"Congrats to you, you are so smart, that's why I'm so amazed in your early age you can now manage a multi-millioner company" saad ng isang company partner nila Killian sa kanya.
Nandito kami ngayon sa paparty ni tita at nagulat kami dahil imbitado lahat ng business partners nila, nais din daw ni tita pasalamatan ang mga ito sa paggabay kay Killian sa pagpapatakbo ng kompanya.
Nabalita na din si Killian na Youngest Successful Business Entrepreneur.
Laman din siya ng mga magazines around the world kaya naman super proud si tita sa kanya.
"Thank you for the compliment Amigo" saad ni tita at inaya na ang ibang bisita para kumain.
"Ano may plano ka na ba?" saad ni Killian habang papalapit sa akin, agad naman napakunot ang noo ko.
"Sa vacation natin babe, diba di tayo nakagala last vacation".
"Yun ba? ikaw bahala" napasimangot naman siya at inirapan ako.
"Oo na ako na iisip maghahanap pa ako sure ka na di ka na magiging busy niyan?" umiling iling naman siya at nagcross my heart pa.
"Malapit na din anniversary natin" paalala niya sakin at tumingin sa akin ng matalim.
"Oo alam ko di ko makakalimutan yun"natatawang saad ko, di pa din kasi siya naniniwala at nakataas pa ang kilay.
"Congrats hijo, mas pag igihan mo pa nandito lang ako para suportahan ka at tulungan" saad ni tito Pancio sa gilid namin kasama si Cassy na plastik nanaman ang ngiti.
"Salamat tito di ko po alam ang gagawin ko kung wala kayo".
"Congrats Killian and Reese" tipid na saad ni Cassy at ngumiti.
"Salamat Cass, nga pala kumain na po ba kayo Tito nandoon po si Mommy".
"Kumain na kami actually kakadating lang namin ni Cass hinahanap din namin si Mommy mo may sasabihin kasi ako, Excuse us for now".
Nagpaalam din kami at nagpunta na din kila Mama at nakihalo na din sa mga bisita.
Pagkatapos ng party agad na din nag-uwian ang mga bisita madami din nag-iwan ng kanilang regalo kay Killian.
"Goodnight Babe, ingat kayo sa byahe nila Tita" saad niya at humalik na sa aking pisngi sabay lapit sa tenga ko.
"Goodnight na din paki sabi nalang kay tita salamat" tumango naman siya kaya nagtungo na akong sasakyan at sumakay na.
June 7 na ngayon at 4 days nalang birthday at anniversary na namin ni Killian kaya naman paunti-unti na din ako naghahanda ng surprise para sa kanya.
Nakaraang linggo puro lang kami nood ng sine at pasyal sa mga museum dahil may pinaaasikaso sa kanya si tita kaya half lang ng araw kami nagkakasama.
Pero ngayon okay na at wala ng sagabal. Pinaaga na din ni tita yung mga gawain niya para sulit na daw kami sa pagbabakasyon.
Trip to Florida ang binigay na ticket sa akin ni mama sobrang tuwa ko naman.
Mawawala din sila mama dahil may business trip nanaman sila samantala si tita naman ay pupunta ng Paris para sa fashion show kaya naman pumayag na sila mama na kila Killian muna ako.
June 11 na ngayon at nandito ako ngayon sa kwarto kasama si Ria dahil inaayusan niya ako para sa surprise mamaya, simpleng date lang ang naplano namin dahil gusto namin kada 5yrs na kami mag cecelebrate ng bongga.
"Ano ready na ba yung surprise mo?" ngumiti naman ako at pinakita ang box na maliit.
"Nasaan nga pala si Matthew?" saad ko habang tinitingnan ang aking mukha.
"Edi syempre kasama si Killian tara na malapit na mag sunset".
Tumayo na kami at naglakad sa labas, sakto naman may taxi na dumaan kaya naman agad na kami pumara at sinabi ang pupuntahan.
Agad naman ako nagitla ng takpan ni Ria ang mga mata ko gamit ang panyo.
"Bakit may ganito Ria!" narinig ko naman ang mumunting tawa niya at inalalayan ako palabas ng taxi.
"OA mo friend basta sumunod ka nalang".
"Umupo ka wait mo lang" agad ko naman sinunod si Ria at kinapa ang upuan, nakaupo naman ako kaagad at ramdam na ang pagkabalisa.
Unti-unti naman lumiwanag kaya naman binuksan ko na ang aking mga mata agad naman ako napaluha sa nakita.
Si Killian ay may dalang gitara tapos nakaupo siya sa harapan, may karatula din ng Happy 3rd Anniversary.
Nagsimula na siyang mag gitara at kumanta, nanatili lang sakin ang titig niya na parang ako lang ang tanging nakikita niya.
You're the one that I want to be with
Never wanna be separated
I'm captivated
Everyone says you're complicated
Every day, you're my most awaited, oh
I'm captivated
Naghiyawan naman ang lahat ng nandoon kaya naman medyo natawa ako at di makatitig ng matagal kay Killian
Oh, they don't see you as I do
You are so beautiful
Come breathe within my soul
Let go
Oh, my love
You don't have to listen to a word they say
'Cause all that really matters is that I love you
I really do
Unti-unti naman siyang lumalapit sa akin at pinagpatuloy ang pagkanta
Oh, my love
You don't have to listen to a word they say
'Cause all that really matters is that I love you
I really do
Nilapag naman niya ang gitara at lumapit sa akin
"Happy 3rd anniversary satin Reese, alam ko gusto mo simple lang tayo ngayon pero gusto ko bumawi sayo kasi lagi na tayo di tulad ng dati sana pagbigyan mo ako ng pagkakataon na mabawi yung mga times na yun".
"Una sa lahat Killian Happy birthday more birthdays to come sayo and stay healthy always, at Oo naman anytime pwede ka bumawi tsaka ayos naman na tayo dun diba tsaka sulitin nalang natin lagi yung mga oras na magkasama tayo kasi Okay na ako basta kasama kita".
"Nga pala ito yung gift ko sayo sana magustuhan mo, ayoko na masyado madami sabihin alam mo naman na mahal kita and keep figthing lang sa buhay nandito lang ako lagi para sayo".
Niyakap ko naman siya ng sobrang higpit, agad naman naghiyawan ang mga kasama namin at sinigaw ang salitang kiss.
"Bawal pa, next time nalang" napabusangot naman sila kaya natawa kami.
"I love you always and forever"
"I love you too always and forever" I said and give him a soft kiss.......
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
