Wakas

6.8K 177 12
                                        

"Tapos ka na ba magsulat anak" saad ni mama at tinapik ang aking balikat.

"Ang dami na pala nangyari sa amin ni Killian mama halos isang libro na itong journal ko pwede na ipublish" natawa naman si mama at sinuklay suklay ang buhok ko.

"Atleast sa huli kayo pa din ang nagkatuluyan, sobrang saya ko para sayo anak dahil sa wakas magkakapamilya ka na din at magkakaroon ng napaka sipag na asawa".

"Oo nga mama, nakakaproud masyado si Ian di ko kinakaya".

"Siya parating na daw ang mag aayos mag ready ka na ilang oras nalang magkaka asawa ka na" napangiti naman ako kay mama at niyakap siya.

Pumiglas naman agad siya at nagtungo na din sa mag aayos sa kanila.
Ilang minuto pa dumating na din ang akin kaya naman naupo na ako ng maayos para masimulan na.

Isinulat ko pala ang mga naganap sa buhay ko, nabasa na din ito ni Killian pero di pa ang wakas dahil magaganap palang ito ngayon.
Gusto sana niya ipapublish kaso sabi ko sa amin nalang iyon kaya wala na siyang nagawa, tinakot ko din siya na baka magustuhan ako ng iba kaya ayun sumuko din.

"Ang ganda mo, bagay na bagay kayo ni Killian I'm so excited na talaga" natawa naman ako at umayos na muli.

Tapos na ang ibang bridesmaid samantala nandito pa din ako sa buhok ko because they want it to be perfect for it is a lifetime memory to cherish.

"Baka gabi na matapos yang si Reese, mapapanis ang handa nako ikaw gagawin kong letchon" saad ni Cleia na ikinatawa namin.

"Mag wait ka lang malapit na siya matapos tsaka di ka naman yung ikakasal kaloka ka" nagtarayan naman sila pero nagtawanan nalang din kami.

Makalipas pa ang dalawang oras natapos na din kami at masasabi kong bongga nga ang pagkakayos sa akin. Todo selfie naman sila Cleia kasama si Ria, kakarating lang din nila dahil naging busy sila ni Matt sa sariling buhay.

Nanghinayang nga ako dahil di ako nakadalo sa kasal nila kaya naman nagbiro pa siya na magpapakasal daw sila ulit para nandoon daw ako.

"Tara na malapit na magstart baka isipin ni Ian tinakbuhan mo na siya" agad na kami kumilos at sumakay na sa kotse. Doble na ang tahip ng dibdib ko kahit nasa byahe palang, paulit ulit ko ding binabanggit ang vow ko mamaya dahil baka nerbyosin ako at di na makapagsalita.

"Congrats po sa inyo ma'am nandito na po tayo" napangiti naman ako kay Kuya at nagpasalamat. Agad na ako inalalayan ng mga staff at niready na ang seremonya.

Pagkabukas ng pinto ay mas lalo na akong kinabahan, nilibot ko naman ang tingin sa mga bisita at nadako na ang tingin sa aking mapapangasawa.

Nagsimula na din tumugtog ang napili naming kanta ng maglakad na ako papunta sa kanya. Malapad ang aking ngiti sa mukha habang dahan-dahang lumalapit sa aking mapapangasawa.

Hanggang sa tuluyan na ako nakalapit, hinalikan niya ang aking kamay saka ngumiti na may luha sa kanyang mata. Bumulong naman siya sa akin.

"I'm so happy Reese, I love you" bulong niya, tinitigan ko naman siya ng naluluha na rin.

Sinimulan na ng pari ang seremonya kaya naman tumingin na kami sa harap ng altar.

"I now pronounce you husband and wife you may now kiss the bride" unti unti na kaming humarap sa isa't isa at napangiti sa isa't isa.

Dahan-dahan naman na niyang inangat ang belo ko at kinagat ang ibabang labi niya, napansin ko din ang mga mumunting luha sa kanyang mga mata na nagsasabing sobrang saya niya at mas masaya siya dahil ako ang nakatuluyan niya.

"I love you Reese always and forever"

"I love you more My Ian" unti unti naman na siyang lumapit at hinawakan ang pisngi ko, naramdaman ko naman ang mainit niyang halik saka ang sigawan ng tao.

Gaya ni Romeo at Juliet minsan na din tayong pinagkalayo ng mga taong ayaw tayong maging masaya, minsan ng nabulag sa kasinungalingan at minsan na ding nasaktan pero naging matatag tayo at pinaglaban pa din ang ating pag iibigan, kaya't simula ngayon di na ako magsasawang sumugal para sa taong mahal ko.

Wakas....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now