K-5

4.7K 151 4
                                    

"Gusto kita" nakatulala kong saad agad ko din naman tinakpan ang bibig ko dahil sa aking sinabi

Todo din ang iwas ko sa kanyang mga matang pilit na hinuhuli ang aking paningin

Nakita ko naman ang saya sa mga mata ni Killian ngumisi siya sakin saka lumapit

Napansin ko din nakatigil pala kami sa gilid ng kalsada

"Gusto mo ko sabi na indenial ka pa sa pogi kong ito" umirap naman ako at tinulak siya, tumawa naman siya dahil sa akto ko

"A-ang i-i-ibig k-kong s-sabihin ano gusto kita ilibre mamaya kasi diba ikaw nalang gumawa nung di natin nagawa" tumaas naman ang kilay niya at ngumisi

"Talaga ba? Bakit ka nauutal?" sabay lapit niya muli agad ko naman siyang tinulak at umayos na ng upo

"Ano kasi ang lapit mo kasi tsaka pwede ba dalian na natin baka malate na tayo asa ka naman magugustuhan kita" tipid naman siyang tumawa at nagmaneho na muli

Pagkadating sa parking agad na akong bumaba at iniwan siya, agad naman ako napahinto ng mabangga ko si Ria na may dalang juice

"Ano nangyare sayo parang nakakita ka ng multo" agad ko namang inagaw yung juice niya at ininom

"Bes kailangan natin mag usap ng masinsinan ano oras na?" agad naman siyang napatingin sa wrist watch niya at sinabi may 20mins pa daw kami kaya naman agad ko na siyang hinila sa may tambayan namin ang fountain

"May nararamdaman na ako rebelasyon ano na ichika mo na" napabuntong hininga muna ako saka nagsalita

"Muntikan na ako kanina kasi nasabi ko gusto ko si Killian tapos b-" nagitla naman ako ng bigla niya akong alog alogin at hinampas hampas sa braso

"Omg! bes umamin ka na din magkakajowa ka na!" inismiran ko lang siya at pinagpatuloy ang kwento 

"So crush mo nga siya?" napaisip naman ako at sinabing di ko sure tinampal niya naman ako at hinawakan sa balikat

"Wag mo na pigilan bes si Killian na yun feel ko destiny na talaga gumawa ng paraan para magkajowa ka na" umiling iling naman ako at naramdaman nanaman ang kaba dahil nagbell na hudyat na simula na ang klase

Naglakad na kami ni Ria papuntang hallway ng makasalubong muli namin si Hades

Bumati naman siya at naglakad na muli

Pagkapasok sa room agad naman ako nag iwas ng tingin kay Killian na nakatitig sa akin at nakangisi

Di muna ako dumiretso sa upuan ko at nakipag chikahan muna sa mga kaklase ko

Late daw si Ma'am kaya naman di muna ako bumalik sa upuan ko at nakipag kwentuhan pa sa mga kaklase ko ngunit nagitla naman ako ng bigla ako kalabitin ni Odette

Tinuro niya naman si Killian na matiim na akong tinitingnan sumenyas naman siya na lumapit ako kaya naman buong tapang ko na itong nilapitan

Di ko naman sinasalubong ang titig niya at kunwaring nagtitingin ng mga design ng room

"Alam mo na ba ang gagawin mo mamaya mga sasabihin mo mga itatanong mo mg-" di ko na siya pinatapos dahil sinagot ko na agad ang mga katanungan niya

"Oo kaya sige na babalik na ako sa kakwentuhan ko" agad naman ako napatigil ng hawakan niya ang braso ko at pinaupo ako sa tabi niya

"Iniiwasan mo ba ako Reese" dahil sa sinabi niya napatingin na ako sa kanya pero agad naman ako nagsisi dahil alam kong di na muli maalis ang pagtingin ko sa kanya

"Hindi, hindi kita iniiwasan bakit naman eh i-" napatigil naman ako dahil dumating na si Ma'am kaya naman medyo nabawasan na ang kaba ko

Di na muli ako kinausap ni Killian dahil naging busy na din kami sa buong klase

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now