"Ready ka na?" tumango naman ako kay Killian at sumakay na sa kotse niya, papunta kami ngayon sa kasal ni Trin at Ashton halos lahat ay excited na sa magaganap.
"First time kong makakakita ng live na kasal, excited na ako!" tili ko sa kotse niya.
Natawa naman siya at pinapatuloy na ang pagdidrive.
Pagkadating sa dressing agad na kami naghiwalay at nakisama na sa ibang bride's maid.
Makalipas ang ilang oras sa pag papaayos ang ready na kaming lahat, huli ng inaayusan si Trin dahil siya ang pinaka dapat maganda sa lahat.
Naging close ko din agad ang mga kaibigan niya dahil ang daldal nila.
Sa kanila ko din nalaman ang nakaraan ng dalawa kaya naman sobrang nashocked ako dahil sa successful nilang buhay ay di mo mapagkakaila na may masalimuot pala silang nakaraan
Pagkadating sa simbahan, nagready na ang lahat para sa seremonya.
Naiyak naman ako sa vows nila sa isa't isa at paghingi nila ng tawad sa isa't isa matapos ang lahat ng nangyari. Makalipas ang dalawang araw balik na ulit ang lahat sa dating gawi.
Naging usapan na din kami ni Killian dahil sa madalas kaming nahuhuling magkasama.
Nasimulan na din ang pag iimbestiga nila Killian sa pagkabagsak ng aming kompanya.
Umuwi naman si Cassy sa America dahil naospital daw si Sir Pancio, nalaman ko din kila Killian na may Cancer si Sir Pancio kaya mahina na daw ito at di na madalas nalabas sa mansion.
"Let's have lunch at the nearby restaurant Reese" saad ni Killian na nakatayo sa harap ko.
Tumango naman ako at pinatay ang laptop, tinulungan niya naman ako mag ayos ng gamit at umalis na. Napatigil naman kami papuntang Parking ng biglang may tumawag sa kanya.
Sinagot naman niya ito at nagpatuloy.
Tinanong ko naman siya kung sino iyon at baka importante sinagot naman niya ay makakasama daw namin ito kumain. Natahimik nalang ako at tumingin sa kalsada, makalipas ang ilang minuto nakarating na rin kami.
Inalalayan niya naman ako bumaba at pumasok na sa restaurant,
nagulat naman ako ng makitang nainom ng tubig ang imbestigador na sinasabi niya sa pinareserve niya lamesa.
"Good afternoon Killian let's start, the time is running" tumango naman si Killian at naupo na din matapos akong itulak ng upuan.
"Ayon sa mga tauhan ko nalaman namin na si Cassy De vera ang may pakana ng lahat, included din ang tatay niya sa kaso dahil ito ang nagpakana ng pagbagsak ng company niyo Miss Mendoza, siya din ang dahilan bakit naaksidente si Sir mendoza, napagalaman din namin na siya din ang dahilan bakit nalugi ang tita mo".
Ramdam ko ang halo halong emosyon na namamayani ngayon sa akin.
Hinawakan naman ni Killian ang kamay ko para kumalma.
"Tinakot niya ang lahat ng share holders niyo kaya sila umalis, isa na dun ang mga Miller na di nila nahuling tumutulong sayo".
"Ibig sabihin po pwede pa namin mabangon ang company?" tumango naman siya at may pinakitang mga papeles.
Binasa ko naman ito at ito ang mga contract na bigla nalang nawala sa kompanya.
Ito sana ang gagamitin nila mama sa mga share holders namin na iniwan kami kaso nawala ito na parang bula.
"Maghahanap pa kami ng iba pang pruweba sa ngayon mag antay nalang kayo ng update namin at wag kayo mag alala may plano na kami ni Sir Montereal".
Tumunog naman ang cellphone niya kaya agad na siyang nagpaalam na aalis na.
Tahimik kaming kumakain ni Killian, puno ng galit at hinanakit ang nararamdaman ko ngayon.
Di ko inaasahan na di lang pala pagsisinungaling ang kayang gawin ni Cassy kundi pumatay din ng tao.
"Reese calm down may plano na ako para kay Cassy lahat tayo biktima niya, let's just wait for the other updates, now eat well" napatango nalang ako at tinapos na ang pagkain.
Bumalik naman kami sa opisina at tinapos na ang mga trabaho, busy kaming muli dahil meron nanamang nais makipag partner sa company
Di ko din namalayan na alas syete na pala ng gabi, saktong pagtayo ko ay pagbukas ng pinto ar iniluwa si Killian na may dalang pagkain.
"Kain na muna tayo tapos hahatid na kita pauwi, nais ko din kasi makausap sila tita".
"Sige tara kain na tayo" tinulungan ko na siya mag ayos saka nagsimulang kumain.
Makalipas ang ilang minuto agad na kami bumaba para makauwi na
He guided me on his car before he went to his sit saka nagdrive.
Tahimik lang kami buong byahe dahil sa pagod at dami ng iniisip lalo na ang mga ginawa ni Cassy para lang makuha ang gusto niya.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa bahay kaya nagpaalam na ako sa kanya.......
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
