K-3

6.2K 164 7
                                        

"Aga aga busangot ka nanaman friend" saad niya habang naglalakad kami papunta ng room pero napatigil din kami dahil sinalubong kami ni Hades na may dalang chocolates.

"Good day miss I just want to give you a chocolate an apology because of what happened yesterday" nakangiti siya habang binibigay yung chocolate kaya naman napangiti nalang din ako at nagpasalamat.

"By the way what is your name? miss, can we be friends if it's okay to you".

"My name is Reese gui-" napatigil naman ako ng biglang umakbay si Killian kay Hades at masama ang tingin sa akin.

"Hey bro what's up?" tanong ni Hades sa kanya pero nanatili pa din tingin niya sakin.

"5mins before the bell rings, we need to hurry Reese" napakunot naman ang noo naming tatlo sa kanya.

"So your name is Reese by the way, do you two know each other" sabay lipat ng tingin ni Hades sa amin.

"Yes she's my classmate and I heard she has a crush on me" napanganga naman ang bibig ni Ria at Hades.

Samantala napairap naman ako sa ere at nakita ko nakangisi siya.

"Okay the time is running let's go now, by the way Reese nice meeting you and knowing your name" ngumiti naman ako at nagpaalam na din.

Pagkaalis ni Hades agad ko namang pinagsasapak ang braso ni Killian dahil sa inis.

Di ko pansin ang dami na palang taong nanonood sa eksena namin kaya naman hinila ko na si Ria at naglakad na papuntang room.

Di ko napansin nakasunod lang siya samin at nakangisi.

Iniirapan ko naman siya hanggang sa makaupo na siya sa tabi ko.

"Ikaw pa ang galit, I'm just saving you for being a two timer" humalikipkip siya at tumingin ng nakangisi sakin ulit.

"Ano bang two timer nanaman iyan feeling ka din ano di nga kita crush tsaka pake mo kung gusto ko si Hades" I replied rolling my eyes.

I just focused on our class but I can see every movements he make and one of it is clenching his jaw.

Sakto naman dumating na si Ma'am kaya naman nagready na ang unang presenter.

Masasabi ko magaling at maganda ang pagkakasaad nila ng bawat detalye dahil nasagot namin lahat ng tanong nila.

"Good job now tomorrow the next presenter be ready, class dismiss" pagkatapos namin magpaalam din kay Ma'am agad na akong tumayo at nag-inat muna ng konti napansin ko din na di na bumalik yung mood ni Killian simula kanina pa.

Napangiti naman ako sa naisip at napatingin sa kanya agad naman siyang sumulyap at kumunot ang noo sa akin.

"Why are you smiling? It's creeps me out like hell" lumapit naman ako sa kanya at mas lalong ngumiti.

Di naman siya umatras at natinag sa titig ko.

"Bakla ka ba?" sinamaan naman ako ng tingin ni Killian at lumapit din, agad naman akong napaatras.

Atras lang ako ng atras hanggang sa makulong na niya ako sa mga bisig niya.

"Paano mo naman nasabi?gusto mo ba halikan kita para masabi mo di ako bakla, that's chancing" umirap naman ako at tinulak siya.

Lumayo na din ako at inayos ang sarili di ko napansin wala na pala mga kaklase ko pati si Azaria wala na din.

"Kapal mo talaga ano, naisip ko lang kasi na baka gusto mo si Hades tapos nagseselos ka kasi gu-" napatigil naman ako ng bumulalas siya ng tawa.

"Are you serious? si Hades HAHAHAHAHA" tumigil siya at biglang sumeryoso ang mukha.

Nagitla din ako ng bigla niya akong hawakan at nilapit sa kanya.

"I'll just say this once you.are.the.one.that.I.like, okay no more no less" saad niya saka ako iniwang tulala sa room di ko pa din maprocess ang lahat.

