalapit sakin crush mo ko?" ako naman ngayon ang napangisi.
"Paano kung sabihin kong oo ano gagawin mo" napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
