K-8

3.9K 136 4
                                    

"With an average of 97.95 our first honor Killian Jasper Montereal" saad ng mc saka palakpakan ng buong crowd, agad namang umakyat sila tita para sabitan ng medalya si Killian

Recognition namin ngayon bilang second year highschool at ilang buwan nalang third year na kami parang kailan lang magka away pa kami ni killian

"Congrats sa inyo kayo na talaga ang smart couple" saad ni Ria na kasama si Matthew

May honor din naman sila 4&5 kaya masaya din ako para sa kanila

"Congrats din sa inyo ano tara na kainan na sa bahay" saad ko at inaya na ang lahat, pagkadating namin sa bahay ay nakahanda na ang mga pagkain kaya naman kanya kanya na din kami ng pag-upo

Katabi ko si Killian at nasa tapat naman namin si mama at tita, masaya ang lahat dahil sa mga na aachieve namin

Di na din ganon kaistress sila mama dahil okay na ang company at pwede na daw sila magbakasyon lagi

Sariling sikap at pagod ang inilaan nila mama sa company dahil ayaw daw nila may madamay pang iba

Nag offer kasi si tita anastasia na tumulong pero nag resist sila dahil baka sila tita naman daw ang balikan ng mga nang modus sa kanila

"So ano iarrange na ba namin kayo?" saad ni papa habang natawa agad naman umiling si Killian at umayos ng upo

"Wag na po tito gusto ko po ako na ang kikilos sa usaping iyan tsaka bata pa po kami tulad ng sabi niyo" ngumiti naman silang lahat

"Binata ka na talaga iho alam mo na ang mga dapat gawin kaya buong puso ko pinagkakatiwala si Reese sayo" ngumiti naman si Killian at nagpasalamat

Nagpatuloy naman ang kanilang mga kwentuhan habang kami naman ay kain lang ng kain

Pagkatapos nag aya naman sila tita na uminom sa may garden, maganda ang panahon dahil di maaraw at mahangin, nagpalit na muna ako saka bumaba na muli

Nakita ko naman si Killian kasama sila Matthew at nagtatawanan

"Double date tayo may bagong movie na ipapalabas ngayon ano G kayo?" nagkatinginan naman kami ni Killian at sumang ayon na din

Nagpaalam muna kami saka nag handa, umuwi muna sila Azaria para magpalit ganon din si Killian

Pagkababa ko ay nakita ko na agad si Killian sa baba suot ang niregalo ko sa kanyang polo na kagaya ng design sakin

Mga ilang minuto pa ang lumipas dumating na din sila Azaria, nainggit pa samin kasi daw parehas kami ng damit ni Killian

"Nakaka inis na kayo minsan lagi kayong planado agad sarap niyo sampalin tara na nga" tumawa naman kami at lumabas na din

"Ingat kayo mga iha iho wag magpapagabi sa daan" tumango naman kami at lumabas na sakto naman dumating na ang uber kaya naman lumarga na kami

Alas dos palang ng hapon ngayon kaya naman matagal tagal ang oras namin
Pagkadating sa movie theater ay pumila na agad kami sa bilihan ng ticket sabi ni Azaria maganda daw yung palabas dahil sikat daw ito ngayon

Bumili na din kami ng popcorn at coke habang nag aantay, ilang minuto ang lumipas pumasok na din kami at naupo na sa gitna

Naiyak naman kami dahil ang kwento ay ang paghihiwalay ng mag kasintahan dahil ayaw ng mga magulang nito ang kasintahan pero sa huli naging silang muli at pinili nalang na manirahan bilang simpleng mga tao kesa maging marangya pero di mo naman kapiling ang tunay na tinitibok ng puso mo

"That's what you call unconditional love, ang ganda diba" tumango tango naman ako habang nagpupunas pa din ng luha

Nandito kami sa washroom at nag aayos ng sarili

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now