K-1

9.5K 217 13
                                    

"Reese totoo na ba talaga ito dito tayo mag aaral!" niyuyugyog niya ako habang tumitili, kakarating palang namin sa papasukan naming school ngayon at masasabi nga naming maganda ito.

"Edi ano pa inaantay natin larga na para makahunting na agad ng pogi" tumawa naman siya at nagsimula na ulit maglakad talaga namang masasabi naming sulit yung binayad namin kasi talaga namang maganda

Sa sobrang busy namin kakalibot ng paningin di namin napansin na may tao sa aming harap kaya naman nabunggo namin ito.

"Are you not looking where you are going" iritadong saad samin ni kuya pogi, agad naman kami humingi ng paumahin pero sininghalan niya lang kami at umalis na, di namin napansin na nakatingin na pala ang lahat sa amin kaya naman tumungo nalang kami at nagpatuloy na para mahanap ang classroom namin.

"Friend pogi pa naman sana ano kaso ang initin ng ulo,di bale di lang naman siya pogi dito kaya di din siya kawalan" saad niya habang nakapangalumbaba pa sa kanyang mesa, nandito na kami ngayon sa room namin

"Sino ba nagsabi na pogi yun angas angas kala mo naman kung sino" saad ko na di naman pinaniwalaan ni Ria.

Napaayos na kami agad ng upo ng pumasok na ang magiging adviser namin sa taong ito, agad naman namin siyang binati matapos niyang bumati at magpakilala.

"So let's proc-" nagitla si ma'am ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si kuya masungit kanina, napairap naman ako sa ere at tumingin nalang muli sa harapan

"Sorry I'm late ma'am" tumango naman si ma'am at inanyayahan na siyang umupo at kung minamalas ka nga naman siya pa ang katabi ko

Pagkaupo niya agad niya akong tinaasan ng kilay at sininghalan

Umirap nalang ako at nakinig na muli kay ma'am sa harap

"So class it's time to introduce yourselves let's start with you miss" sabay turo niya sakin agad naman akong tumayo at pumunta sa harapan

"Hi everyone my name is Reese Giuvainnie Mendoza, 14yrs old pure pilipina" at pinagpatuloy ko pa ang pagpapakilala

Sinasagot ko din kasi lahat ng katanungan nila lalo na yung mga lalaki

4yrs old palang ako ng isinama na ako dito sa states ni tita Jaiya para paaralin, nasa panganib kasi ang kompanya namin magpa hanggang ngayon

Nanakawan kasi kami ng 50% ng 5yrs na kita ng kompanya kaya naman napilitan na din sila mama na ipasama ako kay tita.

Masyado na silang nastrestressed out yung tipong di na din nila ako naaalagaan

Naiintindihan ko sila dahil nasa panganib ang ilang taon nila pinagsisikapang kompanya alam ko din naman na para din naman ito sa akin

Tuwing may okasyon at bakasyon lagi silang nabisita di din nila nakakalimutan na magdala ng pasalubong kahit na pinipilit ko silang wag na mag abala mahalaga lang naman sa akin na nakakasama ko sila kahit sa maikling panahon lamang

Pinalaki ako ni tita na parang tunay na niyang anak, wala kasi asawa si tita dahil sa di ko malamang dahilan

Mabait si tita at maunawain kaya naman na adapt ko na ang kanyang ugali dahil ito na din ang kinagisnan ko

"Hello my name is Azaria Queenzet Ramirez 14yrs old, A pure pilipina too"saad ni Ria at nag bow sa mga kaklase namin

Nagkilala kami nung Gr.3, siya ang unang kumausap sa akin dahil di naman ako ganon ka friendly nung bata pa ako, naging close kami agad hanggang sa tumagal na kami hanggang ngayon

Sa kanya ko din na adapt yung mga kalokohan at tungkol sa lalaki pero never pa namin naisip ang mag jowa syempre bata pa kami at kahit na mukha kaming pogi mas priority pa din namin ang pag aaral

