"Akala ko pa naman mabait yung babaeng yun mas demonyo pa pala kay satanas ang kapal pa niya sugurin ang pamangkin ko".
"Kalma Elizabeth, nangyari na ang mahalaga ngayon makulong sila mag ama aba di ako papayag na ganon ganon nalang muntikan ng mamatay ang asawa ko".
"Killian, ano bang plano mo? tutulungan ka namin" mahinahong saad ni papa sa kanya.
"Mag ingat nalang po kayo at magkita nalang po tayo sa korte" tumango naman sila mama at pinakinggan pa si Killian tungkol sa imbestigasyon.
Pinakita din namin ang mga papeles at ibang proweba sa kanila, ramdam ko naman ang nagtitimping galit nila tita sa mga De vera.
Makalipas ang dalawang araw nabuo na din ang lahat ng proweba at inaayos na ang sinagawang plano ni Killian.
Napag alaman kasi namin na ngayon babalik si Cassy dahil akala niya ngayon na siya ikakasal kay Killian.
Kasabwat naman namin si tita para sa pekeng kasal kasalan.
Ako naman ang magpapanggap na stylist niya para wala ng madamay pang iba.
"Ready ka na ba? parating na yun ayusin mo lang yung mask para di ka mahalata" tumango naman ako kay tita at inantay na din ang target.
Nasa simbahan na din ang mga pulis at nagtatago lang.
Pagkatanong ni father sa kanya mamaya ay saka na siya poposasan kasama ang tatay niya.
"Good day mommy ho-OMG!!!" pabebeng tili niya at lumapit saming mga pekeng stylist.
Kasabwat din naman si Trin at ang kanyang kaibigan na si Cleia.
"Tita grabe naiiyak po ako nasurprise talaga ako"
"Ganon talaga si Killian, magpaayos ka na at nakaready na ang lahat sa simbahan, nga pala nasaan ang papa mo?".
"Di po siya nakasama kasi nasa ospital po siya sabi ko nga wag na muna ako umuwi pero pinilit niya ako kaya umuwi na po ako".
Tumango naman si tita at sinenyasan na kaming magsimula.
Makalipas ang ilang oras na pag aayos sa kanya ay natapos na din kami.
"Isipin niyo isang Killian Montereal ang papakasalan ko kaya pasalamat kayo dahil kayo ang kinuha ng asawa ko".
Napairap naman ako ng palihim sa sinabi niya agad naman na siyang inaya ni Cleia sa sasakyan niya para magsimula na ang fake wedding.
Pagkaalis ng kotse ni Cassy agad na kaming sumakay sa kotse ni Trin at sumunod, nagtext na din ako kila tita na padating na si Cassy. Base sa mga imbestigador naging kampante na daw si Cassy na wala ng makakaalam ng sikreto nila dahil wala na daw kaming pera.
Makalipas ang trenta minuto nakarating na din kami at palihim na pumasok, nag ok signal naman kami ng makita na nasa pinto na si Cassy. Napadako naman ang tingin ko kay Killian na walang emosyong nakatitig kay Cassy habang naglalakad ito.
Nakasilip naman na ang mga pulis para sa signal ni Killian mamaya, di naman magpapaputok o gagawa ng masama ang mga pulis mamaya dahil simbahan pa din ito at kailangan natin irespeto ang bahay ng diyos.
"Do you take Cassy De vera to be your wife?" sumagot naman si Killian at nag sign na ng signal. Napangiti naman ng todo si Cassy sa sagot ni Killian.
Nang siya na ang tatanungin agad na siyang hinawakan ni Killian at ningisihan.
Nakita ko naman ang pagtataka niya at takot.
"Inaaresto ka namin Miss De Vera sa salang attempted murder".
"I didn't killed anyone what the heck is going on Killian! Let go of me bastard!".
"Wag ka na magsinungaling, wala ka ng maitatago samin bistado ka na" saad ni tita sa kanya.
"No I wont let all of you drag me down malalagot kayo kay Daddy!".
"Talaga ba nakaposas na din ang tatay mo sa states wait mo nalang ang pagkikita niyo sa korte".
Pinusasan na siya at dinala sa kotse ng mga pulis.
Nagpupumiglas pa siya pero sa huli ay naipasok na sa sasakyan at agad na silang umalis.
Nagpasalamat naman kami kay father at inayos na ang lahat, bukas na dadausin ang paghuhukom kaya naman naging panatag na kami sa wakas.
