K-24

4.3K 108 0
                                        

"Manong sa residence po na ito please" saad ko kay manong habang nasa hita ko si Killian at inaapoy ng lagnat.

Agad ko siya binuhat kanina kahit sobrang bigat niya at sinakay sa taxi.
Wala sa plano ko na dalhin siya sa ospital dahil di ko na talaga alam at mas lalong di ko planong pumunta sa mansion nila pero no choice ako maganda na din na maalagaan nalang siya sa bahay.

Napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang gumalaw at nagsalita.

"Please, Reese mag usap tayo".

Nakatulog na din siya matapos niya sabihin iyon.

Naawa naman ako sa sitwasyon niya pero maski sarili ko nais kong tanungin kung handa na ba talaga ako.

Makalipas ang ilang minuto sa byahe nakarating na din kami sa address niya. Namangha naman ako pero mas pinagtuunan ko muna na siya ng pansin.

Nataranta naman ang mga guard na bantay nila at tinulungan ako.

"Ma'am ano po nangyari? lasing po ba si sir?" umiling naman ako at sinabi na nabasa sa ulan.

Nagitla naman ako dahil nasa pinto si tita na nagulat din ng makita niya kami ni Killian.

"Nagkabalikan na ba kayo? anong nangyari sa anak ko bakit siya ganyan".

"Papaliwanag ko po mamaya, saan po ang kwarto niya" nataranta naman si tita at tinulungan kami iakyat si Killian.

"Patawarin niyo po ako dahil sa akin nagkasakit po siya" saad ko habang pinupunasan si Killian.
"May malalim na dahilan ang anak ko para magpabasa sa ulan" saad niya at titig na titig sa akin.
"Nagkausap na ba kayo?" umiling naman ako kaya napabuntong hininga siya.
"Sige pagkatapos mo, sumunod ka sakin sa garden" tumango nalang ako at tinapos na ang ginagawa.

"Manang saan po ang daan sa garden?".

"Good morning po ma'am diretso lang po kayo tapos kaliwa" nagpasalamat naman ako at pinagpatuloy na ang paglalakad.

"Gusto ko sana si Killian ang magpaliwanag sayo lahat pero nais ko na kayong maayos at itama niyo na ang lahat ng nasira sa inyo".

Napakunot naman ang noo ko pero pinapatuloy lang siya.

"Alam kong umalis ka dahil sa nalaman mong buntis si Cassy which is not true, pati kami ni Killian nagalit ng sobra dahil sa kasinungalingan niya, matagal na ding gusto iend ni Killian ang engagement nila pero lagi siya binoblack mail ni Cassy na magpapakamatay daw ito o kaya naman papatayin niya ang gusto ni Killian".

"Ibig sabihin po walang nangyari sa kanila at wala pong baby?".

"Oo nais din ng pinsan ni Killian na magkaayos na kayo naging basagulero si Killian dahil nga sa iniwan mo siya nalaman din kasi niya na may bago ka na daw base sa mga investigators namin".

"Pinapasundan niya po ako!?" I can't believe this man kaya pala minsan parang may matang lagi akong tinitingnan.

"I hope nakatulong ako sa info na binigay ko sayo madami pang gusto sabihin si Killian sayo sana naman pakinggan mo na ang anak ko".

Nataranta naman ako ng biglang lumuhod si tita kaya agad ko siyang pinatayo.

"Kakausapin ko na po siya basta gumaling po siya nakokonsensya po ako baka lumala yung lagnat niy-".

"Mommy, nasaan si t- Reese! Please mag usap na tayo" saad niya sabay lapit sa akin.

"Okay ka na ba? bigla ka nalang bumaba dito buti di ka nahilo sa h-".

"Please let me explain to you all please let us talk" nagmamakaawa niyang saad at balak na sanang lumuhod kaya agad ko siyang pinatayo.

"Maiwan ko muna kayo" naupo naman ako sa tapat niya at ngumiti ng pilit.

Nanlulumo ang mukha niya ngayon at halatang stressed na stressed siya kaya naman naaawa din ako sa kanya na baka ako ang dahilan ng madalas niyang pagpupuyat.

"Nasabi na ni tita yung nangyari sa bar nung nagkasakit ako at y-".

"I'm sorry, I was not there when you need me I was not there when your father got in an incident, I'm sorry for being a jerk".

"Hey you're not a jerk, naloko ka lang din tsaka naiintindihan ko naman na kailangan ka ni tita sadyang nabulag lang tayo sa katotohanan kaya di natin naayos ito agad".

"I know but still its my fault that's why you left me, kaya gusto ko na maayos natin ang nakaraan at magsimula ulit Reese, after all this years ikaw pa din talaga" naluluha niyang saad at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Sana di pa huli ang lahat sa atin" nagitla naman ako at di makasagot.

Gulo gulo pa din ang isipan ko at marami pang alalahanin kaya naman di ko din maipapangako sa kanya ang gusto niya.

"Killian parang masyado namang mabilis, tsaka kakausap palang natin di'ba di pa naman natin alam ang lahat at may problema pa kayo ng pinsan mo kaya siguro iyon muna ang isipin mo".

Napatungo naman siya at bahagyang nagpunas ng luha nasasaktan naman ako dahil lumuluha siya dahil sakin.

"So this means no?"

"I don't know, siguro ayusin muna natin ang lahat bago yung gusto mo".

Bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti ng tipid sa akin.

"Wag ka mag alala Reese if that's what you want then I will do it just wait for me".

Napatango nalang ako at nag-alala pa din na baka di ko na siya mabalikan pa.

Matapos ang kaganapang iyon umalis na muna ako sa mansion nila at pumasok sa company.

Napatawag kasi bigla si Ma'am Trin kaya agad ko na siyang iniwan. Tulog naman na siya at bumaba na din ang lagnat. Nagpasalamat naman si Trin sa pag aalaga ko sa pinsan niya. Naging busy naman ako dahil may importanteng bisita bukas kaya naghahanda na ang buong team para doon.

Inabot ako ng ala sais ng gabi sa pagtatype pero di pa din ako tapos.
Nagstretch naman ako saglit at bumaba para bumili ng hapunan.
Natext ko na din si Tob na di na muna ako magpapasabay dahil gagabihin ako.
Nagreply naman siya na mag ingat nalang daw ako sa daan.

Nagitla naman ako sa pagpili ng oorderin ng biglang magring ang phone ko.

"Hello Reese anak" saad ni mama sa kabilang linya.

"Hello mama ano po iyon?".

"Nag aalala lang kami anak kanina ka pa namin kasi tinetext kung nasaan ka kumain ka na ba?".

"Kakain palang po kayo mama pasensya na mama busy po kasi ako kanina".

"Ayos lang iyon anak basta wag magpapagabi at mag ingat sa daan bye na muna".

Nagpaalam na din ako at dinala na ang take out order ko.

Makalipas ang dalawang oras natapos na din ako at inayos na sa table ni ma'am.
Nauna naman na siya dahil may importante daw siyang aasikasuhin kaya naman matapos ang lahat nagpasya na din akong umuwi....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now