Dito na din siya lumaki kagaya ko nasanay din siya managalog dahil yun daw ang tinuro sa kanya ng parents niya

May kompanya din sila sa pilipinas pero mas pinili na daw ng parents niya na dito na lang sila dahil daw sa di niya alam na kadahilanan

Naging smooth naman ang pagpapakilala isa isa, hagikhik pa nga ng hagikhik si Ria sa gilid ko dahil may naspot na siyang kaklase namin na pogi

"Bes tumingin sakin I'm getting married na" tinampal ko naman siya dahil nagdaday dream nanaman siya

"Gaga tumingin lang sayo papakasalan mo na agad d-" nagitla naman kami ng biglang nag ehem yung nasa gilid namin

"You two, can you please shut up I'm trying to listen here" humingi naman kami ng paumanhin at humarap na muli sa nagpapakilala

Di ko namalayan na siya na lang pala ang di nagpapakilala pagtingin ko dito tumayo na siya ng nakapamulsa at pumunta sa harapan, narinig ko naman ang mga hagikhik ng mga babae naming kaklase

(He's so handsome I will ask him to be my boyfriend)
(No you bitch I'm the one who recognized him first)
(Back off losers he already looked at me so I'm the one)

"Killian Jasper Montereal" saad niya sabay bow

Napanganga naman si Ma'am pati yung mga babaeng kani kanina lang nag-aaway pa

"Mr. Montereal is that all you want to say how about your age or family" saad ni Ma'am habang nakakunot pa din ang noo

"There is nothing interesting to me though so that's all" saad niya sabay upo na sa tabi ko agad ko naman siyang nilingon at kinunutan ng noo

"What are you expecting on me?"saad niya dahilan para inirapan ko siya at tumingin na ulit sa harap

"Kala mo naman cool kid na siya niyan parang info lang" napatigil naman ako sa pagsasalita sa sarili ng bigla niya akong hinarap sa kanya

"Ano sabi mo? Feeling cool kid ako"nanlaki naman ang mata ko dahil nakakaintindi siya ng tagalog

"N-nai-intindihan m-mo ko?" inirapan niya naman ako at inismiran

"Sa tingin mo ba tatanungin kita kung hindi?" gaya niya tinaasan ko nalang siya ng kilay at inirapan

Nakinig nalang din ako sa tinuturo ni ma'am

Yung kaibigan ko naman eto busy sa kausap niyang pogi kaya naman di ko na siya inabala pang kausapin

Lunch break na ngayon at nandito kami sa may fountain kumakain

Ang aliwalas kasi ng lugar tapos sarap pa ng simoy ng hangin

"So meaning mo friend marunong siya managalog?" tumango tango naman ako habang ningunguya yung fried chicken kong ulam

Naglilibot libot naman ako ng paningin ng mapatigil ang tingin ko kay Killian na kakalabas lang galing cafetiria, tila tumigil ang mundo at parang siya lang ang nakikita ko

Naglalakad siya ngayon papunta ng fountain kung nasaan ako habang nakain at nagscroscroll sa kanyang phone

"Bakit ganon ano nangyayare sa-" nagitla naman ako ng batukan ako ni Ria

Napahawak naman ako dito dahil ansakit

"Gaga bakit natatapon na yang kinakain mo tapos kinakausap mo pa sarili mo sino ba yang tinititigan mo" napatingin din siya sa direksyon ni Killian at kiniliti ako

"Ayan Guivainnie ano yan bakit ka napapatulala kay Killian crush mo?" tinampal ko naman siya at tumawa

"Paano ko magiging crush yun enemy na nga tingin saken nun kaya fair lang kami" di naman siya naniwala at umirap lang

"So ano tong peg mo the more you hate the more you love pumapag ibig na siya" umirap naman ako at inubos nalang ang pagkain sakto naman nagbell na kaya bumalik na kami sa classroom......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now