K-14

4.3K 107 1
                                        

"Next group tomorrow, report the 5 greek gods I signed on you, Class Dismiss" agad naman ako nag inat dahil sa tuloy tuloy na klase, 4th yr na kami ngayon kaya naman excited na kami ni Azaria sa pagpili ng course.

"Tara na lunch na tayo" saad ni Killian, agad ko na tinapos ang pagligpit ng gamit at sumama na sa kanya.

"Ilang months nalang senior na tayo ano nakapili na ba kayo ng course niyo ni Killian? Kami ni Matt about business".

"Obviously, business din" sabay tampal ko ng braso niya.

"Oo nga pala sorry naman naloloka na kasi ako sa lessons natin Math palang ikakamatay mo na".

Natawa nalang kami at sakto naman dumating na ang pagkain kaya naman kumain na kaming apat.

"Goodbye gawin mo na mga assignments natin sorry di kita matutulungan kasi may pinapaasikaso si Mommy" saad ni Killian habang nakapark ang kotse sa tapat ng bahay namin.

"Ayos lang yun tsaka kumain ka baka di ka nanaman kakain ng maayos, Bye. I love you!".

"Bye, I love you more!" saad niya saka sakay na sa kotse.

Nakita ko naman si tita sa salas at mukhang problemado agad ko naman siyang nilapitan at tinanong.

"Tita ayos lang po ba kayo?" nagitla naman siya sa malalim na pag-iisip at lumingon sa akin.

"Medyo lugi ako ngayong mga nakaraang linggo, ewan ko ba" inalo ko naman si tita at nalungkot din sa nangyayari sa shop niya.

Nagitla naman kami ng biglang napatawag sila mama.

"Anak dadalaw kami dyan bago matapos ang school year mo, goodluck anak! galingan mo as always, nga pala paki sabi sa tita mo tutulungan namin siya goodbye na muna, usap kami mamaya".

"Sige mama ingat kayo lagi ni papa, I love you"nagpaalam na din siya kaya pumanhik na kami ni tita para matulog.

Kinabukasan,tamad na tamad ako kumilos dahil madaling araw na ako natulog kakabasa sa background ng negosyo ni tita, kilala siya dahil sa galing niya sa pagdedesign kaya nakakapagtaka na bigla siyang nalugi.

"Hey Babe! ok ka lang ba?kanina ka pa wala sa sarili mo" saad ni Killian habang nandito kami sa cafeteria naglulunch.

"May problema lang pero kaya na namin, ikaw kamusta yung training mo bilang CEO?".

"Ayos naman tsaka sabi nila mommy di daw ako mahirap turuan kasi fast learner naman ako".

"Yabang mo! tara na 3mins nalang magbebell na" saad ko kaya nagmadali na kami kumain at bumalik na sa klase.

"Good job everyone, Class dismiss" binati na din namin si ma'am at naglipgit na ng gamit.

"Tara date tayo sa m-" napatigil naman siya ng mag ring ang cellphone niya.

"Babe ano kasi di na t-" pinutol ko na siya at pinauna na alam ko naman na kasi sasabihin niya.

"Ano iniwan ka nanaman? nako mamaya may babae na yan kung ako sayo mag iimbestiga na ako" saad ni Ria na nasa tabi ko na pala kasama si Matt.

"May tiwala naman ako sa kanya Ria kaya wag na mag imbestiga pang oa lang yun".

"Ikaw bahala basta ako nagdududa na talaga ako".

Isinawalang bahala ko nalang at inaya na sila umuwi.

Pagkadating sa bahay nakita ko si tita na nagluluto pero di pa din nagbabago ang kanyang stressed na mukha.

Nirefuse niya kasi yung tulong nila mama dahil may binabayaran pa daw kami malaking utang, nalungkot naman si mama pero di na niya pinilit si tita.

Makalipas ang ilang buwan medyo bumabalik na ang kita ni tita pero di na ganon kalaki kagaya dati.

