K-16

3.3K 106 0
                                    

Makalipas ang ilang araw nakarating na din kami sa pinas ni Tob

Ramdam mo na agad ang init ng panahon at paninibago dahil ito ang una kong pag uwi makalipas ang ilang taon

"Hahatid muna kita sa bahay niyo dahil ilang beses na ako nakabisita dun at tutulungan na din kita sa mga bagahe mo"

"Salamat di ba kita maaabala tsaka baka may mga spy yung nambanta sa inyo"

"Wag ka mag alala pakalat kalat mga bantay ko pero usual lang din sila para di halata di din kami kampante ni dad na tatantanan kami agad nung mga yun"

"Sino ba kasi sila" iritadong saad ko dahil pang limampung beses ko ng tanong ito sa kanya ang sagot niya lang

"Malalaman mo din pero sa ngayon di na muna tanging payo ko lang mag ingat ka nalang at lagi mo subaybayan ang pamilya mo"

Tumango tango nalang ako at sumakay na sa kotse nila

Sinave ko muna mga numbers nila mama saka ko pinalitan ang sim ko ayoko na din kasi macontact pa ni Killian di ko pa kaya kausapin siya

Nagtext na ako kay mama na uuwi saglit saka dadalaw sa hospital

Di pa din daw nagigising si Papa kaya naman di pa din siya iniiwan ni Mama

Makalipas ang ilang oras natapos na din kami ni Tob at nakakain na din sa bahay

Nandito pa din sila manang na dati pang naninilbihan sa amin sobrang tuwa niya dahil nakauwi na daw ako

Nandito na kami ngayon sa tapat ng hospital at umakyat na sa room ni papa

"Mama kamusta si Papa kumain na po ba kayo?" agad naman lumapit si Mama at niyakap ako

Narinig ko naman ang mumunti niyang mga hikbi

"Anak di ko na alam ang gagawin ko kakapunta lang ng accountant natin at sinabi kinuha daw ng mga inutangan namin ang pera nag agree naman sila na matagal pa namin mabubuo ang bayad pero bigla nalang daw nila pinagkukuha ang pera namin at umalis na sa company natin"

Nagulat naman kami pareho ni Tob sa binalita ni Mama

"Tanging ipon nalang namin ng papa mo ang meron tayo na bank crupt na din ang kompanya natin, may nagbigay na ng letter sa amin na ipasara na ito kung di na namin kaya"

"Pero mama papasara mo nalang ng ganon ganon baka magalit si papa"

Umiyak nalang siya at umiling iling

"Makukulong kami kapag pinilit pa namin iyon pwede kami kasuhan kung uutang nanaman kami"

"Pero mama pano pag nagalit si papa paano kung a-"

"Reese! Wag na natin pilitin ang mahalaga ligtas tayo at mabuhay nalang tayo ng payapa, walang wala na tayo please lang anak di ko na din alam ang gagawin ko ayoko din naman pero ayoko masira ang pamilya natin dahil lang sa pera"

Naiyak nalang din ako at niyakap si mama, isinusumpa ko na ang araw na ito, kahit kailan di ko na maaalala pa ang mga masasayang ala ala sa tuwing sasapit ang araw na ito

Naghapunan naman kami sa malapit na fast food at inantay ang iba pang results ni papa

Nagplano naman kami ni Tob kung saan mag aaral dahil start na ng klase dito sa pinas

Makalipas ang isang linggo naging okay naman na ang pag aaral ko at nagkaroon na ng mumunting kaibigan

Kaklase ko din si Tob kaya di din kami nahirapan sa unang araw namin pineke din niya ang age niya at report card para daw mukhang makatotohanan talaga

Nagising na din si papa pero mahina pa din siya iniimbestigahan na din ang aksidente at hinahanap na ngayon ang nakabangga kay papa

Nag away pa sila dahil sa pagkilos ni mama ng di pa nahingi ang opinyon ni papa pero sa huli nagkaayos na sila at nagpaplano na ngayon kung pano ulit makakabangon

Nabawasan ng 80% ang ipon ni papa dahil nagbigay sila ng huling pasahod sa mga empleyado nila pati kila manang saka sila hinayaan na marami ang nalungkot pero wala na sila magagawa

Di daw nila makakalimutan ang kabutihan nila mama sa kanila at handa pa din tumulong ano mang oras

Nagitla naman kami sa paghahapunan ng biglang dumating si tita dala dala ang mga maleta niya

"Sus maria sintisima Elizabeth bakit ka napauwi dito ng wala sa oras!" nag aalalang saad ni mama at pinaupo si tita tumulong naman ako magbuhat ng bagahe ni tita kasama si Tob

"Pinasara na ang negosyo ko ewan ko biglaan din tapos kinuha nila yung bahay ko bilang bayad dahil wala na din ako pera ang sakit kasi ilang dekada ng tinayo ko iyon tapos mawawala lang na parang bula"inalo naman ni mama si tita na umiiyak na at puno ng sama ng loob

Kinabukasan sabay nanaman kami muli ni Tob pumasok

Umalis naman si mama para maghanap ng trabaho at si tita naman ang bantay kay Papa

Makalipas ang ilang buwan, recognition na namin ngayon at ako ang top1 sa klase

Super proud naman sila mama, sila na din ang nagsabit ng medal ni Tob dahil di siya pwede puntahan ng parents niya

"Nakakaproud kayo mga anak nako pag igihan niyo lang iyan parati" napangiti naman kami kay mama at niyakap siya

Parehas na sila nakahanap ni tita ng trabaho kaya naman busy na din sila parati samantala si Papa naman nakakaya na kumilos mag isa kaya naman naiiwan na din siya ni mama

Pagka grade12 ko todo pokus na ako sa pag aaral para makapasa bilang scholar sa UST nais ko din kasi mabawasan ang gastusin nila mama dahil paubos na ang natitira nilang ipon sa gamot at therapy ni papa

Kada buwan naman natawag sila Azaria at pinapakita sakin ang mga natatamo nilang awards

Nalungkot siya ng una dahil sinabi ko na di na ako babalik doon pero sa huli naintindihan naman nila at tinanggap nalang

"Sa wakas tapos na tayo" saad ko sabay nag inat dahil dalawang oras kaming nakaupo kakagawa ng report namin sa physics

"Tara kain na tayo" inalalayan naman ako tumayo ni Tob at pumunta na ng kusina nila

Dito na namin naisipan gumawa dahil mahina ang net namin sa bahay

"Reese wag ka masyado magpakapagod sa pag aaral makakapasa ka naman tiwala lang tsaka nandito naman ako para tumulong sayo"

"Salamat at lagi ka nanjan promise babawi ako sayo kahit ano pa hilingin mo tutuparin ko"

Napangisi naman siya at lumapit sa akin

"Pano kung hilingin ko pakasalan mo ko gagawin mo ba?" napairap naman ako at kumain na muli

"I'm just kidding alam ko namang mahal mo pa din si K-" pinutol ko na ang sasabihin niya at sinubuan na siya ng pagkain

"Manahimik ka na at kumain nalang masyado ka ng madaming alam" ngumuya naman na siya at pinagpatuloy na ang pagkain

Dalawang taon na pala ang nakakalipas

Ano na kaya siya ngayon siguro kasal na sila ni Cassy sana masaya na sila, nung una di ako sanay na wala siya sa tabi ko pero habang lumilipas lagi ang mga araw unti unti ko na napagtanto na pinagtagpo lang pala kami pero di itinadhana......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now