K-9

4.7K 128 4
                                        

"Reese gising na nandito na tayo" agad naman nagising ang diwa ko dahil sa tapik ni mama.

Agad naman ako napatingin sa salamin at namangha dahil first time ko palang makakapasyal dito.

Pagkababa ng eroplano ay agad na kami nagkanya-kanyang bitbit ng maleta at labas.

Napahinga ako ng malalim at dinama ang lamig ng lugar.

Nakangiti namang nakatingin sakin sila mama at inaya na ako papunta sa hotel na tutuluyan namin.

Pagkadating namin may sumalubong na agad na mga receptionist at sinamahan na kami sa magiging kwarto namin para makapagpahinga na muna.

Mamayang 6pm ay mag-didinner daw kami nila mama kasama yung mga business partners namin kaya naman may 4hrs pa ako para makapahinga.

Busog pa naman kami kaya di na muna kami naglunch at tumuloy na para magpahinga.

Agad naman ako namangha sa laki at ganda ng kwarto.

Inayos ko na ang mga damit ko saka nagpalit ng damit.

Agad ko namang tinawagan si Killian at sinabi na nakarating na kami ng maayos, tumagal pa ng kalahating oras ang pag uusap namin ng magpaalam na siya dahil may aasikasuhin.

Di ko namalayan nakatulog na pala ako at 4:30pm na bumangon na ako para mag ayos sakto naman pumasok si Mama na bihis na.

"Tulungan na kita mag ayos anak" ngumiti naman ako at nagbihis na muna sa banyo.

Pagkalabas ko nakita ko si mama na inaayos na ang make up at accesories na gusto niya ipasuot sa akin.

"Ayan mas lalo ka ng gumanda, dalaga ka na talaga anak" ngumiti naman ako at nagpasalamat kay mama.

Tumayo na kami at lumabas na para pumunta na sa dining ng hotel, sakto naman ay lumabas na din si papa sa kwarto nila kaya sabay sabay na kami bumaba.

Pagkadating namin madami na agad tao sa mahabang lamesa kaya naupo na kami, medyo naiilang pa ako dahil first time ko lang makikilala mga kasyoso nila mama sa negosyo kaya naman di ako nagsasalita.

"Ito na ba ang anak niyo dalaga na, ano name mo?" saad ng magandang babae sa tapat ko.

"Reese po ma'am" ngumiti naman siya at naglahad ng kamay.

"Angel Precious Miller" tinanggap ko naman ang kamay niya at ngumiti din.

"Ito nga pala ang anak ko si Tobias Casteriel Miller" ngumiti naman yung anak niya at naglahad din ng kamay malugod ko naman itong tinanggap.

Maputi,mapupungay na mata, matangos na ilong at may mapupulang mga labi, matipuno din ang kanyang tindig, yan ang physical appearance niya.

"Ang ganda mo hija sayang nakatakda ka na pala sa iba may balak pa naman sana kami ng parents mo na iarrange kayo ni Tob kaso may nauna na pala congrats nalang" nakangiti niyang saad pero malungkot ang tono niya.

"Nako! wag na po kayo malungkot marami pa naman po babae na pwede ipares sa anak niyo" nakangiti kong saad narinig ko naman ang pagsinghal ni Tob at uminom ng tubig.

"Pero bet kasi kita maging daughter-in-law kasi sabi ng parents mo mabait ka daw tapos independent pa bagay na bagay ka sa anak ko" medyo nailang naman ako pero ngumiti nalang ako at nanghingi ng paumanhin.

"Ilang taon ka na ba? Si Tob kasi 18 na siya" nagitla naman ako dahil 18 na pala siya kala ko kaedad ko lang pero base sa tindig niya mukha na nga siyang mature.

"16 palang po ako" napanganga naman siya at si Tob naman ay napatitig sa akin na parang may malalim na iniisip.

"Ang bata mo pa pala pero grabe kung, ako parents mo super matutuwa talaga ako balita ko top notcher ka din daw ang galing" aliw na aliw na saad ni Mrs. Angel.

Napangiti nalang ako dahil nahihiya ako.

"Angel kamusta mukhang nagiging close mo na anak ko, kamusta na Tob?" saad ni papa.

