1month na ngayon ng pagiging 1st yr highschool namin at ganon pa din naman ang ganap kaya lang di na kami ganon ni Killian na lagi nagpapatayan ng tingin.
Lagi na din namin siya nakakasama sa pagkain at pauwi akala nga ng iba kami na pero sinasabi lang namin na friends lang kami.
Si Ria naman boyfriend na si Matthew kaya naman tuwing magkakasama kami napapatingin nalang kami sa kanila dahil mas matamis pa sila sa asukal kung mag landian.
2month ng highschool ay saka na nanligaw si Killian mas lalo din kaming napalapit sa isa't isa.
Mas lalo din kami naganahan mag aral kaya naman nung lumabas na ang results ng 1st quarter ay siyang ang top1 ako naman ang top2.
3rd and 4th month ng klase naging mas matrabaho kaya naman todo ang pag-aaral namin ni Killian.
Lagi din kami sa bahay nag-aaral sabay din kaming gumagawa ng assignments and projects.
Sabay din naming sinalubong ang pasko at bagong taon pumunta din sila mama at nakilala na nila si Killian, di naman sila tutol sa panliligaw nito dahil maganda naman daw ang epekto ni Killian sa akin.
5th month ay puro naman kami play kaya lagi kami nasa praktis.
Hiwalay naman kami dahil kami ang mga lider ng dalawang panig, kakatapos lang din nun ng bagong taon kaya naman di pa kami ganon nakaget over.
6th and 7th month lumabas na muli ang results at ganon pa din naman.
Lagi pa din kami ganon at lagi pa din niya ako binibigyan ng chocolates.
"Di ka na ba naiinip kakaligaw sakin?" natatawang saad ko habang naglalakad kaming apat sa hallway.
"Di naman ako nagmamadali" ngiting saad niya kaya naman mas lalo akong napatingin naisip ko kasi sa birthday niya nalang ko siya sasagutin.
8th month mas naging determinado kami ni Killian na mag-aral ng mabuti habang patagal ng patagal mas nagiging close kami at mas nakikilala ko pa siya kung ano ba talaga siya.
Araw na ngayon ng recognition ng mga awardees kaya naman ganon nalang ang saya ko dahil siya parin ang top 1 namin.
"Congrats sayo" saad ko sabay kamay sa kanya nandito din sila mommy dahil dito daw muna sila magbabakasyon.
Stable naman na daw yung company kaya wala na silang pangamba.
"Sayo din" nagpicture naman kami at nagsihayo na sa bahay nila Killian para magcelebrate.
Mommy niya ang may pakana dahil proud daw siya para sa amin.
"Kailan mo ba balak sagutin itong anak ko?" ngiting saad ni tita agad naman nagtitinginan sila mama sakin at kinulit din ako.
"Wag na muna natin ipressure si Reese desisyon naman niya iyon" saad ni Papa napatango naman si tita at kumain na muli kasama din namin sila Ria, Matthew at family nila.
"Nako pabebe lang po yan si Reese ikinaganda mo na yan?" kinurot ko naman siya at kumain na muli.
Natawa naman sila mama kaya wala na ako ginawa.
June 11 ngayon at ito na ang araw na pinakainaantay ko.
Inimbita kami ngayon ni tita sa isang bonggang venue kung saan gaganapin ang pa birthday ni Killian.
Imbitado naman kaming lahat kaya naman kabado ako sa pasurprise ko mamaya.
"Ang ganda mo naman Reese ready ka na ba?" saad ni Ria habang ako ay nakaupo sa harap ng salamin para sa finishing touch.
"Nambola ka pa mas maganda ka naman at oo kabado na nga ako ang dami pa naman mamayang bisita" ngumiti naman siya at lumapit na sa akin.
Namangha naman ako sa pagkaayos sa akin at napangiti.
"Wag ka kabahan kaya mo yan tsaka ayaw mo ba magiging official na kayo edi bongga na" natawa naman ako at inaya na siyang bumaba kanina pa kasi kami inaantay nila Papa.
Pagkadating sa venue parang gusto ko ng umatras dahil sa dami ng bigating bisita nila naramdaman naman ni Ria na parang gusto ko ng bumalik sa kotse kaya agad na niya akong hinawakan ng mahigpit at inaya na ako maglakad.
Sumalubong naman sa amin agad si Matthew at inalalayan na si Ria sa table.
