"Very good Mrs. Mendoza, okay class dismiss" ngumiti naman ako saka niligpit na ang laptop at projector na ginamit ko sa presentation.
Di na ako nagulat ng buhatin na ni Tob ang iba pang gamit.
"Kung ako sayo Reese sasagutin ko na si Calix" bulong ng isa kong kaklase at umalis na.
Nagkatinginan naman kami ni Tob at natawa nalang.
Nagpunta na kami ng cafeteria para kumain ng bigla kami harangin ni Chase na matagal ng nanliligaw sakin.
"Reese pwede ba tayo mag usap?" saad niya ng may masamang tingin sa amin.
Agad naman ngumiti si Tob at sumenyas na sumunod nalang.
"Wala na ba talaga ako pag asa sayo? Sabi mo di naman nanliligaw sayo si Calix pero parang kayo?".
"Chase diba sinabi ko naman na sayo na bawal pa ako magkaboyfriend tsaka di ko din priority yan kaya tigilan mo na ako madami pang iba".
"Pero ikaw nga gus-" di ko na siya pinatapos dahil paulit-ulit nalang siya at nakakarindi na.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil di na niya ako sinundan.
Nakita ko naman na agad si Tob na kumakain habang may binabasa.
Umorder na muna ako saka umupo na sa tapat niya at kumain na din.
Sinilip ko din kung ano pinagkakaabalahan niya pero agad niya ito itinago at ngumiti sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinuri siya para bang kabado siya at ayaw niya malaman ko ano yun.
Makalipas ang ilang oras nakauwi na din kami pero nababagabag pa din ako sa tinatago niya.
"Mga anak kain na tayo pagod na kayo tara na".
Agad na kami naupo at kumain na, nag-uusap naman sila mama sa plano nilang pagpapagamot kay papa pagkatapos ko mag aral.
"Pero sapat na ba ang pera mo para sa pagpapagamot, kung may kulang dadagdagan ko n-" pinutol na agad ni mama si tita at sinabing wag na galawin ang kanyang ipon.
Nagpresinta din si Tob na tumulong pero di pumayag si mama kaya naman wala na sila nagawa.
Kinabukasan naging busy nanaman kami lahat dahil malapit na ulit ang finals at dalawang taon nalang gagraduate na kami kaya naman di ko hinahayaan na bumagsak ako sa kahit ano mang course.
"Mrs. Mendoza again got the highest score second is Mr. Grey, Congrats again!"nagpalakpakan naman ang lahat at nagsitayo na.
"Push niyo na yan hanggang graduation, goodluck sa inyong journey" saad ni ma'am sabay tapik ng aming mga balikat.
Nagpasalamat naman kami at nagpunta na sa cafeteria.
"Ano na plano mo after graduation?" tanong ko kay Tob habang nakain ng fried chicken.
"Tutulungan sila Mommy sa company and syempre babawian ko yung nambanta sa amin".
"Sino ba kasi sila nakakaloka kayo ako nalang walang alam".
"Basta malalaman mo din sa huli kung sino, ang mahalaga sila tita nalang ang alalahanin mo kaya ko na ito".
"Sige, basta mag-iingat ka nalang at sana magtagumpay ka mapabagsak kung sino man sila".
Pagkabell bumalik na kami sa huling klase at nagpasya na mag palipas ng oras sa labas ng UST.
Madami napagkakamalan na kami dahil magkasama kami lagi pero marami din naman naiisip na kaibigan lang kami.
Isa din sa sikat si Tob dahil bukod sa pogi na siya magaling sa academics at sports pa.
Matagal na din ng lumipas ang issue ng pamilya namin kaya naman humupa na din ang balita.
Ipinatigil na din ni papa ang pagpapaimbestiga dahil sayang lang daw ito sa pera at wala naman na din daw kami mahahabol pa.
"Again our 1st honor Ms. Mendoza, Congratulations" saad ng MC at palakpan ng mga tao ilang buwan nalang 3rd yr na kami.
Isang taon nalang malapit ko na maabot ang pagbangon naming pamilya.
Matapos ang recognition agad na kami nilapitan nila mama at niyakap ng mahigpit.
Napansin ko naman naiiyak si mama.
"Ma bakit ka po umiiyak di ko pa naman graduation".
"Proud lang ako sayo anak kahit walang wala na tayo pinagpatuloy mo pa din ang pag-aaral at di ka manlang nagrebelde sa amin napakaswerte namin sayo".
"Si mama naman wag ka na madrama tsaka para din po sa inyo ito, tara na po kain tayo sa labas".
Agad na siya nagpunas ng luha at naglakad na din papuntang kotse ni Tob.
Ngayong bakasyon naging abala ako sa pag oonline selling.
Naisipan namin ito ni tita pandagdag sa planong pagpapagamot kay papa sa ibang bansa.
Di payag si mama nung una pero nakumbinsi ko naman siya sa huli at minsan nagbebenta din sa mga kasama niya.
Meron din nagbibigay ng unting tulong samin.
Minsan nagpapakilala sila bilang dating empleyado nila mama na nais tumulong kay papa.
Si Tob naman pansamantalang nangibambansa para makasama ang mga magulang.
Di na daw sila pinakialaman nung nambanta sa kanila dahil ilang taon na din ang lumipas.
Naging mabenta ang pagtitinda ko kaya naman medyo nakaipon din ako ng malaki.
Unti-unti naman na nakakarecover si papa pero nais sana ni mama na mapagawa ng artificial na paa si papa para naman di siya habambuhay na nakaupo lang sa wheel chair.
Makalipas ang dalawang buwan balik eskwela na ulit kami ni Tob, dalawang linggo palang ang nakalipas ng makauwi siya dito kaya wala pa siya sapat na pahinga dahil may inasikaso din pala siyang business sa Korea.
"Tomorrow prepare the presentation, Class dismiss" agad na kami bumati at nag ayos ng gamit.
Di na ako kinulit ni Chase at balita ko may bago na daw ito nililigawan.
Masaya naman ako dahil di na siya aasa sakin.
"Nakakainis talaga yung babae na yun" saad ni Tob habang papunta kaming cafeteria.
Natatawa naman ako sa itsura niya dahil kanina pa siya nakabusangot.
"Bakit lagi mo pa siya bukambibig kung naiinis ka?" saad ko at tingin ng nakakaloko sa kanya nag iwas naman siya ng tingin at bumalik sakin ng matalim ang tingin
"Nasa kanan lang pala natin siya kainis ang sama ng tingin sakin siya na nga maswapang siya pa ganyan".
"Mayabang nga ano ka ba nabobo ka na sa babae lang nako Calix crush mo siya" umirap naman siya at kumain na muli.
Mukhang may nakabihag na ng puso ni Tob nakakaexcite malaman pano siya mainlove......
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