"Sabi sayo inaaway ka lang ni Killian kasi gusto niya magpapansin sayo! mala-wattpad na buhay mo" napairap naman ako dahil di nakakatulong si Ria.

"Alam mo di ko talaga alam kung makakatulong ka ba o hindi sakin naniwala ka naman agad na gusto ako ng mayabang na yun" tinampal niya naman ako at ngumuya na muli ng sandwich.

"Sabi mo kanina diba bigla siya sumingit sa usapan niyo ni Hades tapos viola!" napairap naman ako at nag isip nalang muli ng malalim.

Nung nagbell bumalik na kami muli sa klase at nagsiupo na napansin ko naman wala pa si Killian kaya naman naging maginhawa ng konti ang pakiramdam ko.

"Bye see you" narinig kong saad ni Killian sa may pinto namin at may kasamang babae.

Nagitla din ako sa sarili ko dahil naniniwala naman ako sa sinabi ng mokong na yun.

Umiling iling nalang ako at tumingin nalang muli sa harapan.

"Hey did you already eat lunch?" di ko naman siya pinansin at kunwaring nagmamasid masid lang sa room.

Nagitla naman ako ng bigla niya akong tapikin at pilit na pinapaharap sa kanya.

Humarap nalang ako at sinagot siya.

"Malamang lunch break nga diba" umirap naman ako at bumalik na muli ang tingin sa harap.

"Galit ka ba?" nakangisi niyang saad sa akin habang nakahalukip ang kanyang mga braso.

"Di ako galit tsaka wag ka na nga maingay a-" napatigil naman ako ng pumasok na ang teacher namin.

Agad naman namin siyang binati at naupo na muli.

Nanghingi naman ng paumanhin si ma'am dahil nalate siya nagsimula na din siya sa pagtuturo.

Ilang oras nalang uwian na kaya naman todo na ang ngiti ko dahil antok na antok na talaga ako.

"Good job! your reports are very fine, I like it so tomorrow the next partner who will report is Reese and Killian be ready, class dismiss" nagpaalam na kami at nagsimula ng mag-ayos ng gamit.

Tinapik naman ako ni Killian kaya napatigil muna ako saglit.

"Sabay ka na sakin o uuwi ka muna" saad niya na ipinagtaka ko.

Naalala ko bukas na nga pala kami kaya naman gagawa na kami ng report.

Wala naman kasi akong choice isasantabi ko muna mga kalokohan niya.

"Uuwi muna ako send mo nalang yung address sakin alam mo naman na number ko diba" inirapan ko siya at binuhat na ang bag ko.

"Kinilig ka ba sa text ko?" nakangisi niyang saad kaya naman lalo akong naiirita.

"Ano naman nakakakilig dun, tumigil ka na nga" inis na saad ko at umalis na.

Nauna na si Ria sakin kasi meron daw importanteng lakad kasama ang pamilya niya.

Pagkalabas ko agad naman ako pumara ng taxi at umuwi na.

Pagkababa ko agad na akong pumasok sa gate at umakyat. 

Wala pa si tita dahil may importante daw siyang lakad kaya naman ako lang tao ngayon dito sa bahay.

Nagbihis na muna ako saka kumain alas kwatro imedya na ng hapon kaya naman nagmamadali na din ako dahil ayoko gabihin sa daan.

Unknown number:
Baba ka dito sa village ng ••••••••••

Sinarado ko muna ang gate saka pumara ng taxi at sinabi ang paroroonan ko.

Di ko alam bakit ako kinakabahan siguro dahil first time ko palang makikita ang bahay niya.

Nakatunganga naman ako habang inaantay na makarating sa kanila sabay na naalala ang babae kanina.

Napailing-iling nalang ako at inisip nalang ang gagawin namin.

Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating na din ako sa tapat ng bahay niya.

Halatang mayaman talaga siya,
agad naman ako nag doorbell at binuksan naman ito ng katulong, manghang mangha naman ako sa design ng bahay nila nagitla naman ako ng bumaba na si Killian......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now