Ramdam ko na ang pangangatog ng binti ko dahil sa kaba pero mas pinanindigan ko ang plano ko.
Pagkaupo sa nakareserve para sa amin agad kong hinanap si Killian sa crowd.
Di naman ako nahirapan dahil nakikipag kamay siya sa mga tao at business partners nila.
Agad naman kaming napatayo ng sa amin naman siya lumapit, nakipag beso naman siya kila mama at binati na din siya ng happy birthday ganon nilapag naman na nila mama yung regalo nila sa table ng mga gifts.
"Happy Birthday" saad ko sabay ngiti sa kanya nginitian naman niya ako pabalik at nagpasalamat.
"Yung regalo ko sayo personal ko nalang na ibibigay sayo mamaya" ngumiti naman siya at nagpaalam na muna dahil tinawag na siya ni tita.
"Good evening ladies and gentlemen welcome to the birthday party of the heir of montereal corps. Please welcome Killian Montereal" agad naman nagbigay ng masigabong palakpakan ang buong crowd ng lumabas na si Killian.
"Thank you very much for coming i hope you all enjoy the party, thank you also for the gifts I appreciate them all have a great night everyone" nagpalakpakan naman kami muli at kumain na nasa kabilang table naman namin sila Killian kasama ang mga business partners nila.
Pagkatapos ng kainan ay nagsimula ng tumugtog ang nakakaindak na kanta kaya naman napatayo na din ang lahat at nagsayawan, inaya naman ako ni Ria kaya naman tumayo na din kami.
"Wag ka nga masyadong wild kakasimula palang" tinampal naman niya ang braso ko at hinila na ako para sumayaw kagaya niya kaya naman para kaming baliw dito hanggang sa nagsawa na kami at umupo na ulit para magpahinga,
Nagpalit na din ang music ng mabagal kaya naman di na kami muna sumayaw, nagchichikahan ng biglang inaya ni Matthew si Ria kaya naman naiwan na muli ako mag-isa.
"Pwede ba kitang ayain sumayaw Reese?" nagitla naman ako sa pag inom ng juice at lumingon kay Killian.
"Oo na" saad ko at tumayo na ngunit bigla akong nadulas kaya naman sinalo niya ako at tila tumigil ang ikot ng mundo na parang kami lang dalawa ang tao.
"Ayos ka lang?" saad niya habang nakahawak pa din sa bewang ko agad naman ako tumayo ng maayos at tumango.
Naglakad naman na kami sa gitna at nagsimula na sumayaw sa buong pagsasayaw namin ay tanging siya lang ang nakikita ko para kaming nasa isang lugar na kami lang ang nakakaalam.
Pagkatapos ng sayaw ay ang pagbubukas na ng mga regalo kaya naman nagpunta na sa gitna si Killian at nagsimula ng magbukas, todo naman ang kanyang pasasalamat sa kada bukas niya ng regalo.
Alam na ng MC ang plano ko kaya naman mamaya ay tatawagin niya na ako para sa aking surpresa.
"Thank you miss Anderson for this gift" saad niya sabay pakita ng huling regalo kaya naman mas lalo na akong kinabahan.
"And now for the most awaiting gift please welcome miss Reese Mendoza" agad na akong tumayo at lumapit kay Killian nakita ko naman kunot noo niya akong pinagmamasdan kaya naman medyo natawa ako at nagpatuloy sa paglakad.
Binigay na sa akin ng MC ang mic at iniwan na kami ni Killian sa gitna.
"Anong ginagawa mo Reese?" bulong na saad niya sakin ngumiti naman ako at hinarap na siya.
"Killian It's been a while since you courted me and its time to make you stop it now because i'm answering now your long time question to me and it's yes" agad naman naghiyawan ang crowd, gulat na gulat naman si Killian dahil sa kanyang nalaman.
"And this is my gift wear this everytime, it's a couple bracelet reminds you that starting today we will be one now and forever" napanganga naman siya kaya naman ako na ang nagsuot sa kanya, nakatulala pa din siya at tila di pa din naiproproseso ang lahat.
"Ako na magsusuot sayo" saad niya ng susuotin ko na sana yung bracelet, muli namang naghiwayan ang crowd at todo ang congrats sa amin.
"I love you" bulong na saad niya sa aking gilid kaya naman napatingin din ako sa kanya at nilabi ang salitang.
I love you too......
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
