K-7

3.9K 135 8
                                    

"Kain na tayo Reese" saad niya sabay lapag ng aming pagkain nandito kami ngayon sa cafeteria at todo ang review dahil mamaya ay may long test kami

5months na mula nung naging kami at masasabi ko mas lalo kami nag improve sa pag aaral eto na din kasi ang bonding namin

"Eto naman pang ilang page na tayo" saad ko habang nanguya ng aking ulam, nilipat niya naman at nagbasa na muli

Ganyan lagi ang routine namin kain ng sabay aral ng sabay uwi ng sabay di naman nakakasawa basta siya kasama

"Happy birthday Reese" bati nilang lahat sa akin agad naman ako nagpasalamat at kinuha na ang kanilang mga inihandang regalo

"Happy birthday babe" saad ni Killian sabay halik sa aking pisngi narinig ko naman ang hagikhik nila mama sa gilid kaya naman medyo nailang ako

Nandito kami ngayon sa rooftop ni Killian pinanonood ang mga stars napalingon naman ako sa kanya at ngumiti

"Alam mo wala na akong maihihiling pang iba dahil nandito ka na" nakangiti kong saad sa kanya agad naman siyang napalingon at ngumiti na din

"Alam mo di din ako naniniwala sa love na yan kasi bata pa tayo pero nung dumating ka bigla nalang nagbago lahat, sana ikaw na talaga"

"Ako na talaga kasi pag iniwan mo ako di kita titigilan hanggang sa maging akin ka ulit" natawa naman ako at bumalik na sa pag tingin sa langit

Natapos naman ang birthday ko na puno ng saya

Kinabukasan maaga nanaman ako nagising dahil lagi na ako hatid sundo ni Killian

Dito na din kasi siya nag aalmusal lagi dahil madaling araw palang wala na daw si tita kaya wala daw siya kasabay

"Good morning babe" saad niya sabay halik sa aking pisngi binati ko din siya at umupo na din para kumain pagkatapos ay agad na din kami umalis para pumasok

Pagkadating ay agad na din kami naglakad sa hallway

"Bro Miss Madelia is calling you in her office" saad ni Bry kaya naman nagpaalam muna si Killian at pinaunan na ako sa room

Nang maglakad na akong muli ay agad naman ako nagitla ng may biglang humila sa buhok ko at kinaladkad ako sa cr

"Break up with Killian or your life will be miserable as hell!" sigaw na saad sa akin ni Cassy kasama ang mga espasol niyang alipores

"And why will I do that as if I'm scared to you" saad ko sa kanya at inismiran siya nakita ko naman ang pagkairita sa kanya

"How dare you! Well then welcome to hell bitch!" sabay sabunot niya sakin, di naman ako nagpaawat kaya sumabunot na din ako

"Hey both of you stop go to the disciplines office now!" saad ni Ma'am Harper kaya naman umawat na din siya at sumunod

Napagalitan naman kami at binigyan ng warning, napasimangot naman ako at tumango nalang, di din naman naawat ang pagpapalitan ng masasamang titigan namin ni Cassy

Pagkalabas ko ng office sinalubong naman ako ni Killian at niyakap

"Are you alright di ka ba nasugatan o na-" kinalma ko naman siya at sinabing ayos lang ako

"You Cassy please don't ruin my life anymore also don't hurt my girlfriend, once I heard you hurt her again I will make you feel hell so back off" napairap naman si Cassy at tinaasan siya ng kilay

"I'm so scared Killian then let see if you can beat me, you will pay for all of this Killian" banta niya at umalis na inaya ko na din si Killian na umalis na dahil huli na kami sa klase

"Gaga lagi ka talaga pinagiinitan ng ulo nung espasol na yun" nandito kami ngayon sa cafe at kumakain na ng tanghalian

"Ewan ko ba basta di ako natatakot sa kanya" saad ko sabay subo ng spaghetti napatingin naman ako kay Killian na kanina pa tulala

"Ian kain kana ayos ka lang ba?" saad ko at hinarap sa kanya ang kutsara na may lamang pagkain

"Sorry dahil sakin nasaktan ka ni Cassy s-" sinubo ko nalang sa kanya ang pagkain dahil masyado siyang seryoso

"Baliw ayos lang ako kumain ka na wag mo na seryosohin yun" ngumiti naman siya at kumain nalang din

Ngumiti naman siya at kumain na din ng maayos, isinawalang bahala ko nalang ang nangyari kanina dahil wala naman na siyang magagawa

Pagkatapos bumalik na kami para sa huling klase napansin ko di pa din bumabalik ang sigla kanina ni Killian at parang malalim nanaman ang kanyang iniisip

Nang di nakatingin si ma'am ay agad ko siyang kinalabit at tinanong kung ayos lang siya

Tumango naman siya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay

Uwian na pero di pa din niya binibitawan ang aking kamay

Nakangiti na din siya at madaldal na muli, napangiti nalang ako sa aking sarili dahil bumalik na ang mood niya

"Halika date tayo" napangiti naman ako ng todo at agad na siyang hinila

Narinig ko naman ang mga mumunting tawa niya dahil sa akto ko

"Saan tayo magdadate?" ngumiti lang siya sakin at sumakay na sa uber

Napasimangot naman ako dahil ayaw niya sabihin kung saan kami pupunta

Agad naman ako namangha sa lugar na binabaan namin

Isang resto na malapit sa dagat at merong mga padlock's ng mga couple

Hinila niya naman ako dito at bumili ng padlock binigyan kami ng pen ng nagtitinda at sinabi ang gagawin

Magkahawak kamay kami habang sinusulat niya ang pangalan naming dalawa sa loob ng heart

Pagkatapos kinuha ko na ang susi at binuksan na, naghanap muna kami ng magandang lagayan saka nilock, nagpicture pa kami dito saka na naisipang kumain

"Gusto mo pa? Ang lakas mo kumain ng sea food" saad niya sabay lagay ng hipon sa aking plato

"Ang sarap kasi balik ulit tayo dito pag may time ulit tayo" ngumiti naman siya at kumain na muli

4pm na pero nandito pa din kami at enjoy na enjoy ang paglilibot, bumili din kami ng mga pagkain dahil sobrang sarap talaga ang mga ito, bumili din kami ng key chain na pang couple, sobrang saya namin at parang wala kaming problema

6pm na kami nakauwi, di pa nga niya dapat ako bibitawan pero sabi ko gabi na tsaka dapat sumunod pa din kami sa rules nila mama

"Good evening tita may pasalubong po ako paborito niyo po" saad ko at lumapit sa kanya na nasa kusina

"Nag abala ka pa iha pero salamat" ngiting saad niya saka kuha ng mga pasalubong ko

"Kamusta kayo ni Killian balita ko lalo kayong nagiging magaling sa pag aaral haa maintain niyo lang yun" ngumiti naman ako at tinulungan na si tita sa pag aayos ng aking pasalubong

"Ayos lang po kami tita tsaka ayaw din po namin mabigo sila mama" tumango tango naman siya, nakita ko naman ang pagningning ng kanyang mga mata dahil sa hipon

"Nako iha tataba talaga ako dahil sayo salamat, akyat ka na may pasok ka pa bukas magpahinga ka na" nag good night na ako at umakyat na

Ginawa ko muna ang routine ko saka na naisipang matulog, napatingin naman ako sa aking phone dahil umilaw ito at lumitaw ang text ni Killian

Killian:
Good night sweet dreams loveyou

Napangiti naman ako at nagreply na din pagkatapos ay natulog na din ako ng may ngiti sa aking mga labi......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now