K-12

3.3K 107 1
                                    


"Don't forget to submit your reaction paper tomorrow class dismiss" tumayo na kami at nag ayos ng gamit

Half year na namin ngayon bilang 3rd year high school kaya naman mas lalo naging busy sa pag aaral

Patuloy pa din ang pag aaral ni Killian about sa company nila lalo din kasi nanghina si tita sa di namin malaman na dahilan

"Tara kain na tayo Killian" saad ko sa kanya, nakatingin naman siya sa cellphone niya

"Sabay ka nalang muna kila Ria may urgent kasing pinapaasikaso si Tito saken, sorry babe promise bukas sabay na tayo ulit kakain" wala na ako nagawa kaya naman umalis na ako papunta cafeteria

"Parang byernes santos yang mukha mo, ano di nanaman sasabay si Killian" umiling naman ako at naupo sa tapat nila ni Matthew

"Iwan ko muna kayo love haa orderan ko muna si Reese" tumango naman si Ria at hinarap na ako muli

"Lagi nalang siya busy pero iniintindi ko pa din kaso nakaka tampo din kasi lagi nalang di natutuloy" hinawakan naman ni Ria ang kamay ko

"Nako friend lilipas din yan wag ka mag alala tsaka naiipit din naman si Killian sa sitwasyon"

"Hahayaan ko nalang para sa pamilya din naman niya iyon" sumang ayon naman si Ria sakto naman bumalik na si Matthew dala ang pagkain ko

Pagkatapos namin kumain, sinabi ng president namin na pwede na daw umuwi kaya naman sabay na din kami tatlo lumabas, nagtext naman ako kay Killian na wala ng klase

Ilang minuto pa nagreply naman siya na umuwi na daw ako at mag ingat kaya naman pumara na ako ng taxi at tumingin nalang sa kalsada

Pagkauwi agad ko na ginawa ang assignments namin saka naisipang natulog, ganon nalang lagi ang ganap ko

Kinabukasan ganon nanaman muli ang gawa ko, makalipas ang isang oras pumara na din ako ng kotse dahil malalate daw si Killian kaya mauna na daw ako

Buong byahe tahimik lang ako at parang wala sa sarili, di ko na mapigilang malungkot dahil lagi na kaming walang oras ni Killian sa isat isa

Pagkadating sa room naiglip muna ako saglit, nagising naman ako sa yugyog ni Killian

"Puyat ka ba parang ang tamlay mo?" di naman ako sumagot at tumingin tingin sa paligid

"Nagtatampo ka ba sorry na mamaya talaga sabay na tayo kain tsaka may pupuntahan tayo mamaya" di ko pa din siya pinansin

Sakto naman dumating na ang teacher namin kaya naman nanahimik na din siya

Pagkatapos ng klase agad naman na ako nag ayos para sumabay kila Ria ulit

"Babe pansinin mo naman ako tara na may pupuntahan tayo" umirap naman ako sa kanya at pinagpatuloy na ang pag aayos

"Babe" hinawi ko naman ang kamay niya at nagsimula na maglakad

Nagitla naman ako ng bigla niya ako hawakan at kinulong sa pader gamit ang mga bisig niya

Nanatili naman ako nakatingin lang sa sahig

"Babe kung nagtatampo ka please hayaan mo naman ako makabawi sayo alam ko ilang weeks na lagi kita nabibigo kaya sige na"

Nanatili lang akong tahimik at tumango nalang ng dahan dahan, di ko pa din siya kinakausap sa byahe

Pagkadating namin nagitla ako ng bigla niya lagyan ng panyo ang mata ko

"Ano ba ito tanggalin mo ito kundi sasapakin kita" narinig ko naman ang mumunting tawa niya at inalalayan na ako muli

Nagkapa kapa naman ako ng bigla siya mawala

Naluha naman ako ng biglang tanggalin ang piring sa mata ko at bumungad ang sopresa niya

Sorry Babe I love you so much

Nandito sila Ria at iba pa naming kaklase na kasabwat nila

Kaya pala kanina agad agad na sila naglabasan may pa eme pala etong si Killian

"Oo na oo na basta dapat tuparin mo na lagi yung promises mo" ngumiti naman siya at nagpinky swear pa

Makalipas ang isang linggo lagi na ulit kami sabay kumakain pero di pa din nawawala yung mga tumatawag sa kanya

Lagi naman niya ito pinapatay o di kaya naman di nalang sinasagot

Medyo nakonsensya ako dahil baka importante pero sabi niya pwede naman daw niya gawin nalang pagkatapos namin

Naging busy nanaman kami sa school dahil may role play kami at kami ang bida ni Killian

Sobrang nagandahan ang teacher namin dahil parang makatotohanan daw ito at napakagaling ng pagka edit

Naging laman din kami ng balita sa campus dahil lagi namin naipapanalo ang mga quizbee contest at journalism

Medyo naging okay na din si tita at minsan nakakapag trabaho na pero lagi lang nasa bahay kaya naman fully sched talaga si Killian

Nag aaral na din ako paano magluto dahil minsan di na nakakain ng maayos si Killian madalas sa pag aaral nalang kami nagkakasama dahil meron kaming Regional na laban
Sarap na sarap naman siya sa mga luto ko kaya naman sa tingin ko improving na ako

Makalipas ang ilang buwan finals na namin ngayon at madami nanaman kami nahakot na awards ni Killian

"Okay you may start now" saad ng proctor namin kaya naman agad na naming sinulatan ang mga text papers

Una kami natapos ni Killian at may
30mins pang natitirang oras kaya naman pinahintulutan muna kami na mag review sa next exam

Hanggang sa natapos na kami kaya naman guminhawa na din ang pakiramdam namin

"Sa wakas tapos na lapit next year 4th yr na tayo lapit na mag college" napangiti naman kami kay Ria habang naglalakad papuntang cafeteria

"Kaya nga ambilis ng panahon tsaka makakapagbakasyon na kami ni Killian" tumango naman si Killian at pinaghila ako ng upuan, nagtungo naman na sila sa counter para umorder

"Buti naman nagkaayos na kayo ang hectic din kasi ng sched niyo lagi masyado niyo kasi ginagalingan"

"Okay na yan atlis may na aachieve diba kayo din naman sunod lang naman kayo sa amin"

Sakto naman dumating na din ang pagkain kaya naman kumain na kami at nag usap usap

Magkasama naman kami ni Killian buong linggo dahil magkatulong kami sa paggawa ng mga projects, ilang days nalang kasi matatapos na ang school year

"And our top 1 again Killian Montereal with an average of 97.56" agad naman nagpalakpakan ang crowd, sinabit naman na ni tita ang medals ni Killian

Muli naman kami pinaakyat sa stage para sa top10 group photo

"Congrats babe I loveyou" bulong ni Killian at todo ang ngiti

"Congrats din sayo" ngiting saad ko at tumingin na sa camera.....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now