K-23

4.4K 103 0
                                        

Kagabi pa ako di mapakali sa sarili ko kakaisip tungkol sa sinabi ni Ma'am Trin kahapon.
Naglalaban ang puso't isipan ko kung dapat ko bang kausapin si Killian o wag nalang muli buksan ang aming nakaraan.

Lutang ako papuntang opisina kaya naman napahawak ako sa aking dibdib ng bigla akong batiin ni manong. Inayos ko muna ang sarili ko at bumati din. Agad na akong umakyat at tila nanginginig dahil sa isipin.

"Thank you very much sir for partnering to our company we'll not gonna disappoint you".

"Of course I will be not disappointed on you I will go n- Who is this gorgeous young lady, Good Morning Miss?".

Nataranta naman ako kaya umayos ako at nagpakilala.

"Good day sir, I'm Reese Mendoza secretary of the Montereals"nakipagkamay naman siya at nagpaisip.

"You must be the daughter of my amigo before, I didn't notice you Reese, you're a woman now, By the way how's your father?".

"His fine now, he also takes his medicine everyday". Saad ko at ngumiti ng tipid.

"Good to hear, it's been years since we talked is he busy that much? I want him to continue the investigation to your company lose I have a conclusion that someone black mailed them".

"I will ask him sir and thank you for your kindness I hope my father will not resist you".

"I hope so, lastly Reese may asawa ka na ba kasi ang anak ko is still single, I don't know to that man why he is so stubborn to girls perhaps you want to kn-".

"Sir I think you should go now, you have a urgent meeting right?" napatingin naman ako kay Killian na parang naiirita.

"Yes I already forgotten Next time, ipapakilala kita but for now I need to go have a nice day".

"Kayo din po maraming salamat din po sa alok na tulong".

Umalis na din siya dala ang briefcase niya kaya naman umayos na ako at pupunta na sa aking lamesa.

"Mag uusap tayo" he said with finality and pushed me on the sofa.

Di ko pa din nafifinalized ang gusto kong mangyari pero nandito na kami kaya wala na akong magagawa.

"Magsimula ka na makikinig ako" saad ko at pinaghalukip ang aking mga braso.

"Di ko alam kung saan magsisimula pero sorry Reese sorry sa nangyari sorry dahil nagkamali ako sorry k-".

"Ano ba yan puro sorry lang pala sasabihin mo alam mo di sa binabastos kita pero kung yan lang din ang sasabihin mo magtratraba-".

"Honey! did you miss me?" nagitla naman ako at unti-unti ng kinakabahan dahil sa biglaang pagdating ni Cassy kasama ang mga maleta niya.

Pati si Killian gulat na gulat din kaya naman agad lumipat ang tingin sa akin ni Cassy.

"Oh dear! Bakit kasama mo ang babaeng hampaslupang yan Killian at ikaw ang kapal ng face mo pumunta dito para ano huthutan ng pera ang future husband ko dahil a-!".

Di ko na napigilan ang sarili ko at sinabunutan na siya dahil gigil na gigil na ako sa kaartehan at pagkapraning niya.

"Di ako mukhang pera kagaya mo at di ako bumalik para sa asawa mo, magsama kayo!".

Inaawat naman kami ni Killian pero di kami tumigil hanggang sa nadulas si Cassy at natumba. Akala ko lalapitan siya ni Killian pero nagitla ako ng buhatin niya ako at iupo sa sofa.

"Ok ka lang ba? nasaktan ka ba?" hinawi ko naman ang kamay niya at tumayo.

"Wag po kayo mag-alala sakin ang alalahanin niyo ang asawa niyo" sumunod pa si Killian hanggang pinto pero di na niya ako nahabol.

Lahat ng mata nila ay sa akin dahil sa itsura ko. Gulo gulo na kasi ang buhok at damit ko pati isip ko di ko na alam kung maniniwala pa ba ako kay Killian.

Agad naman ako nagitla ng dumating si Tob at nagtataka sa itsura ko. Di ko na namalayan nakarating na pala ako ng parking na parang bruha ang itsura.

"Ano nangyari sayo Reese bakit ka ganyan tsa-Oh! Killian ano nangyari sa kaibigan ko?" agad naman ako nagtago sa likod ni Tob ng marinig na nandyan siya.

"I want to talk to Reese properly so please give her to me" kumapit naman ako kay Tob at umiling

"A-ano? ayaw niya daw tsaka baka hina-".

"How dare you Killian ipagpapalit mo lang ako sa isang hampaslupa!".

"Please wag ka nga mag eskandalo dito Cassy ang alam nila asawa ko si Trin ugh! Go to my office now!".

Naging opurtunidad namin iyon para makaalis kaya naman agad na pinaharurot ni Tob ang sasakyan pauwi samin. Agad naman nag alala sila mama dahil sa ayos ko nagalit sila dahil di ko sinabi una palang na Boss ko si Killian.

Sinermonan nila ako hanggang sa pag akyat ko sa kwarto. Nilubayan din nila ako nang magpaalam na ako na magpapahinga na.

Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas sa pagkakahiga ko may naririnig akong sigawan sa labas kaya naman napasilip ako sa bintana at napatakip ng bibig.

Nasa baba sila mama kausap o sinisigawan ata si Killian na basang basa na sa ulan at pilit na pumapasok sa gate.

Napahiga nalang ako sa kama at di namalayan na napapaluha na pala ako dahil muli ko nanamang naalala ang mga masasayang ala-ala namin noon na ilang taon ko ng pilit kinakalimutan.

Kinabukasan di ko na namalayan na nakatulog na pala ako ng di pa na kakapagpalit kaya agad na akong bumangon at naligo.

Nagitla naman ako sa pagbaba dahil madaling araw palang kaya wala pang tao at madilim pa.

Naisipan ko naman na bumili nalang ng ready made breakfast sa may labasan at doon nalang kumain dahil maaga pa naman. Pero agad ako nagitla ng makitang may nakahandusay na lalaki sa gate namin at basang basa ng ulan kagabi.

Agad naman ako nataranta kaya mas nilapitan ko siya.

Naramdaman ko ang pagkaputla ko ng makita si Killian sa sahig.....

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now