K-17

3.3K 108 0
                                    

"Congrats Reese nakapasa ka sa UST" saad ni Tob saka gulo ng buhok ko

Kiniliti ko naman siya at tiningnan ang laptop niya kung saan niya nakita ang results

Napangiti naman ako dahil may magandang balita akong masasabi mamaya kila mama

"Ano na tara na libre kita ng school supplies, dali tumayo ka na" napangiti naman ako at sumama na sa kanya

Nandito kami ngayon sa mall at namimili ng school supplies 3days nalang kasi start na ng college life ko unti nalang makakatulong na ako kila mama

Mag aapply sana ako bilang waiter sa isang fast food chain kaso umayaw sila mama kaya naman magsisikap nalang ako ng bongga para makapag tapos bilang cum laude

Makalipas ang ilang oras nakauwi na din kami at inaya ko si Tob na sa amin na maghapunan

"Nako anak proud na proud kami sa iyo ilang taon nalang matatapos ka na wag ka mapressure enjoy mo lang tara na kain na tayo" napangiti naman ako at kumain na kami

Sobrang saya namin sa simpleng buhay lang mas naging matatag kami dahil sa mga nangyayari sa amin at mas lalo napalakas ang pananalig sa diyos

Unti unti na din nagaling si papa at minsan rumaraket din siya sa pag papaint o di kaya sa pag rerepair ng mga gamit

Di naman nag sawang tumulong si Tob sa amin tuwing nakakapos kami sa budget

Unang araw namin ngayon sa UST kaya naman maaga akong gumising para malibot ang university

Nagpaiwan naman sa cafeteria si Tob dahil inaantok pa daw siya

Pagkabell agad na ako pumasok sa unang klase at naging attentive

As usual sabay nanaman kami ni Tob pero di siya ngayon maghahapunan sa amin dahil bibisita daw si daddy niya

Masaya naman akong nagkwekwento kila mama tungkol sa unang araw ko

Natuwa naman sila sa akin at nagbalita din ng araw nila

"Anak proud na proud si Papa sayo sana di ka galit sa akin dahil ganito lang ako"

"Pa ano ka ba di ako galit tsaka aksidente iyon diba kahit na di mo na itinuloy yung kaso gusto ko pa din malaman sino yung nakasagasa sa iyo"

"Wag mo alalahanin iyon anak gusto ko na din ng payapang buhay nawa'y wala na sana sumira sayo samin niya nalang ibuntong ang galit niya"

"Sino ba kasi siya papa ako nalang siguro ang walang alam"

"Saka na anak basta ngayon patunayan mo muna ang sarili mo sa kanya bago mo siya harapin"

Sa buong taong pag aaral ko bilang 1st yr yun lang ang tanging nasa isip ko ang taong bumagsak sa amin kaya naman halos lahat na ata ng medal nakuha ko na

"Naks naman Reese sanaol madaming medal di mo manlang ako tinirhan" saad ni Tob na may sampong medal naman

"Wow di pa sapat sayo yang sampo nakakaloka ka tara na"

Kumain naman kami sa labas bilang celebration

Tumaas na din kasi ang rank ni mama sa opisina kaya naman sobrang saya namin

"Tita gusto ko po sana isama kayo sa beach resort namin sa palawan bakasyon po tayo" napaisip naman sila tita at umoo nalang sa huli

Kaya naman pag sapit ng summer agad na nag impake sila mama dahil isang buwan daw kami doon kasama si Tob

"Nako iha mag unwind ka din puro ka nalang aral,aral di ka ba naiistress dapat lang na magbakasyon tayo"

"Pero mama nakakahiya po sa pam-"

"Wag ka na mahiya sige ka magtatampo si Tob kapag di ka tumuloy"

Wala na ako nagawa at tinapos nalang ang pag iimpake, nagitla naman kami ng biglang may bumusina sa labas at tama nga ako

Van nila Tob iyon kasama ang mga body guards niya para magbuhat ng mga bagahe namin

Simpleng tshirt at maong shorts lang ang suot ko dahil beach naman ang pupuntahan namin na tiyak kong mainit

Pagkasakay sa van agad na kami umalis, todo daldal naman sila mama tungkol sa gagawin nila ni tita mamaya samantala tulog naman sila papa at Tob

Pagkadating namin, parang mga dalaga na excited magbeach sila tita

Tumulong na muna ako sa pagbaba ng mga bagahe pati si papa saka sumunod sa kanila

Makalipas ang ilang oras, nandito na kami ngayon sa kainan sa tapat ng beach

Sobrang sarap ng mga seafood dahil sariwa ito at masarap ang luto

Tumambay muna kami ni Tob sa may dagat at pinanood ang pagbaba ng araw

Nawili naman ako kasi nag chichikahan kami at todo tawa naman ako dahil ansaya niya kausap

"Nagka girlfriend ka na ba?" napatikom naman siya ng bibig at naging seryoso

"Bakit gusto mo malaman lovelife ko eh di naman kami nagtagal" saad niya sabay harap sa dagat at nilanghap ang sariwang hangin

"Pero ang daya naman kung akin lang ang alam mo diba ishare mo na kasi makikinig ako"

Napabuntong hininga naman siya at muling humarap sakin

"Sabihin na natin na parang kagaya lang sayo yung aken"

"Dami mo paliwanag ikwento mo na makikinig naman ako"

"Si Nicky ang first love ko naging kami nung 4th yr highschool, una masaya kami pero"

"Ano na ituloy mo na pabitin ka lagi kainis ka"

"Taeng tae Reese? wait lang nag eemote pa nga ako pero nawala na epal ka" natawa nalang ako at nakinig muli

"Naging busy ako nung nag senior kami kaya minsan ko nalang siya makasama at makausap yun pala nahuhulog na siya sa kuya ko tapos nung nahuli ko sila di ko alam kung ano gagawin ko di ko nalang sila ginulo nung nalaman ni Mommy ang ginawa ni Nicky pinaghiwalay niya sila Kuya pero di sila natinag kaya tumakas sila pero sa kasamaang palad naaksidente sila at dead on arrival na"

Natigil naman siya at nagpunas ng luha di ko din namalayan na napaluha na din ako kasi ang lungkot pala ng nangyari sa kanila

"3yrs na ng namatay si kuya at Nicky, sa sobrang galit ni mama nasaktan niya pamilya ni Nicky wala naman nagawa sila kaya di na sila nagpakita ulit samin may kaya lang sila Nicky dun siya nag aral sa france dahil nakatanggap siya ng scholarship pero naglaho lahat ng pangarap niya dahil dun"

"Di mo ba nasaktan si Nicky matapos ka niya lokohin at sa kapatid mo pa?"

"Nagplano ako na maghiganti pero mahal ko din ang kuya ko kaya pinaubaya ko nalang sa kanya si Nicky inggit si kuya saken dahil lagi ako pinapaburan nila mommy medyo basag ulo kasi si kuya pero nung naging sila ni Nicky nagbago siya kaya naman kahit masakit saken pinaubaya ko nalang si Nicky"

Tumalikod naman siya at umiyak niyakap ko naman siya at inalo alo

Sa palangiti niyang mukha may tinatago pala siyang hinanakit noon pa man

Nagpalipas pa kami ng ilang minuto at napagpasyahan ng pumasok sa loob nagtaka naman sila tita bakit kami umiyak

Nagdahilan nalang kami at pumasok na sa kanya kanyang kwarto.......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now