Pati si mama natuon na ang pansin sa amin kaya naman mas tumagal ang usapan kasama sila.

"Tob ipasyal mo naman si Reese, first time niya lang dito pero di ka namin pinipilit i-" pinutol na agad ni Tob ang sinasabi ni Papa.

"Okay po tito di din naman po ako busy, bakasyon pa naman po kaya magandang sulitin din ni Ms. Reese yung France" nakangiting saad niya at kumain na muli.

"Nako salamat hijo, super busy talaga kasi namin" saad ni mama at hinawakan ang kamay ni Tob.

"Pasensya na kung di namin maiaarrange sayo si Reese naunahan ka na kasi pero di bale makakahanap ka din ng para sayo" ngumiti nalang si Tob at sinabing ayos lang daw iyon sa kanya.

Pagkatapos kumain inaya ako ni Tob sa veranda, sila mama naman andun pa din sa dining kausap ang mga kasyoso nila.

Nalaman ko din na yung nasa gitna ang pinaka malakas sa kanilang lahat.

Kasama din daw yung montereal corps kaso di daw nakapunta si tita dahil busy daw ito nagpaabot na lamang ito ng mensahe at nagpasalamat.

"So dapat pala kuya ang itawag mo sakin kasi mas matanda ako sayo" malokong ngiting saad niya sakin.

Napahinga naman ako ng malalim at sinabi ang salitang kuya natawa naman siya kaya medyo napangiti na din ako para kasing nagkaroon ang bigla ng kuya.

Nagtagal pa kami ng dalawang oras doon at puro tawa naman kami dahil palagi siyang nagpapatawa akala ko nga seryoso siyang tao pero di pala.

Tinanong ko din kung may girlfriend na siya ang sabi niya kaka-break lang daw nila.

Medyo naging mabigat din ang hangin dahil sa kwento niya.

Kinabukasan maaga palang gising na ako dahil inaya ako ni kuya Tob na mag jogging para daw malibot namin yung plaza.

Naging maginhawa naman ang umaga ko. Nagstop din kami sa isang cafe para mag umagahan.

Sobrang mangha naman ako dahil ang ganda ng paligid lagi pa nakangiti si Tob kaya naman nahawa na din ako sa pagiging masiyahin niya.

Pagkatanghali nagpahinga muna kami bago pumunta sa cathedral mas maganda nga ito sa personal kaya naman madami akong nakuhang pictures at naipost sa aking social media accounts.

Pagkahapon, dinala niya naman ako sa Louvre Museum, at masasabi ko ngang napakaganda talaga sa personal ang mga dating nakikita ko lang sa pictures.

Madami din ako nalaman mula sa kanya tungkol sa mga kwento at history ng mga pinuntahan namin.

Buong linggo yun lang ang ginagawa namin, sa buong linggo na yun mas nakilala ko si Tob kung ano ba talaga ugali niya at masasabi kong ideal nga siya ng mga babae pero ewan ko ba bakit pa siya iniwan nung babae.

Di ko din nakakalimutan tawagan si Killian naikwento ko din sa kanya si kuya Tob.

"Mag iingat kayo sa susunod muli" saad ni Mrs. Angel nasa tabi naman niya si Tob.

"Goodbye kuya hanggang sa muli di ko po makakalimutan mga tinuro mo" ngumiti naman siya at nagpaalam na din.

Pagkatapos ng pagpapaalam agad na kami sumakay patungo airport para makauwi na.

Kanina pa din ako text ng text kay Killian pero di pa din siya nasagot kaya naman natulog nalang ako dahil baka busy lang siya.

Pagkadating sa airport ng US agad na akong bumaba dala ang mga bagahe tinulungan naman kami ng sundo kaya nakaalis na kami agad pauwi.

Tahimik lang akong nagmamasid ng biglang napasigaw si Mama kaya naman napatingin kami dito.

"Nasa ospital daw sila tita Anastasia mo" nanlaki naman ang mata ko at nagpanic na din agad naman inutos ni papa na idala kami sa sinabing ospital.

Nanginginig at doble doble na ang tahip ng dibdib ko habang papunta na kami gulo na gulo na din ang isipan ko dahil sa kaba at pag aalala, sana walang masamang nangyari........

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now