K-19

4.2K 101 0
                                        

"Remember to always use the formula before you do the factoring" saad ng prof namin kaya naman madali din ako nagtatake note dahil masyado siya mabilis magturo.

Distracted naman si Tob dahil kay Charlotte.

Siya kasi yung babaeng lagi niya kinaiinitan ng ulo at laging bukambibig.

Kinompronta ko na siya kung may gusto siya pero todo deny naman siya hanggang sa nung malapit na kami magbakasyon saka na siya umamin na gusto niya si Charlotte.

"Ayan kasi indenial pa halata naman" sinamaan niya lang ako ng tingin at palakad lakad ulit kakaisip kung pano manligaw.

"Ayun alam ko na tutal kasama ko naman siya sa bahay alam ko na gagawin ko" saad niya sabay iwan na sa akin, napairap nalang ako sa hangin at inantay na ang announcement ng results.

As usual kami nanaman ang nangunguna ni Tob sa batch namin kaya naman umalis na din ako para makauwi na at magpahinga.

Ganon ulit ang ginawa ko nung bakasyon ang online selling.

Nakahanap na din si mama ng ospital sa Korea na maganda ang reviews at reliable ang benefits.

Makalipas ang ilang linggo nandito nanaman kami sa campus at ito na ang huli naming taon bilang estudyante sa sikat na school na ito.

Lagi nalang dalawang oras ang tulog ko dahil sa dami ng mga binabasa st sinasaulo na mga terms.

Lagi naman ako pinapaalalahanan nila mama na lagi kumain sa tamang oras at dapat may tulog pa din ako kahit minsan di ko na nagagawa pang magpahinga.

Nagsimula na din manligaw si Tob at sa una ay palpak siya dahil di daw niya ito nagawa noon kay Nicky dahil gusto naman nila ang isa't-isa at di na daw nagpaligaw si Nicky.

"Prepare now your pens and keep your notes at your bags" ginawa naman na namin ang saad ng prof namin, pagkatapos pinamigay na niya ang mga test paper para sa 3rd sem.

Makalipas ang ilang oras nakainat na din ako at sumama na kila Tob, nakakahiya nga sa kanila dahil mukha akong 3rd party kaya minsan mag isa nalang ako nakain pero ngayon inaya kasi ako ni Charlotte dahil gusto daw niya ako maging close.

Binilin din kasi ako ni Tob sa kanya ng bantayan pag wala siya dahil baka may nagmamanman din daw sakin.

Lumipas ang ilang buwan at nandito nanaman kami muli para sa pinaka huli naming exam bago graduation sobrang saya ko dahil makalipas ang ilang taon masasagawa ko na ang mga plano ko kila mama at para sa sarili ko.

Inantay naman namin ang results at nag-celebrate sa bahay ng mayaman naming kabatch, madami ang bumati sakin dahil sa pagiging no.1 muli.

Todo pasalamat naman ako at nagsaya na din, madami ding mga opportunities ang bumungad sa akin kahit na di pa ako nakakagraduate.

Sobrang proud naman ang sponsors ko at nirecommend ako sa iba't ibang kilalang kompanya.

"And our magna cum laude please stand up Ms. Reese Mendoza of the business administration class" agad naman napuno ng palakpakan ang hall kaya naman tumayo na ako kasama sila papa at pinasabit ang medals.

Nagspeech muna ako saka muling nagpasalamat, matapos ang graduation agad na nagpicture ang buong batch namin at nagyakapan.

Marami ang naiyak at natuwa dahil makalipas ang ilang taong pag-aaral, ito na kami handa ng tumulong sa ating bansa.

Naging masaya na din ako kay Tob dahil makalipas ang isang taon niyang panliligaw ay sinagot na din siya ni Charlotte na di mo aakalaling hired bodyguard niya.

"Congrats sa inyo ni Charlotte after ilang years, nagkapag-ibig ka na din" kinurot niya naman ang pisngi ko at sinabi magboyfriend na din daw ako.

"Congrats din sayo Reese" saad ni Charlotte kaya naman niyakap ko na din siya at nagpasalamat.

"Ano na tara na sa bahay at magcelebrate ng pagtatapos natin".

Agad na kami sumunod kay Tob at sumakay na sa sasakyan nila, nagulat naman kami ng makita si Tita kasama ang matipunong lalaki.

Nagpakilala naman siya bilang ama ni Tob, agad naman kami nagbigay galang ni Charlotte at nagpakilala din.

"Sabi na mahuhulog din sayo itong anak ko basta wag mo lang siya lolokohin nako" napangiti nalang si Charlotte at nakipagkwentuhan pa kay tito.

Pagkadating sa mansion nila abala na ang kanilang mga kasambahay sa paghahanda at pagluluto nais sana namin tulungan sila manang kaso pinaupo nalang nila kami sa mesa at pinag-antay.

Ngayon ko lang nalaman na wala na palang pamilya si Charlotte kaya inadapt nalang siya nila tita at trinain bilang magaling na bantay ni Tob.

Di na gulat si Tob dahil naikwento na ito sa kanya ni Charlotte, sakto naman dumating na ang pagkain kaya naman naglead na muna si mama ng prayer saka kumain.

Tahimik lang ako habang sila naman ay pinag uusapan ang pagpapagamot ni papa, nais sana tumulong nila tita ng palihim pero nagrefuse si mama at nagpasalamat dahil malaking tulong na daw samin si Tob.

Makalipas ang isang linggo, madami lagi ako natatanggap na mga promotion ng mga company na nais ako makuha kaso nagrefuse muna ako dahil nga ipapagamot muna namin si papa bago ako magtratrabaho.

Nandito ako ngayon sa kwarto at naghahanda na ng iimpake para sa pag alis namin estimate din kasi ni mama na baka taon din kami doon bago makabalik dito kaya naman malalaki ang dadalhin naming bagahe.

Sa susunod na araw na kasi yung alis namin kaya naman di na muna pumasok si mama para maimpake ng maayos ang mga gamit nila ni papa.

Samantala magpapaiwan naman si tita dito para may tao daw sa bahay saka na daw siya dadalaw pag tapos na ang operation.

"Kamusta anak ayos na ba sayo ang mga dadalhin mo?" tumango naman ako at sinara na ang bagahe.

"Ok lang ba talaga sayo na sumama samin ng papa mo di ka talaga muna magtatrabaho?".

"Makakapag antay naman po ang trabaho, gusto ko din masubaybayan si papa".

"Salamat anak mahal na mahal ka namin ng papa mo" saad niya sabay yakap sakin.

"Ako din mama mahal na mahal ko kayo".

Kumain na muna kami ng tanghalian saka inilagay na ang mga bagahe sa van nila Tob.

"Mag iingat kayo doon amiga nawa'y maging successful ang operation, tumawag din kayo pag kailangan niyo ng tulong nandito lang kami" nagpasalamat naman sila mama at sumakay na.

"Mag iingat ka din Reese mamimiss kita pamangkin".

"Opo tita ingat din kayo dito lagi nalang po ako tatawag".

Nagpaalam na kami at nakipag usap pa saglit bago umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa airport at agad na umakyat sa eroplano......

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now