Malapit na din ang finals namin kaya naman busy na kami muli, si Killian naman lagi nalang puyat dahil sa company nila nanghihina nanaman daw kasi si tita kaya siya nanaman ang bahala sa company.

Naiintindihan ko din naman siya dahil tinutulungan ko din si tita sa pagdedesign ng bagong damit na magiging mabenta muli.

Nandito kami ngayon ni Killian kung saan namin nilagay yung padlock, ito lang din ang muli naming date makalipas ang mga buwan dahil pareho kaming may inaasikaso.

"Kamusta yung negosyo ng tita mo" saad ni Killian napalingon naman ako sa kanya.

"Ganon pa din pero unti-unti na din namin naibabalik, ikaw kamusta si tita sabi niya wag ko na daw siya dalawin kasi daw malapit na finals natin tapos nakwento mo din yung tungkol kay tita".

"Oo gusto sana tumulong ni mommy kaso nagrefuse daw tita mo".

"Feel kasi ni tita dagdag problema pa daw siya tsaka ayaw niya daw may madamay pa sa problema niya".

Nanatili pa kami ng ilang minuto at naisipan na din umuwi.

"Goodnight, I love you" saad niya sabay halik sa pisngi ko.

"Goodnight din I love you more".

Pagkadating sa bahay naka dim lights na ang salas at kusina, malinis na din ang lababo hudyat na kumain na si tita.

Sinara ko na ang pinto at agad na pumasok,nang mapadaan ako sa kwarto ni tita naririnig ko ang mumunti niyang mga hikbi, gusto ko sana siya lapitan kaso di ko nalang tinuloy dahil kailangan niya ng privacy.

Makalipas ang ilang linggo ay finals na ngayon kaya naman kagabi todo review na ako.

Naka limang exams na kami at tatlo nalang ay uwian na, next week pa malalaman ang results kung nakapasa ba kami o hinde, todo ang dasal namin ni Ria na sana pasado kami.

"Nakakaloka buti nalang tapos na next year nanaman babalik ang stress at mas nakakaloka na talaga yun kasi senior na us".

"Ang ingay mo love di ka nalang kumain" napairap naman si Ria kay Matt at kumain na muli.

Nagkatinginan naman kami ni Killian at ngumiti sa isa't isa, pagkatapos kumain naglakad na kami para umuwi, nang biglang may nagtext kay Killian.

Cassy:
Celebrate tayo mga kabatch bukas paki message nalang classmates mo, my treat.

"Punta tayo bukas babe" tumango nalang ako at simpleng umirap.

"Anong meron friend?" sinabi ko naman kay Ria ang sinabi ni Cassy, gaya ko napairap din siya at inaya na din si Matt sayang libre daw.

Kinabukasan, di agad ako bumangon dahil sa sakit ng ulo ko. Naulanan kasi kami dahil walang payong kaya ngayon masama ang pakiramdam ko.

Agad naman ako nagtext kay Ria at Killian na di ako makakasama.

"Di nalang ako sasama sa kanila nakai-" pinutol ko na agad si Killian at sinabing ayos lang ako binaba ko na din ang tawag.

Pinilit ko naman bumaba kahit nahihilo ako, agad naman ako napansin ni tita at inalalayan na ako papuntang kusina para kumain.

"Sure ka iiwanan muna kita dito mamaya pa dadating sila mama mo".

"Ayos lang po ako tita napainom niyo naman na ako ng gamot, salamat po".

Nag-aalinlangan pa siyang umalis pero napilit ko na din siya sa huli, nandito lang ako sa sofa nanonood ng movie ng biglang dumating sila mama agad naman nila ako niyakap at tiningnan ang temperatura ko.

Buong araw nandoon lang ako sa kwarto at nagpapahinga pinagbawalan din ako nila mama sa gadgets dahil mas lalo daw sasakit ulo ko...

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now