K-29

4.9K 114 0
                                        

Warning: R-100 char
Read at your own risk

"Ma'am okay na po ba ito?" tumango naman ako pagkatapos mabasa ang papeles.

Isang taon na ang nakalipas ng mangyari ang masalimuot na pagkamatay ng mga De Vera, ako na din ang nag mamanage sa isa sa mga company namin.

Madami na din ang naayos makalipas ang isang taon, si tita na ang sumagip sa naiwan ng mga De vera at ipinangalan na din ito sa kanila.

Malaki na din ang anak nila Ashton at masasabi kong nagmana ito sa kanya, napag alaman din namin na buntis ng muli si Trin at babae daw ito.

Sobrang natuwa naman ang lahat sa kanilang binalita, nagpakasal na din si Cleia at sila Nyko, halos lahat ng inaanak ko ay mga anak nila.

Minsan na din kami naaasar na magpakasal na din pero tanging tawa lang ang sagot namin sa kanila.

Di pa kasi tapos ang pinapagawa naming bahay at meron din kami pinapatayong resort sa isang isla, wala rin pa kaming sapat na oras ni Killian dahil pareho kaming busy sa trabaho, bumabawi din kasi kami sa kita dahil ilang taon din ang nasayang.

"Tara dinner na tayo" nagitla naman ako ng biglang magsalita sa gilid ko si Killian at ninakawan ako ng halik. Hinampas ko naman siya sa braso at nag ayos na ng gamit.

"Wala ka na bang trabaho balita ko may gusto nanaman makipag partner sa iyo" saad ko sa kanya at pumasok na sa kotse. Nagitla naman ako ng biglang tumawag si Cleia at may magandang balita.

"Saang hospital? pupunta na kami ni Ian" nagtaka naman si Killian kaya agad kong sinabi na nanganak na si Trinity.

Agad na kaming lumarga papuntang hospital at sinalubong ang bagong parte ng pamilya.
Sobrang natuwa naman kami sa pagbuhat sa bata kaya naman hinayaan na muna kami ni Trin at nagpahinga. Di naman napigilan ni Ashton na mapaluha ng makarga na niya ang kanyang prinsesa.

Di naman na nakapunta sila tita dahil naghanda sila ng hapunan sa mansion
Nagtagal pa kami ng ilang oras dahil inaayos pa ang mga gamit ni Trinity.

"Let's go na, nag aantay na sila sa mansion" agad na nagdrive si Killian pauwi.

Buhat buhat naman ni Ashton ang anak nila habang natutulog si Trinity.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din kami sa mansion, naabutan naman namin sa gate sila tita na sobrang excited na makita ang bagong kasapi ng family.

Habang busy sila sa pag bubuhat sa bagong baby ay tumulong na muna kami para makapaghapunan na. Makalipas ang ilang linggo malakas na muli si Trin kaya naman tutok na siya sa bagong baby, sobrang saya din ni Caesar at nangako na aalagaan niya ng mabuti ang princess ng family nila.

"Ma'am may ginagawa ka pa po ba?" saad ng secretary ko at mukhang kabadong kabado siya.

"Malapit na ako matapos bakit?" huminga naman siya ng malalim saka nagpatuloy.

"May biglaang meeting po kayo sa Palawan kailangan na daw po kayo doon ng 5pm" napabalikwas naman ako at napatingin sa relo 3:10pm.

"Seryoso ka? pero paano ano teka nakakaloka" di ko na alam ang gagawin ko kaya niligpit ko na ang mga gamit ko at agad ng naghanap ng elevator.

"Ma'am may nakaready na pong service sa baba tara na po" patakbo na kaming bumaba sa parking dahil ang estimate namin ay 2 o 3hrs ang biyahe, malalate ako for sure.

Agad ng pinaandar ni manong ang van kaya naman nag earphone nalang ako at di namalayan na nakatulog na pala sa byahe. Naalimpungatan naman ako dahil sa hampas ng alon, agad ako napabangon ng maalala na may meeting pala ako.

Nagtaka naman ako bakit wala si Natalie at si Manong driver, inayos ko muna ang sarili ko saka lumabas ng van. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sariwang hangin na hinahampas ang aking buhok.

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now