Inaayos na din ng mga abogado ni Killian ang lahat ng nawala sa amin nakausap na din ni tita ang abogado niya na isa din palang nablack mail ni Cassy.
Makakabalik na si tita sa states at makakapagsimula na muli samantala kami naman ay inaayos nalang ang iba pang papeles bago mabukas ulit ang kompanya.
"Tara na Reese gustong gusto na kita pakasalan" saad ni Killian na ikinatawa ko naman.
"As if naman papakasal ako sayo di ako easy to get, wala tayong label kung di ka nainform" napairap naman siya at nagdrive na din.
Pagkadating sa korte madami na agad tao kaya naman naghanap na kami ng upuan ni Killian sa harap at kinamusta sila Trinity.
Napag-alaman din namin na kaya pala nais na agad ipakasal ni Pancio si Cassy kay Killian ay dahil pabagsak na ang negosyo niya dahil sa mga luho ni Cassy.
Ngayon na ang araw na matatapos na ang lahat sa kanila. Sa video call naman makakausap si Sir Pancio dahil di na siya pwedeng ibyahe dito. Ilang minuto pa ang nakalipas pumasok na din si Cassy na nakaposas kasama ang mga pulis, mugto ang mga mata niya at gulo gulo na din ang buhok.
"Anong tinitingin tingin niyo! Gusto niyong masampal" saad niya at tumawa na parang baliw.
Sakto naman dumating na ang judge kaya agad na din nagsimula.
Tawa iyak lang si Cassy habang pinaparatangan siya ng abogado namin.
Nang panig na niya ang magsasalita agad siyang tumayo at pinatikom ang bibig ng abogado.
"Oo lahat ginawa ko yun pero bakit nga ba? kasi nagmahal lang naman ako ng isang lalaking may mahal na iba, bata pa lang gusto ko na siya pero di niya naramdaman iyon I was patiently waiting for him that he could see my feelings but no that's why I do all this shits, are you all happy now?".
"Masama bang magmahal! Killian childhood bestfriends tayo kahit yung feelings ko nalang sana nakita mo diba ang sakit lang kasi lagi ako nandyan para sayo pero iba pa din hinahanap mo, kulang pa ba!".
"Silence!" sigaw ng judge ng biglang umingay ang korte.
"Lumabas na din sa labi mo Miss De vera ang lahat ng paratang sayo kaya you are now proven guilty" saad ng judge saka tinapos ang paglilitis.
Umiiyak lang sa gilid si Cassy at walang ganang sumunod na sa mga pulis.
Napayakap naman ako kay Killian at naiyak na din dahil sa nalaman ko kay Cassy.
Di ko din naman siya masisisi dahil nagmahal lang siya pero sumobra na ang paglaban niya.
Kinabukasan nagulat naman kami ng ibalita sa amin na patay na daw si Sir pancio, nag iwan din daw ito ng sulat kay Killian at kay Cassy. Naging laman na din ng balita ang mga De vera sa America dahil sa nangyaring ito.
Binasa naman ni Killian ang sulat at nakasaad dito ang paghingi ng paumahin nito sa lahat ng kasalanan nila mag ama. Napag alaman din namin na siya pala ang may pakana ng aksidente ng parents ni Killian.
Napabuntong hininga nalang kami dahil wala na din kami magagawa patay na din siya.
Pumunta na din kami kay Cassy para ipaabot ang sulat, akala namin sisigawan niya kaming muli gaya nung isang araw pero nagkamali kami.
"Sana maging masaya na kayo wag niyo na ako dadalawin hindi ko na hangad ang kapatawaran sa inyo pero nais ko maging masaya na kayo" tumalikod naman na siya agad matapos tanggapin ang sulat. Makalipas ang isang linggo nabulagta kami sa ibinalita ng mga pulis. Nakita nalang daw na wala ng malay si Cassy at napag alaman na may sakit siya sa puso, di na niya kinaya ang lahat kaya ikinamatay na lang niya ito.
Makalipas ang ilang taon naging panatag na ang lahat dahil wala ng magkakapaghiwalay at makakasira pa sa amin ni Killian.....
YOU ARE READING
After We Broke Up (PDS#2)
RandomReese is a beautiful and a brave woman who overcome all her problems in life especially letting go of her lover despite of not wanting to do it. But after years pass by she met him again in an unexpected time and it is where she will apply her upcom...
